Scandal

1.6K 61 15
                                    

Nakakakaba.

"Car, sabi ni Micheal, matagal nang sila ni Yuki. Last year pa daw,"

Tuloy lang sa pagkwento si Charize sa kanya. Di naman siya masyadong nakikinig. Iniisip parin niya kung bakit gamit nung nagtext na yon yung number ni Leo. Di kaya yung nagtext, yun din ang nakapulot?

Gusto niya sanang isumbong kaso iba ang pakiramdam niya. Parang may pumipigil sa kanyang kung ano. Pakiramdam niya rin, parang may masamang mangyayari.

Pero weird din, nasabi nito na naretrieve na nito yung phone.

Tss. Ano ba? Ang dami na niyang naiisip. Ilang buntong-hininga na ang ginawa para kumalma.

"Nagkakilala sila nung anime convention, photographer tong Mike diba? Kaya sila madalas magkita noon," tuloy pang sabi ni Charize habang kumain ng natira niyang fries na tinake-out nalang. Nakabalik na silang school lahat-lahat iyon parin ang topic nila.

"Apparently, alam niyang maraming side boys tong girl pero hinayaan lang niya. Inlab eh. Biruin mo, dedicated boyfriend na nga, sugar daddy pa. Siya halos bumili ng costumes ni Yuki noon."

Napailing nalang siya. Umupo siya ng maayos sa bench habang nakatitig parin sa phone na hawak.

Wala paring reply si Leo sa kanya. Hindi ito active sa facebook. Di din niya macontact kapag tinatawagan na. Napakagat na siya ng labi.

Ano ba?

"Pero ang gulo, ba't naman pag-iinitan ka ni Yuki, Car? Di naman kayo magkakilala nun." Sabat naman ni Eric na nakatingin naman sa laptop. May kung anong tinatype doon. "Wala akong makitang koneksyon."

"Mas maganda ako sa kanya kaya naiingit?" Wala sa loob niyang sambit. Wala naman doon ang atensyon niya.

"Ayawan na! May nanalo na!" Sigaw ni Charize sabay tayo. Magwa-walk out ang gaga.

Aba! Huy! "Ang OA mo talagang babae ka. Maupo ka nga." Aniya sabay iling. Pero at least, dahil kalokohan ng kaibigan, nawala ang kabang nararamdaman niya.

"Tss. Naman Car eh. Matinong tanong yun ni Eric," sabi nito. "Minsan lang naman magsalita yan, eh. Bakit nga?."

Tumango-tango lang si Eric. Buti sanay na to sa kagagahan ni Charize. "Dalawa lang naman common friend niyo sa Facebook, si Mike lang. Saka si Leo.

"Nahuli ko sila one time ni Leo sa CR ng girls noon na--"

"What?!" Napasigaw si Charize sa sinabi niya. Nabitawan nito ang fries na dapat ay isusubo na. "Nahuli mo yung boyfriend mo na--"

"Shhs. Hindi pa kami noon, Char. Dati pa yon. Pagtapos nung cornstarch incident." Putol niya. Buti at walang tao sa paligid. Walang nakakarinig sa pag-alburto ng kaibigan.

"E ba't kayo nasa CR?! Anong ginagawa niyo doon? Ba't di mo kinuwento sakin?" Tanong pa nito.

"Mahabang storya..." Sagot niya. Di niya rin alam kung paano talaga sisimulan.

Pero kailangan na niya ring i-reveal talaga ang lahat. Hindi siya pwedeng umalis nang hindi niya nasasabi sa mga kaibigan ang totoong nangyayari. Doon naman talaga nagsimula ang lahat ng ito.

"Dalawang oras pa para sa next class natin." Sabi naman ni Eric sabay tingin sa relo. Mukhang na curious din. "Makikinig naman kami ah."

Ngumuso si Charize sa kanya. "Sige na bes. Madami kang secrets samin, magtatampo ako talaga niyan."

Napabuntong-hininga siya.

Sinimulang niyang ikwento ang tungkol sa pustahan ng mga kabarkada ni Leo. Yung pagkahuli niya dito kasama si Yuki sa CR. Yung video scandal nito ng hazing sa frat. Isinama pa niya yung pakikita nila noon sa bar na pinatutugtugan ni Tone.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon