Stalk

2.6K 121 16
                                    

Sh*t na yan...

Napakagat ng labi si Car sa nakikita. Magkasama nga sina Warren at Charize. May binigay pang bulaklak ang walanghiya sa kaibigan niya.

"Sabi sa cafeteria lang, sa McDo pa dinala."

Buti nalang at may nakakita ditong member ng SC na lumabas ng campus, sinabi sa kanila. Doon nga nila nakita ni Leo na pumasok ang mga ito isang fastfood.

"Mababasag na yung salamin, Car." Dinig niyang saway ni Leo sa kanya. Masyadong nakadikit ang noo niya sa glass panel sa tabi niya. Bumaling siya dito at sinamaan nang tingin.

"Lakampake."

Nasa Jollibee naman sila. Katabi ng McDonalds. Ibang klase ang kumpetensya ng dalawang fastfood chain kaya halos magkadikit lang ang mga yon ng pwesto sa tabi ng school nila.

Sakto pa ang nakuha ni Leo na table. Nasa second floor sila kaya kitang-kita ang mga kumakain sa baba sa kabila. Di naman sila natatanaw ng mga yon. Nakakapag-stalk sila na di napapansin.

"Ano, may masasabi ka pa?" Aniya kay Leo. "Pa-truce truce ka pang malalaman. Ayan si Warren o. Pa flowers-flowers pa?"

Nakita niya ang pagbaba at pagtaas ng adams apple nito bago nagsalita. "We called the dare off, maniwala ka."

"Eh ano to?" Sabi niya sabay turo kina Warren at Char. Nag-uusap ang dalawa. Mukhang masinsinan.

Umupo nang diretso si Leo at tumingin na rin. "Hindi ko alam. I already gave them my part."

"Anong part?" Magkano nga pala yung usapan ng mga to?

"Listen," sabi pa nito. "Hindi ko alam to. I already told Warren to end it. Binigay ko na yung ten kahit di natuloy, okay?"

 Napataas lang siya ng kilay. Ten? Ten thousand? Yaman naman.  

"So, ano to? Kusang loob niya? Gusto talaga niyang makipagbalikan kay Char? "

"Probably." Nagkibit-balikat ito. 

Umirap siya. Lul. Magsama-sama silang g*go.

Bumalik nalang ang tingin niya kina Char. Mukhang masinsinang nag-uusap ang dalawa. Nakita pa niya ang paghawak ng Warren na yon sa kamay ng kaibigan niya. Hinalikan ka.

Shit na yan! Di pwede yon!

Napatayo siya sa kinauupuan. Papaalis na sana siya ng mahuli ni Leo ang braso niya.

"Where are you going?" Nakakunot ang noo nito sa kanya.

"Sa kanila. Ako na bubugbog kay Warren!"

"Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?" Tanong nito.

"Wala akong tiwala sa kaibigan mo." Sagot naman niya.

Magaling mambola si Warren. Basketball player nga eh. At kilala rin niya si Char. Madali iyong magpadala. Baka mauto na naman.

"Car, sit down. Hayaan mo sila," sabi nito. "Charity can handle it. Kung ayaw naman niya, di naman siya mapipilit."

Napangiwi siya. Sabagay, eskandalo malamang kung magwawala siya doon. Mapipilitan din niyang sabihin kay Char ang tungkol sa pustahan. Lalo lang yong masasaktan.

Bumalik siya kinauupuan. "Tss. Anong gagawin ko ngayon?"

"Let's just eat." Sagot ni Leo. 

Napangiwi siya lalo. Dami na namang inorder. Dalawang large fries. Jolispaghetti. Champ saka peach mango pie. Sa kanya daw lahat.

"Sinisira mo diet ko." Aniya. Pinulupot niya ang spagetti sa tinidor at sumubo ng malaki

"You've eaten a whole liter of icecream. Kaya mo yan." Sabi nito na natatawa. Labas yung cute na dimples. Kainis.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon