Truce

2.8K 122 17
                                    

Sunday, 2:43 PM, SM Megamall

Nagmamadaling pumasok ng mall si Car. Halos matapilok pa siya sa bilis nang lakad. Late na siya sa usapan nila ni Leo. Kanina pa siguro yon nag-aantay. Ala-dose dapat sila magkikita.

"You're late." Ani Leo sa kanya paglapit. Mabuti nalang at nakita niya agad ito malapit sa bookstore na pagkikitaan nila.

Huminga siya nang malalim bago sumagot. Feeling niya nagmarathon na siya sa hingal. Pinunasan niya muna ng panyo ang pawis niya sa noo at sinuklay ang nakalugay na buhok. Mabuti nalan at nakacontact lens siya ngayon kundi foggy na naman ang paningin niya dahil sa salamin.

"Haler? Ang layo kaya nito. Nakipagdigmaan pa ako sa MRT."

"Dapat sinundo nalang nga kita."

Yoon ang unang usapan. Kaso di siya pumayag. May gathering kasi ang mga tanders sa compound nila pagkatapos ng simba. Mahirap na, baka kung anong isipin ng mga yon. Baka akala, magde-date sila.

Err...

Napatingin siya sa suot nito. Naka-black shirt si Leo na hapit sa katawan, bakat ang masels. Naka-jeans na rugged. Tapos naka itim na Converse shoes. Hiyang-hiya naman siya sa hitsura nila. Pareho pa ng kulay. Couple outfit ang dating.

"Ngayon lang kita nakitang nakadress." Puna nito sa kanya. Wala naman himig na pang-aasar pero nakita niya ang pagngisi.

"Natural, nakapansimba. Galing ako sa misa." Irap niya. Itim na babydoll dress na hanggang tuhod ang suot niya. Naka-leggings na itim din at ankle boots.

"Funeral?"

"Mang-okray ka pa, hahambalusin kita," banta niya dito. Ano bang masama sa suot niya? Disente naman. Alangan namang magpekpek shorts siya loob sa simbahan. Saka naka-itim din naman ito.

"Wait ha. Pinadayo mo pa ako para dito. Kainis lang." Kinuha niya ang cellphone sa sling bag at inabot kay Leo. Iyon naman ang agenda niya kaya siya nakipagkita. Isosoli niya lang yon.

Tapusin na to, para makauwi na.

"Sayo na yan diba? Binigay ko na sayo." Ibinalik nito sa kanya ang phone at ito naman ang may inabot. Paper bag. May tatak na logo ng may kagat na mansanas.

"The f*ck? Ano yan? Anong gagawin ko diyan?" Napaatras siya ng isang hakbang. Ano ba tong si Leo? May factory ng iphone at basta basta nalang namimigay?

"Kailangan kong palitan ang nasira ko diba? Kunin mo na." Pilit nitong pinahawak sa kanya ang paper bag na yon. Wala na siyang nagawa. Masamang tumangi sa grasya pero ang laking grasya naman noon. Doon sa presyo ng model palang na nandoon, isang buwang allowance niya.

"This is too much, Leo."

"I didn't brought you flowers at least." Sambit nito sabay hila sa kamay. Ang lakas. Wala siyang nagawa kundi magpatangay nalang.

Sandali. Para san yung flowers?

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya dito nang malapit na sila sa elevator. Ang bilis maglakad. Nagmamadali lang.

"We're going eat. Nagugutom na ako," sagot naman nito. Sabagay, halos tatlong oras ba naman niyang pinaghintay. "What do you prefer? Italian food? Asian?"

Ayaw niya ng Italian, maraming herbs. Siguradong sushi naman yung Asian na sinasabi nito. May allergy siya sa isda. "Ano to? Treat mo?"

Saglit silang tumigil sa paglalakad pero di parin binibitawan ang kamay niya. Nakita niyang nakakunot na ang noo nito kasabay ng pag-iwas ng tingin. "D*mmit Car, you're too slow.."

Hala. Mainit ulo. Malamang gutom na.

Kung sabagay, ito ang nagyaya, malamang libre. Grasya uli. 

"Mexican food. Meron noon dito diba?"

Nawi-wirdohan talaga siya sa sitwasyon nila. Saka kay Leo mismo. Parang noong isang araw lang, world war sila nito. Laban kung laban. Inaatake niya ng pagka-Gabriella Silang niya. Tapos ngayon, magkasama silang kumakain sa isang mesa. Parang walang namamagitan. Parang walang nangyari.

Hindi ba dapat ilag ito sa kanya dahil doon sa scandal na hawak niya.

Pero teka. May hawak nga din pala itong scandal niya.

"Car, eat." Sabi ni Leo. Napansin sigurong nangangalahati pa lang siya sa enchiladas niya. Samantalang ito, ubos na yung buritto. Ang dami pa namang inorder, may salad pa nga siyang di nagagalaw. May soup pa. Tapos may malaking platter ng nachos. Bitay package ang peg.

Gutom nga din siya pero di siya mapakali, di tuloy siya makakain ng maayos.

"Ano ba tong ginagawa natin ngayon? Nagde-date ba tayo Leo?" Tanong niya kasabay ng pagbaba ng kubyertos.

Ibinaba nito ang iniinumang baso. "We are having lunch. Medyo late nga lang," sagot nito tapos ngumisi. Labas na naman ng pamatay na dimples. "And yes. This is a date."

"Seryoso ka?" Buti tumigil muna siya sa pagkain bago nagtanong. Baka nabilaukan na siya o naibuga ang laman ng bibig sa pagkakabigla.

Date talaga? As in date?

Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago sumagot. "Sorry. Dapat sa maayos resto kita dinala. Hindi dapat dito. Nakapagpareseve na ako kaso..."

"Na-late ako," tuloy niya. Tumango ito. Seryoso nga.

Pinilit niyang sumubo ng pagkain. Masarap naman ang pagkain dito, sa totoo lang. Sosyalin na nga ito para iba. Lalo na sa kanyang hampaslupa.

San ba dapat sila kakain? Five star hotel?

"Lam mo, kung inuuto mo lang ako kasi may atraso ka pa, hindi no. May iba akong plano sa video mo." Sabi niya pagkatapos ngumuya.

"Hindi mo na ilalabas yon," sagot naman ni Leo. "I still have your picture."

Tingnan mo to. Hindi daw sila magkatulad. Nambla-blackmail din pala. Sabi nga ba may balak.

"Edi ikalat mo. Walang akong pake. I'm just a helpless girl na naging biktima mo."

"Wait, what?"

"Ikaw yung kilalang bully sa school. Ikaw ang lalabas na masama. Baka akalain pa nila, ni-rape mo ako sa dahil picture na yon."

Umiling ito at tumawa. "No, not that. Ikaw? Helpless? You photoshopped my picture with someone else's dick. And then you threatened to blackmail me with that video. Helpless?"

Nang-aasar lang? Nakakainis pero totoo.

"Hindi naman alam ng mga tao yon. Pinaniniwalaan lang naman nila ang nakikita nila."

Doon na tumigil ang usapan nila. Tuloy-tuloy nalang siyang kumain. Samantalang si Leo, nakatitig lang sa kawalan. Mukhang nag-iisip nang malalim.

Ewan ba niya. Pwede namang mag COC muna sa phone habang hinihintay siyang matapos. Tulaley tuloy.

"Let's have truce, Car," sambit bigla nito. Napaangat siya ng tingin. Seryoso itong nakatitig sa kanya. "Nothing will go out. Kalimutan na natin yon."

Ngumuso siya. "And paano si Char? Remember, siya ang dahilan kaya ko yon ginawa. Dahil sa mga kalokohan nyo ng friends mo."

"Okay. I promise. Wala nang gagawin si Warren, di na rin siya makakalapit pa kay Charity."

"And?"

Yun lang. Pano siya? Pano naman yung pang hahawak nito sa boobie niya. Saka yung kiss. Di bale sana yung fresh, mapapalampas pa niya. Kaso may nauna nang pinanggaling yon. Kadirsdirs lang.

"I'll do whatever you want. Let's just end this."

"Anything?"

"Yes."

Ngumisi siya. Balik na sa plano ang lahat.


The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon