Push

1.9K 85 13
                                    


Thirty minutes bago ang concert ng Black Rose. Nakapila na sila sa entrance ni Charize. Ayaw pang magpapasok ng mga marshall. Di nila nagamitan ng charm nila kahit member pa nang S.C. si Charize.

Walang kinikilingan, walang prinoprotektahan, serbisyong totoo lang daw. Ang sarap sapakin.

"Di gumana ang powers ko!" Ngawa naman ng kaibigan niya. Excited na itong makaupo sa front row. Napangiwi nalang siya dahil wala naman silang magagawa.

Chineck niya ang phone niya. Di naman nagte-text si Regado, baka busy na.

"Car...what will I do?"

"Maglabas ka kaya ng boobs" Tudya niya sa kaibigan habang nakatingin parin sa phone. Nakita niya iyon sa mga palabas eh. Baka gumana.

Nasa cellphone parin ang atensyon niya. Nagtataka siya, walang message ang mokong na si Leo. Dati every thirty minutes may sinisend ito. Nakakapanibago.

Napansin naman niyang aangatin na ni Char ang laylayan ng damit. Aba't teka!

"Gaga! Sira ka talaga!" Saway niya dito nang mapirmi. Sarap batukan paminsan-minsan, buti napigilan niya ang pag-angat ng loose top na suot nito. Uto-uto much.

"Carmelitaaaaaa, gusto ko nang pumasok...my feet is killing me."

"Sangdamukal kang shonga. Ba't ka kasi nag-heels. Rakrakan to, ta's nakaganyan ka?"

Todo skirt and make up. Parang may date. Sa auditoruim lang naman ang venue.

"Ew no. Doon lang ako sa side manonood."

Napa-facepalm nalang siya. Ewan ba niya sa babaeng to ngayon. Pabebe ang peg.

"San na ba si Eric?" Tanong niya

Nagkibit-balikat lang ito. Min-essage na niya si Eric sa facebook, maski sa instagram, wechat, viber at kung saan saan pa. Tinawagan na nga niya ito sa bahay nila pero waley na sumagot.

Something smells fishy.

Napatalon siya sa gulat nang tumunog ang phone niya. Masyado siyang na-occupy ng kaartehan ni Charize.

Si Leo yon.  Shet, nagtext na. After forty-two minutes and thirty-two seconds may na natanggap na siya. Di niya mapigilang ngumiti.

'Are you free tonight, babe?'

Argh. Babe na naman. Pero ano naman kailangan?

'May lakad kami ni Char. Bakit?' Sagot niya.

'Nothing. Enjoy your night babe. Text me when you get home. I'll call."

Napanguso siya. Isa pa tong isang to. May something din.

'Bakit?' tanong niya.

Seen.

Mga ilang minuto rin yon. Wala siyang nakuhang reply.

'Oy ano ba?'

'Sagot na.'

'Leo'

'Huy'

'Seenozed na ako genern?'

Huminga siya nang malalim matapos ang sunod-sunod niyang send. Mukhang siyang overly-attached-girlfriend nito. Di naman sila.

"Ano yan Carmelita?" Tanong ni Charize. "Ba't ikaw naman yung busangot ngayon."

"Wala, si Leo lang." Aniya. Naghihintay parin siya nang sagot pero wala talaga.

"Car!" dinig niyang tawag sa kanya. Nakita niya si Eric na papalapit na. Napangiti siya. Akala niya di na dadating tong isang to.

"Oy nabuhay ka!" Bati niya dito. Isang linggo din niya halos di nakita. Pinalo niya ito sa likod tulad na g madalas niyang ginagawa. Dati tumatalsik ito, ngayon mukhang di na iniinda.

Ayos! Nagvi-vitamins na.

Ngayon lang niya ring napansing nakakalaman na yung humpak na pisngi nito. Pero nakakaslice parin yung cheekbones. Napangiti siya. Nagiging tao na, di na kalansay.

Dati pa niya nakikitang nagim-improve ito. Pero ngayon, halatang-halata na. Iba na ang nagagawa ng pag-ibig.

"Charize." Ngumiti ito sa kaibigan niya. Umirap lang si Char.

"Ang tagal mo, kung napipilitan ka. Sana di ka na tumuloy."

Ay shet. Wala pa man, LQ na.

Tumunog uli ang cellphone niya. Napanguso siya nang makitang si Leo na uli yon.

'Mom's here. Sa condo. She wants to meet you.'

Napalunok siya. Ano to meet the parents na?! Juskopo!

"Car? Si Leo parin yan?" tanong ni Char. Tumango nalang siya.

'Flight niya tommorow sa Paris. Next year na siya babalik.'

Shet. Napatakip siya nang bibig nang mabasa niya yon. Ano gagawin niya? Anong sasabihin niya ngayon?

'But your busy. It's ok.'

Mali ang spell ng 'your' ng loko, dapat 'you're'. Pero napakagat siya ng labi. Kahit sa messenger lang, tampururot ang tono.

Nakita niyang tumabi si Eric kay Char. Nadinig pa niya yung bulong nito sa kaibigan. "Charize, sorry na. Andito na ako."

Napaawang siya ng bibig. Hala yan. May something nga sila.

Pasimple lang siyang tumingin sa phone. Kunwari may binabasa pero inoobserbahan niya ang dalawa. Si Char hinawi ang kamay ni Eric na umakbay sa dito. Tss. LQ nga.

"So ako na ba ngayon ang kailangang maghintay?"

Oh. Hugot ba ito? Kaya pala pabebe si Charize ha. Nag-effort na magpaganda ng sobra.

Ayan na. Nao-out place na siya. Thirdwheel na naman ang peg niya. Tsk. Bahala na.

'Change of plan. Free na ako. Punta ako diyan?' Si-nend niya yon kay Leo.

"Eric. Char. Kayo nalang manood." Aniya.

Sabay ang dalawang napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo. Binuksan niya ang bag at inabot ang mga ticket dito.

"Teka, sayo binigay ni Anthony to eh." Sabi ni Charize.

"Masakit na tyan ko. Baka magbrekekek ako sa loob, uwi nalang ako," palusot niya. Itinulak niya si Eric para lalong makadikit kay Charize. Kailangan siguro talaga nang push. Yung literal na push.

"Sige na, mag-enjoy kayo. Bye na."

Agad siyang tumalikod sa mga ito bago makapag-react. Mabilis siyang pumara ng taxi. Wala nang nagawa ang dalawa nang makasakay siya.

This is it na. Ramdam niyang may development na ang dalawa. May pagkakataon pa namang manood ng concert eh.

"Miss san kayo?" tanong ng driver sa kanya.

Napatingin siya sa cellphone niya. 'Sure, We'll wait for you then.'

"Sa may San Antino lang po," sagot niya sa driver. "ECO Towers North po."

Diretso na siya kay Leo. Nagpaalam naman siya sa Lola niya na gagabihin siya.

Bumalik ang tingin niya sa phone. Text ni Char yung unang bumungad sa kanya.

'Palusot ka pa! How could u do dis to me! Lalandi ka lang kay Leo mo eh!'

Natawa siya. Si Charize talaga.

Sunod doon ang isang text na galing sa isang unknown number.

'Si Eric to. Salamat Car.'

Napangisi siya. Sabi na eh. Nagreply siya agad dito. 'Goodluck. Galingan mo.'

Sana maging ok na ang mga kaibigan niya. Bagay naman talaga yung dalawa.

Maya-maya pa, may message uli si Leo sa kanya. Agad niyang binasa yon.

'Mom's excited. :D'

Huminga siya nang malalim. Eto na.

Wala naman talaga sa plano niyang ma meet ang magulang nito. Hindi niya alam ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nakita siya ngayon. Pero kung negative, at least magkakaroon na nang dahilan si Leo na tigilan siya.

Bahala na.

"Manong, Pakibilisan ha."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon