Alamat ng Magic Kasoy

2.2K 100 22
                                    

"Uy Car!" Bati ni Charize sa kanya.

Napanguso siya. Late na. Malapit nang mag-umpisa ang game. Lumapit ito at umupo ito sa bench na bakante sa tabi niya. Nireserve niya yon para sa dalawa.

Lalong humaba ang nguso niya nang makitang di nito kasama si Eric. Ang alam niya, ang usapan, sabay-sabay silang manonood ng exhibition game ngayon. Di naman niya trip ang basketball talaga, nagkayayan lang. Kalaban yung champion dati sa league kung saan second place ang school nila. Mukhang maganda ang laban, maski mga taga kabilang school, invited.

"Ano yan? Kasoy?"

Pagkain talaga, si Charize, ang bilis.

Inabot niya ang isang malaking paper bag dito at umismid. "Kay Leo galing yan, fresh from Antipolo." Aniya.

Napagtripan niya itong magpabili ng kasoy kaninang umaga. Sabi niya gusto niya ng kasoy. Yung bagong luto at mainit-init pa. Most specifically, yung nabibili sa likod ng simbahan ng Antipolo. Nagpauto naman, binilhan nga siya. Limang packs. Ang layo ng byahe pero gora parin.

Ayon, ngayon di niya alam kung paano maglalaro pa ang loko. Pagod yon malamang. Pinagod na naman niya.

Wala talagang balak sumuko.

"Nasan na si Eric?" tanong niya kay Charize.

Nagkibit balikat lang ito. "Ewan ko don. Ang labo niya." Sagot naman nito.

Ngumiwi siya. Mukang may na se-sense siyang di maganda. LQ? Pero ano yon? Sila na ba?

"Wala ata si Leo mo?" Tanong naman ni Charize sa kanya. Tumingin ito sa paligid. Kahit doon sa benches sa baba. Napatingin din siya. Wala nga.

"Ewan, ang labo niya."

"Gagang to, inulit mo lang sinabi ko kanina." Sabay tulak sa kanya. Aray.

"Eh ganun eh." Malabo talaga.

Apat na araw na. Apat na araw na ngang pinapatunayan ni Leo ang pagsintang pururut daw nito sa kanya. Matatapos na nga ang Foundation Week.

Lahat talaga nang gusto niyang mangyari, sinusunod nito. Nagkaroon siya ng instant genie na kung saan siya pwedeng mag-wish nang kahit ano.

Natapos na nga nito lahat ng assignments niya na ipapasa after this week, si Leo na lahat gumawa. Wala na siyang proprobelmahin pa. Maski yung activities nila sa club nila ni Charize, tumulong na din ito. Mukhang tangang namigay ng flyers na naka-costume ng mascot nilang pusa. Kakairita lang all the girls na nagpapacute pa dito. Nakiki-selfie pa. Buset talaga.

Di naman niya akalain mabilis na magagawa nito lahat ng naisip niya trip. Halos walang effort. Di man lang pinagpawisan. Di bale, may isang buwan pa siya mahigit.

"Oy, Car. Anyare ba't kumunot yung face mo."

"Wala may naalala lang ako," sagot naman niya. "Dadating pa ba si Eric? Wala ka na yatang balak tirhan niya."

Yung paper bag ng kasoy nito, halos wala nang laman. Inubos na. Napunta na talaga sa boobs ang pagkain.

"Tss, hayaan mo na siya." Irap ni Charize sa kanya.

Mag-uumpisa na yung laro. Nakita niya sa line-up si Warren. Umangat ang tingin sa direksyon nila at ngumiti. Yung ngiting pa-cute. Pero nawala din agad noong nakita siyang katabi si Char. Parang may naisip biglang kung ano.

Nadinig niya ang buntong-hininga ni Charize sa tabi. Nagblush pa. Di niya tuloy maiwang di maalarma. Anong meron?!

"Maglalaro din pala si boyfie mo." Sabay sabi nito.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon