Chance

1.9K 102 26
                                    


"Anong pag-uusapan natin?" Ani Car. Humalukipkip siya at humarap kay Leo. Basa-basa pa ang buhok at mukhang kakashower palang. Nakapolong puti at nakasabit pa ang ang bag sa balikat. Pormang mabango. Amoy mayaman din.

Napakagat siya nang labi. Ano ba tong nararamdaman ko, letse.

Alam niyang gwapo talaga ito at makalaglag-panty, muntik pa nga niyang kapain kung nakasuot pa yung kanya, pero iba ang dating sa kanya ni Leo ngayon.

"Anong kailangan kong gawin para ako ang piliin mo?"

Parang tambol na dumugdog ang puso niya. Para ding siyang naubusan ng dugo sa katawan at napunta na sa mukha. "L-Leo, ano ba yang pinag--"

"I saw that picture." Nahawakan siya ni Leo sa braso. Ang bilis. Hindi naman mahigpit. Hindi naman masakit. Pero siguradong di siya basta-basta makakawala at makakapag-walk out.

"W-wala yon. K-kagabi yon. Muntik na akong masagasaan no. Hinila lang ako ni Regado kaya ako napayakap," napalunok siya. Wala namang dahilan para mag-explain siya pero ginawa niya.

"You didn't even reply to my texts. Tumatawag ako pero patay ang phone mo."

Napaawang siya nang bibig. Di na na charge phone niya kagabi sa sobrang antok, gabi na siya nakauwi. Pati na kaninang umaga dahil namamadali din siya.

Napahakbang siya paatras pero humakbang din ito papalapit. Para silang nagsasayaw ng katulad sa mga repapips ng Lola niya.

"A-Ano bang problema doon?" tanong niya uli. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal. At kung bakit kinakabahan siya.

Mukhang galit si Leo. Pero shet talaga, ang hot magalit.

"You went with him." Madiing sabi nito.

"Oo sa bahay. Hinatid niya ako kasi gabi na," aniya. Teka nga. Ano bang nangyayari sakin?

"Bitawan mo nga ako. Anong karapatan mo para hawakan mo ako nang ganyan? Girlfriend mo ba ako?!" Piglas niya. Nabitawan naman siya nito. Saka lang parang biglang natuhan si Leo sa pinaggagawa nito.

"Babe...I'm sorry...I didn't mean to--" Akmang hahawakan uli siya nito nang umiwas siya.

"Don't Babe-babe me ha. Hindi nga tayo."

Huli na ang pag-atras niya. Tumama na ang likod niya sa tiles ng pader ng banyo. Na trap na din siya ni Leo ng mga braso niyo sa magkabilang gilid niya. Shet na malupet. Anong damoves to?!

"Leo, ano ba..."

Napayuko ito at huminga nang malalim. "You know what happened between us last night. Don't tell me, wala lang yon para sayo."

May meaning na agad yon? WTF?! "Para namang first kiss ko yon," sabi niya. "Malamang ikaw, kung kani-kanino ka na rin nakipagsipsipan ng dila."

Saglit na natigil si Leo. Parang natatawang ewan, di naman siya nag-jo-joke. Pero agad sin namang sumeryoso uli.

"But with you...I never felt that way before..."

Nakita niyang namumula na ang mukha ni Leo pagakasabi noon. Napaiwas siya nang tingin.

Grabe na to. Bakit siya ganoon? Hindi naman ganito ang mga naging past boyfriends niya ah?

"B-bakit? Nag-kiss lang tayo, ano ka ba? Um-oo na ba ako?" aniya. "Nag-"I love you" na ba ako sayo? Di pa nga diba? Wala diba?"

"Then give me a chance, Car." Sabi ni Leo. Halos bulong nalang yon. Nakakatayo ng balahibo pakinggan. Letse.

Sa totoo lang kayang-kaya niya itong bayagan tapos tumakbo na palayo. Pero bakit di niya magawa sa pagkakataong yon. Parang may isang pagtao siyang nabuhay uli na kinikilig sa ganitong eksena.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon