Cubicle

1.6K 72 14
                                    

Note: SPG

Napalunok si Car sa sinabi ni Leo. Parang may ibang pinapahiwatig yon. Kinakabahan tuloy siya.

Lumingon siya sa paligid. Wala pa namang tao sa hallway kaya paniguradong walang makakarinig sa kanila kahit magsigawan pa. Mamaya pa naman kasi ang klase niya. Pero si Leo, di ba may exam nito ngayon?

"B-Bakit?" Aniya. 

Napakagat pa siya ng labi. May nararamdaman talaga siyang kakaiiba.

Huminga nang malalim si Leo at namewang. Kunot ang noo. Seryoso ang pose.

Napakagat tuloy siya ng labi. Parang super model lang na nasa harap niya.  Yung parang nasa magazine. Ang saral tuloy hubaran.

Tss. Pambihira naman.Nakakadistract.

"I saw you," biglang sabi nito. Doon naman siya natauhan. "Sa labas. What was that, Car?"

"Kanina?" Tanong niya. Yung kausap niya siguro si Buddy doon sa coffee shop.

Pinili niya kasing pwesto ay yung visible sa madla. Para kung may mangyayari man na di na keri ng powers niya, pwede siyang humingi ng tulong. Asa tapat lang naman kasi yun ng school kaya malamang lahat ng papasok dito madadaanan yun.

"Si Buddy yon." Sabi niya. Napayuko siya at napabusangot. Mukhang ngang dahil doon aburido si Leo ngayon.

Paano ba niya i-explain dito na gusto lang niyang matapos na yung gulo na nasa pagitan nila. Closure kung baga. At least naman ganoon ang usapan nila. Pero nakakatakot parin yung huling sinabi nung g*gong yon.

"He tried to hurt you! Bakit ka pa lumapit sa kanya?!" Tumaas na boses ni Leo. Galit na. Shookt na siya.

"Hindi naman niya ako masasaktan," sagot naman niya. Oo naman no. Hindi na kasi di na siya papayag. Kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya. "Nag-usap lang kami. Alam mo na, para matapos na rin yung episode na dumaan samin. Para makapag move--"

"D*mmit! You could have called me. Sana sinama mo ako!"

Ano ba naman? Away na ba tu?

Saka awkward naman diba? Baka rin magbugbugan pa yung dalawa. Pareho ba namang basag ulo.

"Paano? Hindi ka nga sumasagot simula pa kagabi, eh. Kala ko tulog ka pa."

"I lost my phone last night, ok. Ngayon ko lang na retrieve yung number ko," angil pa nito.

Ayan na. Namumula na ang mukha. Bumabalik yung dating Leo na halimaw magalit. 

"Paano kung may ibang balak pa yon!?"

"Nagkape lang naman kami."

"And you want me to believe that?!" Napalamukos pa si Leo ng mukha. 

"How could I even trust you with these?!"

Natulala siya nadinig.

Nagkape lang naman talaga sila ni Buddy. Ganto ba talaga si Leo? Grabeng magalit. Kaunting bagay lang?

Parang iba tuloy yung pakiramdam niya. Lalo na may iba pa siyang di nasasabi.

"You're so guillible, Car! Madali para sayong maniwala sa kanya!"

Nahihirapan tuloy siyang iproseso ang mga nangyayari.

Kung ganito palang galit na si Leo. Paano pa kaya yung mas malalang malalaman nito? Paano pa kaya kung sasabihin niyang aalis na siya?

Ganto pala yung feeling noon. Yung guilt. At yung takot. At sakit. Ang bigat.

"A-ayaw...A-yaw mo na ba?" May iba pa sana siyang gustong ilabas sa bibig pero pinigilan na niya. Para sa ganitong bagay galit agad?

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon