Eng Sekhet Sekhet Bes

1.5K 77 43
                                    


"Say it, Car please. Let me hear it."

"Mmm...sige na...I lab yu na nga...mahal na kita Leo...sleep na tayo."

May nadinig siyang nagcrash kung saan. Kasabay noon ang pagkawala ng palabas at pagbukas uli ng mga ilaw. Nakita niya sa itaas sina Charize at Eric. Nasa loob ng control room at mukhang may inaaway na sa loob. Nagkakagulo na.

Tumahimik ang paligid. Hanggang sa unti-unti nang nagsimula ang mga bulungan ng mga tao.

"Scandal!"

"Yak, nag-video pa."

"Kadiri. Pumatol pala talaga si Leo."

"Warak na siguro pekpek niya."

Napalunok siya. Napapikit.

"Babe." Akmang lalapit si Leo sa kanya. Agad siyang umatras at hinawi ang kamay nito. Umiwas siya ng tingin.

Wala siyang maramdaman. Parang naturukan ang isang libong anestisya ang buong sistema niya.

Dapat ay sumisiklab na ang galit niya. Super saiyan level na. Isang daang porsyento. Tatawagin na ang walong dragon. Pero wala. Ni hindi man lang nga niyang magawang sampalin ito kahit mahina lang.

Lumapit ang mga teammates ni Leo. Hindi niya makita ang ekspresyon pero alam niyang natatawa na amg yon. Pinagtatawanan siya.

"Bro...C'mon," dinig niyang sabi ng isa. Si Warren yon, alam niya. Tumapik pa ito sa balikat ni Leo at hinihila na papalayo sa kanya. "Panalo ka na."

Panalo. Panalo?

"All this time?" Barag ang boses niya. Hindi niya malaman kung saan parte ng puso niya nakuha ang lakas para magsalita pa.

"Babe...wait.."

Umiling siya. Naglakad na siya nang mabilis papalabas ng auditorium. Hindi niya noon ugali tumakas sa mga ganito panliliit pero sobra na. Sobra na talaga.

Buong pagkatao na niya ang napahiya. Buong pagkababae niya.

"Babe!" May mga bisig na biglang yumakap sa kanya. Napigil siya sa pagtakbo. Pinilit niyang kumawala pero mahigpit talaga ang kapit.

Tss. Atleta talaga. Ang lakas. Hindi niya ito mauunahan talaga. Bakit pa kasi kailangang sumunod?

"Let me explain. Wag kang umalis.."

Tinigil niya ang pagpiglas. Pinakawalan naman siya nito.

"Explain? Explain?! Ano ii-explain mo?" Humarap na siya dito at nagsisigaw. Buti at nasa lugar sila nang walang tao. Lahat kasi halos nasa auditorium pa. Mukhang ninamnam pa ang palabas nila.

"Nakita mo ba yon? Nag sex tayo Leo! Vin-ideo mo na hindi ko alam. Napanood nila! T*ngina, anong gusto mong gawin ko?! Mag bow pa sa mga tao doon sa performance ko?"

"Dammit Car! Will you let me talk first?!" Sigaw din nito. Namumula na ang mukha. Kuyom na ang mga palad. Handa nang manuntok.

Napatawa siya. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Ang kapal. Ang kapal talaga!

"I've lost my phone, ok?! Ninakaw yon. I've been trying to retrieve everything. Handa nga akong magbayad para lang di na lumabas ang lahat ng to."

Si Yuki. Kaya pala. Ngayon alam na niya kung bakit may text ito doon sa babaeng yon. Sabi na nga ba. Ito talaga yon. Tama ang instinct niya. Kaya pala iba ang pakiramdam niya.

"Dammit. I was there too, Car. Hindi lang ikaw ang napahiya dito!"

"Napahiya? Ikaw?" Tumawa siya. Humalakhalak na parang baliw. Siguro nga baliw na siya. Nakakabaliw naman talaga ang sitwasyon niya.

"Oh my ghad! Sa tingin mo ba sino satin ang pinagtatawanan ng mundo ngayon?" Aniya. Di naman talaga niya kailangan itanong pa yon. Sa ganitong sitwasyon, silang mga babae ang laging masama. Malandi. Nakakadiri.

"Saka dinig na dinig ko eh. Panalo ka. Sabagay ayun na nga oh. May ebidensya na. Kitang-kita na nang lahat."

"Car. Let me explain that..." Hinawakan nito ang kamay niya pero pumalag siya. Nagdidilim ang paningin niya kapag dumadampi ang balat nito sa kanya.

"Kung kasama pala ako sa pustahan niyo, sana iniform mo ako. Di na sana nagatalan pa. Sana noon pa, nagsex na tayo. Tapos binigyan mo nalang ako porsyento. Edi masaya, di ka na gumasta pa at nagsayang ng time. Madali naman akong kausap," aniya.

Napapikit ito at napahawak sa batok. "Yes...yes I did it. Yes it is true. It was just a dare at first. I choose you because I know you were an easy target. You were vulnerable. Matapos yon nung sabihin mo sakin lahat noong nalasing ka..."

T*ngina. T*ngina niya talaga.

"Pero di ko ginusto to. I didn't plan this and--"

"Tama na," pigil niya dito. Ayaw na niyang marinig. Sapat na yon. Dapat naniwala siya sa instinct niyang gago talaga ito. Na niloloko lang siya. Nagpadala naman kasi agad ang puso niya sa mga p*tangingang kasweetan nito.

"Ok lang sakin. Hindi naman ako disente diba? Pinatritripan niyo nga ako noon. Sinasabuyan ng cornstach. Pinapahiya. Masaya ka na ba don?" Paos ang boses niya pero pinilit parin niyang magsalita.

Umiling si Leo. Nagbago ang ekpresyon ng mukha nito pero namumula parin.

"Babe please...We should talk pero hindi sa ganitong paraan." Lumapit ito sa kanya. Pilit siya nitong hinahawakan. Pilit niya naman itong hinahawi.

"Wag mo nga akong tawaging Babe. Hindi naman tayo."

"No please. Don't let this break us. Please. You need to know that I've fall--"

"Tama na nga! Wag mo akong hawakan!" Sigaw niya. Nagawa na niyang tuluyang makalayo.

"Car--"

"Anong 'us' ba ang pinagsasabi mo? Pinagpustahan niyo lang naman ako ng mga kaibigan mo para makipagsex sayo. Wag na tayong maglokohan. Nakakatawa na," aniya.

Unti-unti nang nagsisink-in sa kanya ang lahat. Unti-unti na niyang nararamdaman. Ang sakit. Ang galit.

"Tama na, Leo. Niloko mo ako, yun ang totoo...tama na.."

Tumalikod na siya at tumakbo nang mabilis. Sinigurado na niyang di na siya mahahabol pa. Hindi na siya masusundan.

Di siya pwedeng makita nito sa ganoong ayos. Kakaunting pride nalang ang natitira sa kanya, mawawala pa.

Nakita nalang niya ang sarili sa CR. Walang tao doon. Mabilis siyang pumasok sa isa sa mga cubicle.

Napahawak siya sa dibdib at napasandal sa pader. Naramdaman agad niya ang mabilis na pag-agos ng mainit na luha sa pisngi niya. Halos nanlalabo na nga mga mata.

Di niya akalaing ganito pala kasakit ko. Sobra. Mas masakit pa doon sa una. Winawaksak ang dibdib. Hindi siya makahinga.

Sabagay kasalanan niya rin naman, siya ang nagpauto. Dapat noong una palang ay natuto na siya.

Unti-unti siyang napapadulas sa pader at napaupo sa maduming sahig. Wala na siyang pakialam. Madumi na rin naman siya. Nadumihan pa lalo ngayon.

Napayuko siya at napasubsob sa mga tuhod. Tahimik siyang umiyak.

Kailangan niyang umiyak. Pero kahit pa yata siguro maubos ang luha niya, di parin mawawala ang sakit.

Ang gago mo Leo, kung kelan mahal na kita...t*ngina talaga..

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon