Wasak

3.6K 156 9
                                    

Warning: SPG uli. Pero hindi BS. Wag basahin kung gusto niyo ng matinding kahalayan. Wala dito noon. Huehehe

Si Leo. Nakapiring. Nakatali sa likuran ang mga kamay. Nakuhubo. Kita ang toot.

Hindi na edited to. Ang galing naman ng sfx kung sakali. Masyadong realistic ang mga nangingitim nang mga pasa. Yung mga tumutulong dugo. Yung namamagang labi.

Hindi na ito makatayo. Nakaluhod nalang habang kitang-kitang nasasaktan ito.

Dinig na dinig ni Car ang tawa ng mga lalaki sa background. Madami sila. Pinapalibutan ang walang laban na tao sa harap nila. Kitang-kita niya ang pag-paddle nito uli sa likuran ni Leo. Malakas ang umalingawngaw na sigaw. Nakakatakot. Nakakaawa.

'Sasali-sali ka dito. Di mo naman kaya' sabay tawa nang isang lalaki. Yung may hawak ng camera. Magalaw ang pagkakahawak. Mukhang talagang nag e-enjoy habang kinukuhaan ang paghihirap ng iba. Pero bakit halos pareho sila ng boses ni Le--

Mabilis ang pag-agaw ng isang kamay sa cellphone na hawak niya. Agad itong hinagis sa maduming sahig ng CR. Nag hiwalay sa madaming piraso. Kitang-kita nya ang pagkawasak ng LCD nito.

Wasak talaga.

Naramdaman niya ang biglang pagkapit ng kamay nito sa braso niya. Mahigpit. Masakit. Nakakabali ng buto.

Sinubukan niyang umatras pero napasandal lang siya tiles na pader ng CR. Sa pinakasulok noon.

Sh*t. Wrong move. Na-corner siya ni Leo, hinarang nito ang katawan at itinukod ang kamay nito sa isang sulok.

"ITO BA ANG GUSTO MO KAYA AYAW MO AKONG TIGILAN!?"

Mabilis na bumaba ang labi nito sa kanya. Madiin. Di siya makahinga. Naramdaman din niya ang madiing pagpisil nito ng isang kamay sa dibdib niya.

SHIT!

Itinulak niya ito nang malakas. Nag-echo sa banyo ang malakas niyang sampal sa mukha nito. Nagmarka ang mga daliri niya sa pisngi ni Leo. Tumulo ang pa dugo sa pumutok na labi.

Mali.

Dapat tinuhuran nalang niya ang balls nito para magtanda. Edi sana pagulong-gulong na ito sa mapanghing sahig ng CR.

At shit! Hinalikan siya! Germs!!! Kadiri! Kakatapos lang nila ni Yuki!

Nakakasuka.

Naalala niyang hinawakan din pala nito ang boobie niya. Umuusok na ang tenga niya sa galit.

Pero mas matindi ang galit na nakita niya sa mga mata ni Leo. Namumula. Parang iiyak na.

Natigilan siya. Natulala.

Hinihintay niyang saktan siya uli pero hindi nangyari yon.

"A-no bang problema mo?" Tumalikod ito. Humawak sa buhok na parang problemadong-problemado.

Ano nga bang problema niya?

Magi-guilty na sana siya nagawa dahil sa nakakaawang hitsura nito pero bumalik sa utak niya ang mga pinaggagawa ni Leo.

A shit. Yung cornstarch. Si Charize at yung pustahan. Si Micheal. Yung kay Yuki. Yung ginawa nito sa kanya kani-kanina lang sa kanya.

Namuo uli ang galit niya.

Oo. Ginagawa niya ito para magtanda tong gagong to.

"Sinira mo ang phone ko. Palitan mo." Kalmadong lumabas iyon sa bibig niya. Kailangan niyang mag focus, di dapat siya magpadala.

"Shit," nagmura muna si Leo bago humarap sa kanya. Namumula na mukha nito.

Humalukipkip nalang siya at sumandal sa pader.

"S-san mo ba nakuha yun?"

Ngumisi siya. "Sikret."

"P*ta naman!" Umalingaw na naman ang mura nito. Pero di siya patitinag.

"Hindi na importante," aniya. Inayos niya ang sarili. Pinulot sa sahig ang mga piraso ng cellphone niya. "Buti nalang madami akong kopya nun."

"C-Car.. please.. Don't tell anyone about that..that thing." Nag-iba ang tono ng boses nito. Nagmamakaawa na.

Heh. Takot lumabas ang 'dirty little secret'. Umurong na ang bay*g.

Mula sa galit, takot na takot na ito. Namumutla na nga na parang ma-iihi.

"Well, may mga kundisyon ako," sabi niya dito. Ngumisi siya. Isa isang niyang nilalagay ang piraso nang wasak na cellphone sa bag niya. "Di ko ikakalat ang video pero..."

Tumitig lang ito nang matalim sa kanya. Kung nakakamatay lang titig, tigok na siya ngayon.

Lumunok siya.

"Tigilan niyo ang pustahan niyo kay Char."

Bigla itong napanganga. Halatang gulat na alam niya ang tungkol doon.

Surprised?

Mabilis itong umiwas nang tingin sa kanya.

Guilty?

Gusto niyang tumawa nang malakas.

"T-that's why you're doing these? For her."

"Oo. Kaya wag na wag niyo siyang lalapitan. Masama akong magalit Leo."

Hindi ito umimik.

"Ano. Ok na bang kondisyon yon? Walang lalabas pero titigilan niyo ang kalokohan niyo sa kaibigan ko."

Wala parin. Tulala lang sa kanya.

"Sagot."

"Y-yes."

Ngumiti siya. Di pa siya tapos. Part 1 lang to. Kailangan niyang masigurado na di nila itutuloy ang dare nila kay Charize.

"Yung ibang conditions mamaya nalang," aniya. Pumihit na siya palikod para lumabas. "May klase pa ako. See you later." Iniwan na niya ito sa loob ng banyo. Hindi niya maipinta ang hitsura.

Buti nga sayo.

Ilang hakbang palang siyang nakakalayo sa mabahong CR na yon ng marinig niya ang malakas na pag basag ng salamin.

Wow. Ang intense.

Hindi na siya lumingon at dumiresto nalang sa susunod na klase niya.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon