Unli

2.9K 132 20
                                    

"Carmelita! Ang gaga mo! Buti nalang sakin tumawag si Tita Ana at nailusot kita!"

Napangiwi siya nga bumungad sa kanya ang boses ni Charize sa phone. Pagkasaksak niya ng sim card niya doon, tinawagan na niya agad ito. Sinabi kasi nitong magkasama sila kaya di na nag-alala ang tita niya at ang lola nang di siya umuwi magdamang. Lagi naman kasi siyang nag-oovernight sa kina Charize kaya madali ang mga yong naniwala. Hindi tuloy siya napagalitan.

"So anong nangyari sa inyo ni Tone? Momol na ba? Firstbase? Secondbase? Omayghad! Nagsex na kayo no?!" Sunod-sunod nitong tanong sa matinis na boses.

Sa totoo lang gusto na niyang ibato yung cellphone na hawak dahil sa nadidinig niya. Kaso bigay ni Leo yun, kailangan pa niyang isoli.

"Gaga, hindi. Walang naganap. Umalis ako sa gig nila." Sagot niya kay Char. Ikinwento na niya dito ang lahat nang nangyari kagabi. Yung pagpapakita ng walang-hiyang ex niya. Kasama na doon ang biglang pagsulpot ni Leo at pagdala sa kanya sa condo nito.

"You slept with him?! With Leo?! Totoo na?!"

Napahilamos siya ng mukha. Bakit ba laging nakasigaw ang babaeng to pag-sex usapan nila? "Hindi no. Ano ka ba? Never!"

"Eh diba sabi mo, nalasing ka? Hindi nagtake-advantage sayo si Leo? Waley?"

"Hindi niya ako type. Katulad ni Yuki trip noon." Napairap siya. Naalala na naman niya. Di niya talaga akalaing mahuhuli ang babaeng yon kasama si Leo. Sa loob pa mismo ng campus. Sa loob ng maliit na cubicle.

Pano kaya sila nagkasya don?

Napa-iling siya. Mahalay na eksena ang pumapasok sa utak niya.

Pero sa kabila noon, kahit papaano, naging makatao si Leo kagabi sa kanya. Maliban dun sa kinuha nitong na video na nagdradrama siya at picture na magkayakap sila, wala naman ibang ginawa.

Hindi lang nga siguro siya type.

"Oh talaga? Yuki? Yung jailbait na cosplayer?" Tanong ni Char.

"Yep."

"Hala! Baka kailangan na naman ng sugar daddy ng nene para may pang costume." Ani Charize sabay nang matinis nitong tawa. Parang witch lang sa mga children stories na nababasa niya.

"Sugar daddy?" Paglilinaw niya. Wala pa talaga siyang alam tungkol sa babaeng yon.

"Victim niya kaya yung ka-org ko. Kilala mo si Junmar? Naging sila kaya ni Yuki. Nagpagawa ng costume yon dun tapos bri-nake na nang matapos na."

"Tsimosa ka talaga no?" Napailing siya at napangisi. Isa sa realible source ng info niya si Charize. Madaming nasasagap na radar sa mga org na sinalihan.

"Uy ganun talaga ako no," anito. "Kawawa nga eh, ang mahal din nagastos ni Junmar doon no. Yung effort pa niya sa paggawa. Uto-uto kasi, may gusto lang makuha sa kanya, sumakay naman."

Bumuntong-hininga siya. Kung alam lang ni Char ang ginawa ni Warren.

Gusto na nga niyang sabihin dito ang alam niya kaso masasaktan lang lalo ang kaibigan pag nalamang pinagpustahan ang virginity nito ng mga gagong yon.

"Ay, wait. Car, later nalang uli. Nagmessage si Eric, skype daw kami. Babay." Nawala na ito sa linya nang di man lang siya nakapagpaalam.

Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Hindi na dapat talaga siya umiinom ng alak, malala ang naging epekto sa kanya. Andoon parin ang hilo pero maayos na ang pakiramdam niya pagtapos makapagshower pag-uwi.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon