Baliw

1.5K 64 18
                                    


"S-salamat," ani Car kay Regado. Sinoli na niya ang helmet saka bumaba ng motor. "Nakakahiya."

"Ok lang," sabi nito sabay ngiti. Yung ngiti nitong parang good mood palagi. Medyo na miss niya rin yon. Ang tagal din kasi nilang di nagkita.

"Basta para sayo."

Napakagat siya ng labi. Uminit ang pisngi niya. Nakakahiya naman talaga. Tapos dito pa talaga siya nagpahatid kina Leo.

"Sasamahan ba kita?"

"W-wag na," aniya sabay iling. "Sandali lang naman ako."

Ay teka. Ba't tunog nagpapahintay siya?

"I mean, ok na. Keri ko nang umuwi mag-isa." Sabi niya sabay takbo papasok sa loob.

Ay shet na to. Ano ba Carmelita!?

Sa totoo lang, di niya talaga alam kung bakit siya pumunta pa. Basta. Kailangan niyang makita si Leo. Kailangan niyang kausapin.

Alam niyang sensitibo ito pagdating sa video na yon. Namatay ang kaibigan nito doon. Iyon din ang dahilan kung bakit halos itakwil na ito ng pamilya.

Huminga siya malalim habang nasa elevator na. Hindi nga niya alam ang sasabihin kapag nagkita sila. Hindi maganda ang huli. Ang sakit lahat ng sinabi niya.

Di rin niya alam ang gagawin. Magso-sorry ba siya sa ginawa nila Charize? Hindi. Ewan. Nalilito siya. Pero nandito na siya, di na pwedeng mag-back out.

Isa pa, wala na siyang oras. 

Naglakad sa mahabang hallway nang may napansing siyang babae sa bandang dulo. Nasa tapat ito ng pinto ng unit ni Leo. Itim ang magulong buhok at maputi ang balat. Akala nga niya multo kaya napatigil siya paglalakad. Pero lumingon ito at nakilala niya kung sino.

"Yuki?"

Di pa siya nakahakbang ng mabilis siya nitong sinugod. Ramdam agad niya ang palad nito sa pisngi at nakalmot agad ang braso niya. Bigla din nito hinila ang buhok niya. Di siya nakaiwas dahil sa pagkabigla.

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal mo!" Sigaw nito. Hawak pa nito nang mahigpit ang buhok niya. Masakit na sa anit. Nagbe-beast mode na.

"Dahil sayo, na-expell si Leo!"

Aba't! Walang-hiyang babae to!

Kahit na masakit, agad siyang kumilos at hinablot ang blouse nito. Hinila niya iyon pababa kaya napunit. Agad naman itong bumitaw para takpan ang sarili. Doon niya na ito sinapak ng malakas.

Napasalampak si Yuki sa sahig. Dugo ang labi at kita ang boobs. Tumayo naman siya agad. Partida, may injury pa ang braso niya.

"Wala akong ginagawa sayo, ha! Ikaw ang may atraso sakin! Gaga!"

Itong babaeng to ang nagpapakalat noon ng pictures niya. Kung ano-ano pang captions ang nakalagay. Fake news galore. Tapos pinost pa yung video nila. Tapos siya ang sisisihin? Kulang pa ang sapak para magising sa katotohanan!

"Ginawa ko yon para layuan ka na ni niya! Di kayo bagay! Bitch ka! Malandi!" Sigaw naman nito pabalik sa kanya. Alam niyang nabubulabog na ang mga tao dito sa floor. Yung iba nga sumisilip na dahil sa kaguluhan.

Umatras siya ng onti nang tumayo na ito. May nagtawag na ng mga gwardya panigurado.

"Ano bang problema mo?"

"Ako na dapat ang girlfriend niya! Ako dapat. Pumapel ka lang."

Anong bang pinasasabi? May saltik na. Dapat kinukulong to sa mental eh. Saka diba, boyfriend nito si Mike. Abno talaga. Ang sakit sa bangs ng logic.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon