Going Under

3.8K 164 13
                                    

Wala ang lola ni Car pag-uwi niya ng bahay. Nag-text ang Tita Ana niya kanina na pumunta daw ang dalawa ng MOA. Nanood sa IMAX, baka gabihin. Siya nalang daw ang magsara ng gate dahil may susi naman sila.

Ngumuso siya.

Ang bongga. Di man lang ako niyaya.

Si Charize naman na dapat pupunta ngayon para makasleep over, busy. Nagtext din kanina na hindi ito tutuloy, next time nalang daw. Madami din kasing raket ang babaeng yon kaya naiintindihan naman niya.

Ibig sabihin, homealone ang peg niya. At least walang istorbo, naiisip niya.

Makakapagtrabaho na siya ng maayos. Makakagawa na siya ng maayos na plano.

Ikinabit niya ang mp3 player sa speaker. Binuksan niya ang volume nito sa pinakamalakas. Umentra ang boses ni Amy Lee doon.

♫ Now I will tell you what I've done for you

Fifty thousand tears I've cried

Screaming, deceiving and bleeding for you

And you still won't hear me, ♫

♫ Going under ♫

Pero nairita siya ng sunod-sunod naman ang tunog ng notification ng facebook sa cellphone sa bulsa.

Pinatay niya muna ang tugtog saglit. Dagli niyang nilabas ang phone niya at binuksan.

Facebook

2 friend requests. 2 messages.

Mga istorbo.

Kahit na naiinis ay binuksan niya ang messenger niya. Umirap siya ng mabasa ang laman.

Tone Regado

Message:

'Car, sama ka na. Tutugtog kami uli bukas.

May heart pa ang loko, ngumuwi siya.

Iclo-close na sana niya nang makita niya ang kasunod.

'Ako na bahala kina Mark. Sila na bahala sa project mo kahit wag ka na daw gumawa. Isasama ka parin daw nila sa pasahan. Basta sumama ka lang.'

Ayos na panuhol ito ha.

Naalala niyang nga pala na magkagrupo sila sa isang project nang isa sa mga kabarkada ni Regado. Gagawa sila ng short animation, at hanggang ngayon wala parin siyang contribution na kahit ano. Dalawang linggo nalang bago ang presentation. Siguro mas ok na ito kaysa bumagsak siya.

Sandali lang naman siguro ang sinasabi nitong tugtog na yon.

Agad siyang nag-type.

'K'

'Talaga? Yes! Ipapareserve na kita.'

Siguro ay nagtatalon na yon sa tuwa.

Ano ba talaga ang nagustuhan sakin ni Regado?

Pinilit na nga niyang wag mag-ayos gaano ng sarili pero tuloy parin sa pagpaparamdam sa kanya.

Umiling nalang siya. Kakausapin nalang niya uli. Baka sakaling tigilan na siya pagkatapos noon.

Mga friend request naman ang tiningnan niya.

'Leo Punongbayan added you as a friend.'

Seriously? Napahalakhak siya.

Delete. Hindi niya ico-confirm yon kahit kailan. Kapal niya.

Tiningnan niya ang isa pa.

'Dark Shadow added you as a friend.'

Sino to?

Sinipat niyang mabuti ang black and white na profile pic nito. Nakayuko kasi at medyo may pag-emo ang style. Napangiwi na naman siya.

Shit. Si Micheal pala. Yung patpating nakita niya sa hall kanina. Yung muntik nang mabugbog ni Leo.

Bakit ba kasi DarkShadow? Ano siya si batman? Adik lang?

Ngumiwi nalang siya at inaccept ang friend request na yon.

'Carrie'

Ang bilis mag-type kakaad palang ha, naiisip niya. Di kaya inaabangan ako nito?

'O bakit' sagot niya dito.

'Nanliligaw ba sayo si Leo?'

Gusto niyang gumulong sa kakatawa. Effective nga siguro yung palabas nila kanina. Pati si Micheal napaniwala.

Nagtype uli siya nang mabilis.

'E ano naman?'

Matagal bago ito magreply. Mukhang nag-isip muna. Sa totoo lang naiintriga siya.

Ano bang gustong ipahiwatig ng lalaking ito? Ano bang meron kay Leo na alam nito?

Napatingin siya sa sumunod na message.

'Pag nakita mo ba to sasagutin mo pa ba siya?'

Naiintriga siya lalo. Ano ba talagang meron kay Leo?

'Ano ba yun?' Type niya.

'Isesend ko sa email mo'

'OK paki bilis.'

Lumipat siya ng PC. Kung ano man yon, gusto niyang makita o mabasa nang malinaw. Nagbukas siya ng email. Wala naming bago doon.

Tumayo muna siya at nag-inat-inat. Pli-nay niya uli ang music.

Don't want your hand this time - I'll save myself. Maybe I'll wake up for once.

Not tormented daily defeated by you
Just when I thought I'd reached the bottom.

Huminga siya nang malalim.

Matagal ha. Naka 'seen' naman yung last message niya kay Micheal pero wala parin.

Tatlong minuto pa at sumagot na ito uli sa messenger.

'sorry magbigat yung flie. compatible naman sa media player yaaan open mo nalng.'

Mukhang mabilisan iyong itype. Mali-mali pa ang spelling.

Naiintriga na talaga siya. Di na siya mapakali. Grabe naman kasing pa suspense. Parang nanood lang siya ng Paranormal Activity at naghihintay kung anong magyayari sa susunod.

Inihanda na niya ang sarili. Malalamang ikagulat niya nga ang makikita niya.

Dumating na sa wakas ang email na sinasabi ni Micheal. Naka-attach dun ang isang .zip file.

Takte baka virus.

Pero malakasang hatak ng pagiging intrigera niya. Hindi naman siguro magpapadala ng kung ano ang lalaking yon.

Inopen na niya. Naunzip ang isang MPEG file.

Video?

Inopen niya ito at pinanood. Natambad ang hubad na katotohanan sa 27" monitor niya.

Malinaw na malinaw. Kitang-kita niya ang lahat.

"Oh my God." Napatakip siya ng bibig.

I got to breathe--I can't keep going under ♫





[abangan....]

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon