Morning After

3K 130 7
                                    

"Hey, wake up."

Napaungot si Car habang nararamdaman niya ang mahinang pagyugyog sa balikat.

Istorbo naman eh. "Kuya, wala akong pasok, sabado ngayon." Reklamo niya. Kinuha niya ang kumot at itinalukbong sa ulo. Malamig. Naiwan na naman yata niyang naka-high ang aircon.

Aircon...hmm. Hindi ba sira yon? Di pa ko napapaayos.

"Car, aalis ako."

Kumunot ang noo niya. "Kuya naman eh. Edi umalis ka."

And then she realized, hindi naman umuwi ng Pilipinas ang kuya niya. Nasa Hawaii parin ito. At siya--

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata kahit pakiramdam niya, namamaga na yon.

Puti. Malambot. Shet.

Agad siyang bumangon sa kinahihigaan dahil sa nakita.

Maliwanag na. Nakikita pa niya ang sinag ng araw na tumatagos sa glass door malapit sa kamang kinahihigaan niya. Puti at asul ang wallpaper at halos puti ang nakikita niyang furnitures. Maayos ang lahat, malinis. Positibong di niya kwarto yon.

"The f*ck...a-asan ako?" Hoarse pa ang boses na lumabas sa kanya. Para siyang nag-concert magdamag. Ano bang nangyari?

Napahawak siya noo at napangiwi. Parang may tumatambol sa loob noon. Masakit.

"Hey, ok ka na?" boses lalaki yon. Yung kanina pang tumatawag sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon para makita kung sino.

"Leo?"

Ngumisi ito habang nakatayo sa gilid ng kama. Mukhang may lakad. Naka-jeans at polo. Maayos ang buhok. Ang fresh lang tingnan. Mukhang mabango.

Napakagat siya ng labi. Actually mabango nga. Naamoy pa niya ang cologne nito.

"C'mon. Magbreakfast ka muna. May coffee nang nakahanda." Aya nito.

"A-anong nangyari?" Tanong niya. Bumaba na siya ng kama at tumayo. Parang lumilindol pa ang pakiramdam nang sinubukan niya nang humakbang.

"Careful,"

Naramdaman niya ang kamay ni Leo sa siko niya. Inaalalayan siya nito sa lamesa. "Baka makabasag ka pa." Sabi pa nito.

"Makabasag?"

Napaupo siya sa silya at napangiwi. Napatukod ang siko niya sa lamesa at napahawak sa noo. Wala siyang mainindihan sa nangyayari. Kung paano siya napunta dito. Kung bakit niya kasama ang kumag na ito.

Ang alam niya sumama siya doon sa tugtugan nila Regado. Tapos uminom siya ng beer. Tapos nakita niya ang ex niya doon at...teka..replay...uminom siya ng beer.

"You're so drunk last night. Nabasag mo yung isang lampshade ko sa kaka-iyak mo." Ani Leo. Nakita niyang may nilapag itong isang mug sa harap niya. May plato din.

"Pancakes. Coffee. Saka gamot sa hangover."

"Ano?" Tanong niya.

"Medicine," sagot nito. "Pero kumain ka muna."

"Takte ka. Hindi yon. Umiyak ako? Lasing?" Kunot noo niyang tanong. Wala siyang matandaan pero kinakabahan na siya.

"You passed out, Car. Madami ka yatang nainom."

Luh. Nalasing nga talaga ako?

Napahawak siya sa dibdib. May damit pa naman siya. Ganoon parin naman ang suot niya. Kumpleto pa. Nakahinga siya nang maluwag. Maluwag na maluwag. Doon niya narealize na tanggal ang clasp ng bra niya sa likod.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon