Mama's Boy

2K 89 20
                                    

"L-Leo.."

Ramdam ni Car ang bigat ng nakadantay sa kanya nang maalimpungatan. Nakaakap sa kanya ang braso nito, ang higpit lang. Talagang hindi siya binitawan simula pa kagabi.

"Stay here, babe...hmm.." Bulong nito nang bahagya siyang umusog para makakilos.

Umangat siya nang tingin. Nakapikit si Leo. Tulog na tulog parin pero nagsasalita.

"Oyy.." Tawag niya. Wala. Tulog talaga. Napasiksik nalang siya at napapikit uli. Napaunan na nang tuluyan sa dibdib nito.

Hmm. Ang bango. Ang init. Ganito pala ang pakiramdam ng may katabi sa umaga pag gising.

Umaga.

Hmm. Umaga na pala.

Napakalas siya sa yakap at napabangon na nang tuluyan. Napasapo siya sa dibdib.

Dyusko po. Nakatulog talaga silang magkayap nang ganoon?

Napatingin siya kay Leo. Hindi naman nagising sa paggalaw niya. Ang sarap parin ng tulog.

"Good Morning."

Napalingon siya agad sa pinanggalingan ng boses. Babae ang bumati, sigurado siya.

Napakusot siya ng mga mata. Buti at nagtanggal siya ng contact lens kundi na irita na yon. Pero kahit naman 150/150 ang grado ng mga mata niya, nakakakita naman siya kahit papaano.

"Seems you've enjoyed my son's company last night."

Napalunok siya. Napakurap.

Yung mommy ni Leo!

Nakaputing makapal na coat ito na halatang mamahalin. Nakacoif ang buhok. Nakagloves. Naka-diamond necklace with matching earings pa.

Parang inaantay yata silang magising dahil nakaupo lang ito ng prente sa isang seat doon. Kanina pa ba?

Akmang yuyugyugin niya si Leo nang bigla itong magsalita uli. "Oh, don't dear. Mukhang napagod kayo kagabi. Let him sleep."

Napalunok uli siya. Di niya alam ang sasabihin. Napatingin siya sa ayos niya. Sa ayos nila.

Nakakahiya. Nag-init nang husto ang pisngi niya.

Naka-shirt lang siya at nakapanty. Si Leo topless, bukas pa yung butones ng pants. Halata parin nga yung umbok doon. Kahit siguro sinong makakakita sa kanila at maabutan silang ganito, iisiping may nangyari nga sa kanila.

Well, sort of. Pero di sila umabot sa main event.

Pero bakit parang bale wala lang iyon sa mommy ni Leo? Sanay ba siyang makakita ng babae dito?

"Hindi ka ba hahanapin ng parents mo sa inyo?" Sambit nito.

Tumingin siya sa paligid. Kalat na ang liwanag sa buong condo. Hindi niya alam kung anong oras na pero sigurado siyang malalagot siya sa lola niya ngayon.

Napatakip siya ng bibig. Oo nga! Lagot nga siya!

Paktay.

Hinanap niya ang pants niya. Agad naman niya iyong pinulot sa lapag at tumayo. Mabilis siyang tumakbo papuntang bathroom.

"You forgot something." Napalingon siya bago makapasok. Nakita niyang hawak ng Mommy ni Leo ang strapless bra niya. Walang ano-ano, bumalik siya dito para hablutin yon.

"Thank you po!"

Dyosko po talaga! Nakakahiya!

Agad niyang sinarado ang pinto ng banyo at napatingin sa salamin. Huminga siya nang malalim.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon