Bitaw

1.8K 69 16
                                    


"I'm so sorry." Leo sighed.

"Babe..."

Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Car. Stable na pero wala paring malay. Sa tingin niya mas ok na yon, makakapagpahinga ito nang maayos. Isa pa, hindi pa niya alam kung paano sasabihin ang lahat kapag nagising na.

The baby is gone. It's all his fault.

Kung sana ay di siya sumuko noon at nagpumilit paring kausapin si Car. Kung sana pinigilan niya ito noong nakita niyang kasama ang lalaking yon. Kung sana sinagot niya nang maayos ang tawag nito kanina.

Kung sana. Ang daming sana.

But it's too late now. Hindi na mababalik ang nawala sa kanila kahit ano pang gawin niya.

Rose opened the door. He can smell the stench of cigarettes on her. Kung kumilos, ayaw niyang maniwalang nurse ito gaya ng kwento ni Car sa kanya.

And he remembered, Rose held a gun on that fcker's face to save her. Ano ba talaga ang pamilya nila?

"What's up? Nagising na?" Tanong nito nang nakangisi.

Umiling siya at bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit ito masaya.

"Did Car knew? About our baby?" He asked her.

Umiling lang si Rose at umupo sa tabi. "Mukhang hindi. Two to three weeks palang. In most cases ng miscarriage sa panahong yon, hindi talaga nila alam na buntis na sila," sabi nito. "And she's on pill, alam ko. Probably, nagmissed siya ng ilang araw noong dumating ako or nung nangyari yung scandal niyo."

Dammit. Mas lalong mahirap sabihin.

"So what's your plan now?" he asked.
"Are you still leaving?"

Rose winced. "Pagkalabas niya dito, malamang. Matagal nang nakaplano yon. Ready na nga lahat, eh. Ikaw? Anong plano mo na?"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto bago siya nakasagot. An old lady and a woman in her forties barged in. Napatayo agad si Rose at sinalubong ang mga dumating. Pero sa kanya nakatingin ang mga mata ng mga yon.

"Ito ba ang lalaking bumuntis sa apo ko?" The older woman asked. Her voice is sweet as hell but it sent shivers down his spine. Tiningnan pa siya nito nang matalim mula ulo hanggang paa kaya lalo siyang kinabahan.

And damn, he forgot. He didn't look presentable enough. Alam niya ring may bangas ang mukha niya at may benda ang mga kamay. Hindi parin siya nakakapagpapalit ng damit. Not something that you would want to your inlaws to see for the first time.

"Si Leo po, La."

Wala na siyang nagawa kundi tumango nalang. Lalapit sana siya para magmano pero nilagpasan lang siya nito. Pumunta lang ito kay Car at marahang hinaplos ang buhok. Kitang-kita niya ang pag-aalala nito doon.

"Ang apo ko..."

"I'm...I-I'm sorry about everything,  maam." He said.

The old woman raised her brows at him. Lumapit ito sa kanya at bumuntong-hininga. And when he thought he was safe, isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi niya.
Halos matumba na siya sa pagkahilo dahil doon.

"Matapos mong bastusin si Carmelita, ayan lang ang sasabihin mo?! Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo?!"

"Nay, kalma. Ang presyon. Hindi naman daw siya ang may pakana non sabi nila Jhong." The other woman intervened.

"Kahit na ba!"

"I'll marry her, maam," he said.

After that night, desidido talaga siya. Gusto na nga niyang kausapin ang mga kapamilya ni Car tungkol doon. Kaso pinigilan lang siya nito. And then these shits happened.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon