Takbo, Leo. Takbo

1.6K 73 19
                                    

"Dammit."

Mahinang napamura si Leo. Natanaw na niya ang bahay nila Car, ilang metro lang yung gate ng compound kung saan siya naka-park. As Gelo said earlier, marami ngang tao ngayon doon. May party. May videoke pa sa labas.

He can see Car's uncles. Nakaupo sa mga upuan na nasa labas lang gate kasamang ilan pa. Nag-iinuman habang may kumakanta. The usual tambay get-up. Topless tapos naka shorts lang. Nakikita niya ang mga malalaking tattoo sa likod.

One looks like a dragon with numbers. Doon sa isa triangle na may mga letters and stuff.  Hindi niya makita naman ang huli dahil nakaharap ito sa kanila. Member ba sila ng mafia?

This is bad, he thought. This is so bad.

"I told you, bro. Tawagin na natin si Warren. Nandito silang lahat. Baka ma-EJK tayo!"

"Shut up." He said.

Hindi EJK ang nangyari kay Anthony. Just a typical revenge sh*t. An eye for an eye thing. Parang nakuha na niya kung saan ni Car nakuha ang mindset sa pagganti.

Wala naman siyang ginawang masama. Kailangan lang talaga niyang magpaliwanag kung bakit siya nawala.

Pumunta siyang hospital kanina pero mag-iisang buwan na daw itong nakalabas kaya dito siya napadpad. He have to bribe the nurse too para lang magsalita.

Gusto niya tuloy magsisi kung bakit di niya ito pinuntahan agad. But what will he do? Hindi naman niya kayang pabayaan ang mommy niya. Kung bakit sabay-sabay naman kasi ang problema.

Napansin niyang nandoon din sina Charity at Eric sa umpukan. Nabuo doon ang pag-asang nandito lang si Car.

Pero thirty minutes na sila sa tapat ng bahay na yon, di pa niya ito nakikita. Mukhang pinagtataguan nga siya.

"Bro, please. Alam ko nangyari sa inyo ni Car. Wag mo ako idamay."

"Gelo. Stop. It." Parang babae kung magreklamo.

Inaamin niya sa sarili na maski siya kinakabahan din ngayon. Baka siya mapatay din kung bigla nalang siyang magpapakita. Kaya nga isinama na niya ngayon si Gelo para may witness siya kung sakaling ma-murder siya dito.

"Pag lumabas ka ng kotse mo, di na tayo makakabalik ng buhay. Ikaw lang ang na-expel sa school! May future pa ako! Maglalaro pa ako next--"

"I said, shut up!" He hissed. Hindi siya makapag isip nang maayos. Buti at hindi pa naman sila napapansin sa ngayon. Mabuti at ibang kotse na ang gamit niya.

"Leo...taena...yoko pang mamatay." Napangiwi siya. Masasapak na talaga ni ang kaibigan niya.

He need to calm down, hindi siya pwedeng kabahan ng husto. Pagbigla nalang siyang susugod doon baka lalong wala siyang mapala.

"Uy, teka. Yung adik yun diba? Yung sinakay mo?"

What? Napatingin naman siya sa tinuro ni Gelo at napakunot nang noo.
Si Bubby. Dubby? Duddy? Basta siya yun. Yung ex. Nakikipag-inuman din sa mga tiyuhin ni Car. May hawak pang mic. Kaya pala maingay. Damn him.

He told him that his father was in the hospital sa Davao kaya kailangan na niyang umalis agad. Sa sobrang pagmamadali kasi, doon nalang siya nakapagpaalam. Ni hindi na nga niya naibalik pa ang phone ni Rose. Kaya naman niya yong palitan kahit ilan pa.

"Seryoso, Leo. Araw-araw na nasa hospital yan nun nandoon pa si Car, nakikita ko. Mukhang ok na yata sa pamilya nila. Putsa Bro! Nananamtala habang wala ka! Inaahahas ka!"

"F*ck it!" Mabilis siyang napababa ng sasakyan.  

Mukhang alam na niya ngayon kung bakit nawalan siya ng communication kay Car. He wanted Car back, yun nga ang dahilan noon kung bakit ito nang-ii-stalk. 

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon