Black Swan

2.3K 106 24
                                    

Napangiwi si Car ang ma-check ang facebook niya.

Sabi na nga ba.

120 shares na ang picture nila ni Leo kung saan hawak niya ang pisngi nito. Para talaga silang mag-jowang sweet na sweet doon.

Sakura Kinimoto ang pangalan ng nang post. Si Card Captor pa ang DP. Halatang dummy account. At halata din naman niya kung sino.

Napangiwi siya. Kahit zero to non existent ang paki niya, nakakaalibadbad parin ang mga comments. Kahit na ba ngayon, mas marami na ang positibo kaysa nega.

Nagmakeover.

Pretty pala! Bagay!

Maganda naman pala. Wirdo lang.

Si Black Lady yan?

Bes sila na talaga. Huhu.

Pak Genern!

Kinilabutan siya. Noong nagka issue siya kay Leo puro pang-aalipusta nakuha niya. Noong puro black ang suot niya. Tapos ngayon, ganito na. Panlabas lang talaga na hitsura ang tinitingnan ng mga tao.

"Si Yuki ang nakita mo? Sigurado ka siya ang nag-post?" biglang tanong ni Eric. Napaangat siya nang tingin.

Nakakunot ang noo nito sa kanya. Napailing siya. "Yaan mo na yan."

Dumiretso lang siya ng lakad. Papunta sila ngayon sa gym para manood ng laban ng basketball. Warm-up match lang naman, taga kabilang university ang kalaban.

"Pero sure ka nga?"

"Oo nga. May dala siyang phone tapos nakatutok samin kanina. Malamang pinipicturan kami" Sabi niya.

Nadidinig na niya ang sigawan ng mga tao. Kanina pa start ang game alam niya. Baka nga patapos na.

Wala naman siyang balak manood sa totoo lang. Nakasalalay nga lang ang attendance niya dito. Yung pasaway na prof nila ne-require silang manood, palibasa tamad magturo. Pag di daw sila nadatnan doon, absent sila. Power tripping talaga.

"Anong motibo naman ni Yuki?" tanong naman ni Charize habang hawak na din ang cellphone nakaikiusyoso na rin.

"Hay, mamaya nyo na itanong." Sagot niya. Hindi nga pala niya binanggit dito ang nangyari kay Leo at sa kanya. Yung tungkol sa banyo incident.

Tuloy parin pag-scroll si Char habang naglalakad. Nairita na siya, baka madapa pa. Lampa pa naman to kung minsan.

"Charity Denize! Umayos ka madadapa ka!"

"Andito naman ako para sumalo ha."

Napangiwi nalang siya nang marinig ang banat ni Eric. Nagulat naman si Charize at napatingin dito. Kitang-kita niya ang pamumula.

Halatang natuliro naman si Eric dahil eksena. Di lang siguro sinasadyang masabi nang malakas yon.

"Ah...teka una na kayo tapos reserve niyo ako ng upuan." Sabi nito sabay talikod sa kanila. Nagmamadaling pumunta sa isang stall ng pagkain doon.

Pasaway. Leche. Sayang ang pick-up line. Yun na eh, tumiklop pa.

Hinila naman siya ni Charize sa loob ng gym. "May nagbago kay Ric diba? Pansin mo?" Bulong nito.

Gusto niyang batukan ang kaibigan. Walang nagbago, dati pang ganoon yon. Manhid lang talaga si Char.

"Lika na nga, hanap na tayo ng mauupuan, maya mo na ako chikahin." Aya niya.

Halftime na pala. May bakanteng sa mga upuan sa bandang gitna, doon sila pumwesto.

"Pero Car. Di mo pansin? Lagi kaya yong natutulala kapag kausap ko. Lutang nga minsan eh. Tapos lagi pa akong dinadalhan ng food. Lagi ding nangungulit, nagtatanong kung kumain na ako, nasa bahay na ba ako? Nawiwirdan na ako. Concern na concern lang ba o may iba na?" Tuloy ni Charize.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon