Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse

1.5K 75 27
                                    


"Carrie, gising. Gising na."

Naalimpungatan siya sa tawag na yon. Bahagya pa siyang niyugyog nang kunsinomang pinanggalingan ng boses.

"Buti nalang nakita kita."

Bahagya siyang gumalaw. Hindi niya maimulat ang mga mata niya dahil sa sobrang paga. Kailangan niyang pumikit-pikit pa para makakakita kahit man lang kakaunti.

Nakatulog na pala siya sa loob ng banyo. Nakabaluktot siya sa cubicle. Nakayuko sa mga tuhod habang nakaupo sa sahig.

Di na niya alam kung ilang oras na ang lumipas. Papadilim na ang paligid ng makita niya. Tahimik na rin.

"Tumawag sina Charity, bigla ka daw nawala kanina. Akala tuloy niya nakauwi ka na."

"Ate Rose." Aniya. Dahan-dahan siyang nag-angat nang tingin. May dala itong flashlight at itinutok sa kanya. Nasilaw siya dahil doon.

"Nag-alala ako beh ah, ba't di mo sinasagot phone mo? Anong nangyari sayo?" Tanong nito sabay nang pag-alalay sa kanya.

Marahan siyang tumayo. Namamanhid pa ang tuhod niya sa sobrang tagal niya sa posisyon kanina. "Hay nako. Hindi na kita tatanungin kung ok ka lang. Alam kong di ka, ok. Halika na muna." Binigay nito ang suot na jacket. Agad naman niya iyong sinuot.

Sumunod na siya sa pinsan niya papalabas hanggang sa parking lot. May mangilan-ngilan pang estudyante doon. Agad niyang itinakip ang hood sa ulo. Nakita niya kasing may mga ilan doon ang napapatingin sa kanya.

"Dito, beh." Natanaw niya ang kulay pulang pick-up nang Tsong Eng-Eng niya. Mukhang pinahiram nito iyon para sunduin siya. Nakarating na siguro sa kanya ang balita. Imposibleng hindi.

Agad siyang pumasok sa loob. Nakahinga nang maluwag nang pumasok na rin si Rose at isni-tart na ang sasakyan. Nakalabas na sila nang school na walang aberya.

"Teh, pano mo nalaman kung nasan ako?" Mahina niyang tanong. Tuyo ang lalamunan niya. Sa kakaiyak siguro.

"Ikaw pa. Dyusko naman, gawaiin mo na yan dati nung bata ka pa. Pag may nambu-bully sayo sa school dati, sa cr ka lagi nagtatago," sagot nito

Huminga siya nang malalim. Hindi na talaga nabago yon. Kahit na anong pilit niyang wag maging biktima uli, ganito parin.

"So ano ang plano mo? I can ask Dada to help you. We should file a case." Sabi nito habang nagdri-drive.

Umiling siya. "Wag na, teh."

Naiisip niyang mayaman ang pamilya ni Leo. Maimpluwensya. Isa pa, kilalang mga abugado din ang mga pamilya nito. Baka wala rin silang magawa.

Ngumisi si Rose. "Beh, wala ka bang tiwala kay Dada? And as far as I know, pabagsak na rin lawfirm ng mga Punongbayan. Talo nga yung isang kamag-anak nila ng tumakbong senator. Nagstart nung nagka-scandal sa frat na sinalihan ng isang anak nila."

Napatingin siya sa pinsan niya. "Alam mo yon teh? Yong video niya?"

"I told you, I had him investigated," anito. "Si Leo yun diba? And someone named James Hardwell. Filipino-American, namatay sa hazing."

Yung Jim na kaibigan ni Leo.

Napatango siya at napabuntong-hininga. Akala niya talaga matinong tao si Leo. After niyang marinig ang kwento nito tungkol doon, naniwala siyang hindi naman ito masama gaya ng pinapakita sa madla. Pero ngayon...ewan. Di niya alam.

"Wag na talaga, teh. Salamat pero tama na." Aniya. Ayaw na niya nang gulo. Sa pagkakataong to, gusto niyang manahimik nalang.

Huminga nang malalim ang Ate niya. "I understand you bunso. But you need justice. Hindi pwedeng ganito nalang," sabi nito. Napangisi ito bigla. "Sabagay, andyan naman sina Tsong. You don't want to do it legally. We can--"

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon