The Gift

1.8K 80 16
                                    

"Car, magkwento ka na..."

Napangiwi na si Car habang hinihila ni Charize ang jacket niya. Kanina pa siya pinipilit nito na ikwento ang lahat nang nangyari sa kanila ni Leo noong sabado nang gabi. Lunes na lunes, nangungulit. Sarap lang sapakin.

"Bessssss."

"Manahimik. Ano ba?! Nagmamadali ako." Saway niya. Kanina pa siya nito binubuntutan. Di daw siya titigilan hanggang di siya nagsasalita.

"Nakakainis ka naman eh. Nag-tell all ako sayo sa happening noong sat, tas ikaw walang kang ikinukwento."

Napairap siya. So apparently, walang nangyaring happening sa dalawa. Ang hina talaga ni Eric. Matapos manood ng concert, hinatid lang sa bahay tapos lumarga na. Pambihira. Di man lang nag-ayang magkape o mag-siopao sa sebeneleben ang kaibigan niya. Pagkain pa naman ang kahinaan ng isang to.

"Saka may utang na loob ka sakin diba? Tumawag kaya si Tita Ana sakin. Nagtanong yun kung kasama kita."

"Naman eh..."

Oo nga. Sinabi nga daw na sa bahay siya nila Charize natulog. Di siya gaano napagalitan. Nagtaka at nag-alala lang nang husto ng ihatid siya ng magarang limo doon sa bahay. Akala nila karo na ng patay na galing purenarya dahil sa sobrang laki. Muntik nang atakihin sa puso ang Lola niya. Sinabi nalang niyang nagtanong lang sa kanya ng direksyon yon. Sinabay na siya.

Nakakonsenysa mang magsinungaling, mas ok na yon kaysa magwala na naman ang Lola niya pag nalamang may kasama siyang lalaki magdamag. 

"Later na," aniya. Nakarating na sila sa mga lockers. Binuksan na niya agad ang lock noon. Kinuha ang makapal na libro ng calculus na di pa niya naiisoli sa library. Wala na rin naman yong silbi, may tagagawa na rin naman ng assignments niya. Tinu-tutor pa siya kahit wala naman siyang maintindihan talaga.

"Di ba may meeting ka today doon sa SC?" Tanong niya kay Cahrize.

Huminga lang ito nang malalim. "Oo nga eh. Kakatapos lang toxic week ko, may happening na naman. Finals na jusko. Ngarag na naman ang beauty ko," sabi nito. Ngumiti ito sa kanya at sumandal sa ibang lockers na nandoon. "Buti ka pa, nagblo-bloom. Wala ka na talagang planong mag-glasses? All out na ang beautiful fes mo bes?"

"Di ko pa napapaayos. Baka ngayong week, aniya." Nahihirapan na rin siyang mag-contact lens. Di siya makilala ng mga tao, lalo na mga professors nila. 

Grabe naman kasi. Ganoon ba ka laki ang difference nang pagmumukha niya kapag nakasalamin sa hindi.

"Papasama nalang ako kay Leo pag may time."

In other words, magpapalibre siya. Mahal ding magpagawa ng salamin. Nalagas na nga isanglibo niya sa cake na binili niya dito.

Hmm. Ok lang. Masarap naman.

Yung cake.

Nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha ni Charize. Parang may narealize na kung ano. Parang sa anime lang, yung biglang may liwanag na tumapat sa mukha.

Lecheng yan, nasa fantasy story ba ako. Di ba dapat romcon to?

"Car! Alam ko na! Kaya ka blooming dahil kay Leo!" Lumapit ito at bumulong sa kanya.

"Diniligan ka na niya no?"

Muntik na siyang mapatili. Kinilabutan siya. Diniligan? Shet na yan. Mahalay. Kakaeskandalo. "Shh. Ano ba Charity Denize!"

Napa "o" naman ang bibig nito. "So totoo?!"

Di niya masabi. Pambihira. Di naman kasi natuloy. Walang actual na penetration na nangyari kaya, technically, wala talaga. Mabilis nalang siyang umiling.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon