Huli

1.5K 71 12
                                    

Napatingin si Car sa oras sa cellphone. Mag-aalas onse na. Malapit nang mag lunch si Leo. Ang sabi mag-uusap sila ngayon, kaso wala pa itong text sa kanya.

Sasabay nalang siguro siyang mag-lunch kina Char. Hinintay nalang lumabas si Eric tapos magza-Zarks na sila. Pinabaunan naman siya ng extra ng Ate niya kanina, di na nila kailangan pang makipag habulan para sa eight pesos na burger.

Ayaw niya akong pakawalan. Ano namang ibig sabihin ni Leo non? 

Hanggang ngayon may hangover pa siya. Bawat paghakbang nga nya kanina, nangingig parin ang binti.

Grabe naman kasi. Muntik pa silang mahuli noong may pumasok. Yung kaba niya, daig pa na nag roller coaster sila.

Natrigger yata si Leo noong sinabi niyang makikipag-break na siya. Di na nakapag pigil.

Break? Ni hindi nga malinaw ang relasyon nila. Hindi yon napag-usapan.

"Carmelita. Anong ganap. Ba't kakaiba ka ngayon?" Tanong ni Charize. "Glowing ka. Kakaiba ang ganda, kahit di nakadress at naka-ayos"

"Weh?" Napatingin siya dito. Todo titig pala ang kaibigan niya sa kanya kanina pa. Naka-ngisi. Parang may kung anong naiisip.

Uminom nalang siya ng milk tea at bumalik sa binabasa. Trigo mamaya. Medyo may naaral naman siya. Nakatulong yung pag tu-tutor sa kanya ni Leo noong mga nakaraang linggo. Papasa naman siya kahit papaano.

"Performance level ba si Leo?"

Muntik na niyang maibuga ang iniinom sa biglang banat ni Char. Napaubo pa siya. Nalunok niya yung isang pearl.

"H-hah, ano? Ano ba?"

Umirap si Charize. "Gurl. Nakita ko yung picture na kumakalat na naman sa facebook among the students here, no. Midnight, nung friday. May nakakita at nag-snap ng picture mo habang papasok ka ng condo ni Leo. Morning biglang nawala yon. Tas tumawag ang Tita mo at hinahanap ka sakin. So ano iisipin ko?"

"Ewan ko sayo." Aniya. Umirap nalang siya at bumalik sa pagbabasa. Wala rin naman pumapasok sa utak niya.

Sino ba yun kasing kuha ng kuha ng picture niya. Lagi nalang siyang napapahamak doon.

"Bes, sinu-support kita sa kalandian mo pero nag-aalala parin ako. Di kita masyado sinusiway noon dahil I know you. Anong status Car?"

"Dumating si Ate Rose," mabilis niyang sabi kay Charize. "Sinusundo na ako."

Nakita niya ang pag-awang ng bibig ng kaibigan. Oo, alam niya ito ang unang malulungkot sa biglaang pag-alis. Right nitong malaman yon. Bestfriend niya si Char.

"Dinga, bes..." Sabi nito na maluha-luha na. "Dinga?"

"Oo, sa isang linggo nasa Hawaii na ako."

Tumayo si Charize nang pa-slow mo. Parang nasa movie lang. Dahan-dahan. With matching hair flowing with the wind pa.

"H-How could you, Car," nanginginig na sabi nito sa kanya. Mangilid-ngilid pa ang luha sa mata.

"You're my bestfriend...bakit di mo sinabi sakin?! Hindi pa ba sapat ang tatlong taon para pagkatiwalaan mo ako? How could you? How could you do this to me?!"

Napaawang nalang ang bibig niya doon. Nagtitinginan na ang mga tao sa canteen. Nakakanganga na rin sa nagaganap.

Anyare? Anong eksena to? Expected niyang magalit ang kaibigan niya pero hindi sa point na ganito.

"Bakit wala ka man lang pa chocolates sakin?! Kahit spam man lang!" Sigaw ni Char.

Pusanggala!

Hinila niya ito papaupo uli. "Ano ka bang babae ka?!" Pabulong niyang angil dito.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon