Blackmail Baby

4.7K 218 11
                                    

Nakangiting pumasok pumasok sa campus si Car. Thirty minutes pa bago ang unang klase niya kaya may oras pa siya.

10:30 AM. Tumingin siya sa relo.

Tapos na ang practice game ng basketball team nila laban sa isa pang university. Nakaabang na siya sa pinto ng gym. Alam nyang dito lalabas ang inaabangan niya.

"Nice game pare," bati ni Leo sa mga kasama bago ito humiwalay. Pawis na pawis pa ito. "Una na muna ako. May hahanapin pa ako."

Mukhang kilala niya ang hahanapin ng gag*ng yon. Napangiti siya. Uto-uto talaga.

"I like you sweaty.' Isang malanding reply niya noong nagchat sila kagabi gamit ang account ng Ate Rose. Umabot yon ng madaling araw.

Pero hindi muna nito dapat makita si Rose. May dapat pa muna siya ipakitang iba.

Mabilis siya kumilos. Alam niyang madaming ibang sasalubong na babae kaya dapat siya ang mauna. Lumakad siya nang mabilis. Nilampasan niya ang sangdosenang babae na gustong lumapit kay Leo. Kulang nalang ang balyahin niya ang malalanding hitad na hiyaw nang hiyaw sa pangalan ng ga*ong bikbiktimahin niya.

"Hi," bati niya dito. Parang nagulat pa ito sa paglapit nya. "Can we talk?" Tanong niya.

"Ikaw yung white lady diba?"

White lady pala ah.

"Ummm," umarte syang nahihiya.

"What?"

"In private sana." Halos pabulong niyang sagot.

Biglang lumapad ang ngiti nito. Mas gwapo nga ito sa personal kapag nakangiti.

Oo na gwapo na. Gusto niyang umirap pero pinigilan niya.

"Sure, mabilis lang ha."

Bakit parang kakaiiba sa pandinig yung 'mabilis' niya?

Lumakad nalang siya papalayo sa mga hordes ng babae nito. Sinundan naman siya ni Leo.

Sa hallway.

Tahimik.

Walang tao.

Wala naman siyang balak salvagin ito o ano. Hindi siya ganoon sa mga biktima niya. Mas gusto niyang mabaliw sila.

Minsan literal na nababaliw.

Ilan na ba ang kinailangan nang psychological treatment dahil na trauma sa pinaggagawa niya? Malalamang madadagdagan na naman ang listahan niya.

"Dito nalang," sabi nito. Nagbigla siya nang biglang hablutin ni Leo ang siko niya.

"Pwede na siguro dito. Wala namang makakakita sa atin." Sabi nito. In his deep husky voice.

Leche, ang seksing pakingan. Nakakapaglawa ng baba. Kaya siguro maraming nauutong mga taong dede.

Tinabig niya ang kamay nito para mabitawan siya. "Oo dito, pwede na dito."

"Shall we start?"

Bakit ba sa lahat ng pawisan ito na yata ang pinakamabango? A shet Carmelita. Focus.

Saka wait, anong 'shall we start?'

Lumapit pa ito. "Is this your first?" Marahan pa nitong hinawi ang buhok niya. "Don't worry, I'll be gentle."

Saglit siyang nayanig sa sinabi nito.

T@ena! May balak sa kanya? Kaya pumayag ito agad na sumama?

Focus Carmelita. Wag mo munang patayin.

Stick to the plan.

"Ummmm...may ibibigay lang sana ako sayo," sabi niya sabay hawi ng kamay nito. Inabot nya dito ang isang envelope.

"Buksan mo."

Ngumiti ito ng malapad pagkuha nito ng envelope sa kanya. "Yun lang pala eh."

Nakahinga siya ng malalim. Uumpisan na niyang magbilang.

In one...two...three...

"Sh*t! Sh*t! San to!" Halos magtatalon ito sa nakitang laman ng envelope.

Ngumisi siya.

Picture ni Leo. Walang salawal. Nakabuka ang hita at kita ang tuut.

Kitang-kita niya kung papaano nito nilamukos ang picture na bigay niya.

"Ok lang madami pa akong kopya." Siya naman ang may malapad na ngiti ngayon.

"Pu*a! San mo nakuha to!!" Naitulak siya nito ng malakas at napasandal sa sementong pader.

Ta*na.

Masakit ah.

"I have my sources Leo."

"SHIT!" Tumalikod ito sa kanya. Napasabunot ito nang sariling buhok sa asar. Nakita pa niyang pinagsuntok nito ang isang poste doon. Mukhang nagdugo din ang kamay.

Hindi niya iniiexpect yon. Oo, alam niyang manggagalaiti si Leo sa galit. Pero di naman niya inaasahang magwawala ito nang ganito.

Dahil lang sa picture ng pototoy na nakabuyangyang? As if namang hindi nakita ng mga taong dedeng friends niya yon.

Mukha yatang napasobra ang gawa niya.

"ANONG PROBLEMA MO!" Sigaw nito ng bumaling sa kanya.

"Wala. Ikaw meron," diretsong sagot niya. Di siya dapat magpadala sa galit nito kahit takang-taka siya na siya.

"Tulad nga ng sinabi ko. Marami akong kopya nyan."

Nakita niya ang pagbaba-taas ng dibdib nito.

Infairness ang macho nitong magalit, naisip niya. Nag fle-flex ang muscles and everything.

"Anong gusto mong palabasin?!"

G*g* blackmail to di mo ba gets?

"May ipapagawa sana ako sayo. Kapalit nang di ko pagkalat ng tiny pototoy mo."

"Shit! Ano?! Gagawin ko!"

"Ligawan mo ako."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon