Then Came the Birds

4.7K 194 11
                                    

Surprise quiz.

Napalugmok nalang ang ulo ni Car sa desk. Sa lahat ng salita, ito ang pinakaayaw niyang marinig sa mga prof. Ano ba naman kasi itong professor nila. Late na nga, ito pa may gana magpa-quiz. Badtrip talaga tong Rizal subject na to, naisip niya.

"Classmate, penge one fourth."

Mabilis siyang umupo nang tuwid at inabutan ng papel ang lalaki sa likod.

Badtrip naman eh.

Papasok walang papel. Sabagay karamihan naman sa kanila di handa talaga.

"Thank you classmate, ang bait mo talaga..."

Ay poota me ganun?

"Ang ganda pa." Pahabol nito.

Nilingon niya ito at at tinaasan ng kilay. Nakangisi ito sa kanya.

"Huy, Regado umayos ka ha."

Anthony Regado
19 years old
AB Multimedia Arts
Mahilig sa banda. Rakista.

Umpisa palang ng sem ganto na trip ng lokong ito sa kanya. Ilang beses na na pre-empetib supalpal, ganun parin.

May hitsura naman, hindi niya alam kung bakit siya ang pinagtyatyagaan.

"Me practice kami ng tugtog mamaya, sama ka." Bulong nito sa kanya.

"Wala, busy ako. Matutulog ako. Mamasyal ako sa Megamall. Makinig ka na nga." Singhal niya. Maiinit ulo niya, malas nito. Sa gitna ba naman kasi ng bwisit na quiz makipagdaldalan.

Natapos naman niya ang quiz ng matiwasay. Pasang awa man, na. Kaysa naman zero. Makakbawi pa naman siya. Tapos dinismiss na ang klase ng professor pagkuha ng papers nila.

"Car, mamaya ha." Si Regado na naman. Nagtayuan na ang mga kaklase niya at sila nalang ang naiwan.

Makulit talaga. Nakaka-asar na.

"Busy nga ako," tanggi nya dito sabay suot ng backpack niya. "Next time nalang. Wrong timing ka din eh."

"Sige na ple--"

Natigil ito ng marinig nilang nagtilian na ang mga tao na nasa labas.

Ano ba? May sunog ba? Lindol? Anong meron?

Nagmadali siyang lumabas. Iniwan na nya si Regado na kakamot-kamot. Naaawa siya pero wala talaga. Kaysa naman umasa. Mabait naman siya kahit papaano.

"Woohooo Car! Haba ng hair!" Sigaw nung isa niyang babaeng kakaklase bago pa man siya makalabas ng pintuan.

Nakanamanshet!

Si Leo. Nakatayo sa may hallway inaabangan siya. With flowers and chocolates.

Sh*t.

Tinotoo talaga nito yung sinabi niya.

Pero naman. Pormang malinis din ito ngayon. Nakapolo. Mabango. Gwapo. Karapatdapat tiliian. Kulang nalang maglalagan ng panty ang mga babaeng nandoon.

"O ayan." sabi ni Leo ng iabot sa kanya ang isang dosenang white roses at chocolates.

Nagtilian naman ang taong nakakakita. Idagdag pa ang mga bading. Naglabas pa ng cellphone ang iba para makuhaan ang eksena.

"Kiss na yan! Kiss!" Sigaw pa nung isa.

"Oist!" Saway niya sa mga ito.

Lumapit bigla si Leo sa kanya at mariing bumulong. "Will you stop your shit after this?"

Sa sobrang lapit ng mukha sa kanya, mukha tuloy hinalikan siya nito sa pisngi. Lalong lumakas ng hiyawan.

Ngumiti lang siya.

"No."

Namutla si Leo sa sagot niya. Napanganga pa.

"Sorry, hindi kita type."

"Ay shet! Basted!" Sigaw naman ni Regado. "Wohoo!"

"May pag-asa ka pa!" Sigaw naman ng isa pa. "Tuloy lang Pre!"

San galing yun?

Napalingon siya sa mga ito kaya sobrang gulat niya nang bigla siyang hilahin at halos kaladkarin ni Leo palayo sa mga tao.

Sumunod nalang siya para di masaktan. Ang higpit ng kapit nito.

"Hoy!" Awat niya. Nasa tahimik na hallway na sila. Walang katao-tao. Malayong-malayo na dun sa naghihiyawang estudyante.

"Para naman dyan!"

"Shit! Ano ba kasing gusto mo!" Sigaw ni Leo ng bitiwan siya. "Ginawa ko naman yung trip mo."

"Kulang." Sagot niya. Yun na yun? Bulaklak lang at chocolate ligaw na? Palibasa ito lagi ang hinahabol ng babae.

"P*ta kung may gusto ka sakin, pwede naman!" Lumapit ito sa kanya at hinawakan sa balikat. Muntik na niyang mabitawan ang dala niya sa pagkakabigla. "Pwede naman kita pagbigyan eh."

Muntik na. One inch nalang ang bibig nito sa kanya. Buti nalang nahampas niya ito ng roses na dala.

"Aray!"

"G*go ka ha!" Feelingero to the highest level! "Wala akong gusto sayo!"

"Eh bakit ka pa nagpaligaw!"

Frustrated na. Wawa naman.

"Wala lang," ngumiti siya dito. Ang dense talaga utak, naisip niya. "Ano nalang naman kasi maipagmamalaki ng isang sikat na varsity player na nagdala ng roses and shits sa isang pangit at oucast na gaya ko,"

Natigilan ito. Parang binabasa ang mukha niya habang nagsasalita. Itinuloy nalang niya.

"Tapos basted pa. Sigurado ilalabas na yung kaninang eksena mo facebook, ang dami kayang kumukuha ng video. Nakakahiya ka diba?"

"Sh*t."

Corny man ang dating, bawas sa ego parin niya yun. Bawas popularity points. Bawas pagkalalaki lalo na sa tulad ni Leo na yun lang ang pinagmamalaki.

Kawawa naman, lahat gagawin para sa pototoy niya.

Pero di pa siya tapos. Mahabahaba pa ito.

"Babay, salamat sa roses ha. Itatag nalang kita sa facebook. Hihi." Paalam niya.

"P*ta, may usapan tayo ha!" Gigil na pigil nito sa kanya bago pa siya tuluyang makatalikod.

Lumingon siya uli dito. Kinuha niya ang isa pang picture nito sa bulsa. "Nga pala. Meron ako pa oh."

"Shit!" Mura nito ng makita kung anong nandoon.

Si Leo uli. Lasing. Nakahubo. Kita padin ang tut.

"Ano ba!? Saan mo ba pinagkukuha ang mga to?!"

Inagaw nito at ilamukos nito ang picture. Nagkibit-balikat lang siya.

"Hawak padin kita sa leeg Mr. Punongbayan." Sabi niya. Nakangisi niyang sabi habang papalayo.

"Kita nalang tayo bukas, Leo."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon