Drunken Donuts

3.1K 122 11
                                    

"So, ihahatid na kita pauwi? Saan ba ang bahay niyo?"

Napangiwi si Car sa nadinig. Wala naman siyang magagawa dahil nakikikasakay siya sa kotse ni Leo. Naiwan niya ang mga gamit niya doon sa loob ng bar na yon. Wala siyang dalang walet o kahit ano. Kaunting barya lang ang nasa bulsa niya.

Nawala na iyon sa isip niya. Hindi naman niya akalaing makikita niya ang hayop na ex sa lugar na yon. She just wanted to get away from him.

And now this.

"Hey?" Tanong ni Leo habang nagdri-drive.

"Ayokong pahatid sayo."

Malalaman pa kung saan siya nakatira. Leche lang, baka siya pa ang i-stalk nito.

Hindi nga niya alam kung bakit ba sa lahat ng pwedeng dumating nang mga oras na iyon ay ito pa. Parang sinsadya nang pagkakataon.

Wait. Sinasadya ba talaga?

"Bakit ka ba nandon? Don't tell me manonood ka din ng gig?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

Tumawa lang si Leo.

"I followed you. Baka san kayo pumunta ng adik na yon."

Adik? Si Regado? Duh? "Excuse me? Sino kayang gumagamit ng tsongki sa room?! Nakita ko kaya kayo!"

"What? What chon--what?"

Nagmamaangmaangan pa. Bwisit. Ang daming bwisit talaga sa mundo. Gusto na niyang magsisigaw sa sobrang inis. 

Napahawak nalang siya sa noo. Nahihilo siya. Pakiramdam niya nasusuka na. Siguro dahil sa nainom niya kanina. Late na nagregister ang epekto.

"Oh, that. I remember," sambit naman ni Leo nang bahagyang huminto ang sasakyan dahil sa red light. Kinagat pa nito ang pang ibabang labi. Napansin niya ring humigpit ang hawak nito sa manibela."Kaya mo nalaman yung tungkol sa dare namin kay Charity?"

So inamin talaga. "Nandoon ako, nadinig ko. Mga manloloko kayong lahat."

Hindi na ito nagsalita. Nag-drive na lang uli. Hindi niya alam kung nasaan na sila. Hindi na siya pamilyar sa lugar. 

"Vape yun. Mali yang iniisip mo. Nasa basketball team kami, we don't do drugs."Ani Leo.

Bigla itong lumiko kung saan. Mukhang parking lot ng isang building. Madilim doon.

"Pusang gala! Asan na ba tayo?!" Biglang tanong niya.

Alam niya ang tungkol sa video nito. Baka dahil doon kaya siya nito sinusundan!

Gagahasain na yata siya doon. Tapos papatayin. Pagpipirapirasuhin ang katawan tapos itatapon sa tulay. Gagawin nito iyon para tuluyang di na kumalat yung scandal.

Hindi pwede! 

Lalo na yung gagahasain part. Kung saan-saang vajayjay na pumasok yung pototoy nito, baka mahawaan pa siya ng sakit. Teka, bakit nga ba siya mag-aalalang magkakasakit kung papatayin rin naman siya. Shet.

Napahawak siya bibig, baka masuka pa siya sa loob ng sasakyan. Kung ano-ano pang pumapasok sa utak niya.

"You're drunk. Ipalipas mo muna yan."

F*ck. Paano niya nalaman?

"We'll stay here," sambit nito bago bumaba. Binuksan nito ang pinto sa tabi niya at iginiya siyang bumaba. "Tumawag ka nalang muna sa inyo."

"Wala akong phone g*go. Sinira mo di ba? Nakalimutan mo? Binato mo. Winasak mo,"

Tinulak niya ito papalayo pero nawalan din siya ng balanse. Napatukod nalang siya isa sa mga poste doon. Nahihilo talaga siya. Umiikot ang paligid.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon