Langit

1.9K 76 15
                                    

"Seryoso Car? Patay na daga? Sino nagbigay?"

Nakangangang sa kanya ni Eric. Nakatameme siya ngayon habang kumakain ang dalawa sa cafeteria. Wala siyang gana. Hanggang ngayon, naamoy parin niya ang baho ng dagang yon. Parang tumambay na sa ilong.

"Di ko alam Ric. Daming babaeng nakapalibot sa kanya eh." Sagot niya.

Tumango lang ito. Tapos sumubo ng isang maliit na longanisang ka shape nung daga. Ew. Gusto niyang masuka.

"Mga freshies yata. Nakilala ko yung isa, nursing," ani Charize na kumakain na rin. Kikiam na may brown sauce naman ang kanya. Leche. Bakit puro ganoon naman ang pagkain sa paligid, naiisip niya.

"May kilala ka doon?" Tanong pa nito.

Sumagot si Eric pagtapos lumunok. "Wala eh. Pero matutulungan ko kayo. Bigay mo lang nung pangalan, kahit nickname lang. Baka mahanap ko kung anong konek niya kay Leo."

Napabuntong-hininga siya. Maghahanap na naman tong si Eric sa database ng school. Mabuti at di pa nahuhuli na pinapakealaman nito yung mga records ng mga estudyante dito. Dito kaya galing halos lahat ng info niya sa mga tinatarget niya. Minsan din natutulungan siyang maiingat ng onti ang grades niya. Yung sapat na para pumasa. Pero syempre slight lang. Kaunti lang para di mapansin. Mahirap nang mabuko.

"Pero bakit naman yon gagawin?" Si Char.

Well obviously, galit kay Leo. Baka isa mga babaeng niloko niya at pinaasa. Iniwang luhaan.

Liar.

Yung eh. Ebidensya na yon.

Tss. Ewan ba niya. Ganoon na nga ang pinaggagawa sa mga kababaihan, ang dami paring nahuhumaling.

Biglang nag-init ang mukha niya nang biglang naalala ang nangyari noong Sabado. Yung make out nila. Yung kiss...yung kiss sa parte noon...ah..sh*t yung heaven....

"Oy Car."

Natauhan siya sa saway ni Charize. "Anyare, bat kulay kamatis ka?" Tanong pa nito.

"W-wala ha..." pilit niyang tangi. Bakit naman naalala niya iyon ngayon? Kakainis. Ganoon ba talaga epekto ni Leo sa kanya? Sh*t na yan. Nasagot na yung tanong niya kanina.

Ayan. Kaya madaming nahuhumaling kay Leo kasi magaling.

Argh.

"Naaasar lang ako," palusot niya. "Ako lang dapat gumagawa noon kay Leo. Ako lang may karapatang gumawa ng mga threats na ganoon sa kanya."

"Aba nang-angkin na. Siya lang daw oh," ani Char. "Official na itu!"

"Manahimik! Bakla ka talaga!" saway niya dito. Ang ingay. Buti pa si Eric tahimik lang na nakikinig eh.

"Oy may issue ka pa diba. Yung pictures mo noon, di pa narin alam kung sino ang kumuha. Tapos eto na naman."

May-ideya na siya kung sino kaso di niya maconfirm. Napasalampak nalang siko niya sa mesa. "Tss. Anu bang trip noong mga yon?"

"Ganda mo kasi, Bes."

"I know." Sabay flip ng hair sa komento ni Char.

"Kapal." Pasimpleng bulong ni Eric sabay ngisi.

Buset. Taas na ng confidence level niya eh. Nahagis tuloy niya yung buong libro ng Calculus dito. Ayun. Tagilid agad ang loko sa bench.

Minsan lang nga magsalita, pang-aasar pa ang alam.

"Car! Ano ba?!"

To the rescue naman si Charize. Inayos si Eric at tiningnan pa noo na natamaan niya. Parang baby na pinupunasan.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon