Rain Rain Go Away

2.6K 105 11
                                    

"Black Rose ba kamo, beh? Baka yung banda ni Bryan."

Napabuntong-hininga si Car sa sinabi ni Rose. Kausap niya ito sa skype dahil tulog na naman daw ang kuya niya. Di na niya naabutang gising. Tamang-tama naman at nandoon na naman ang pinsan niya sa apartment kaya ito ang sumagot.

Bryan Rodrigez. 25
Ex-gitarista

Alam niya may-ari na ito nang isang bar pero malayo-layo na sa kanila. Kilala niya yon. Ito yung nagsabi sa kanya kung ano lang siya para kay Buddy. Yung tungkol sa pustahan ng ibang kabanda nila.

"Pero alam mo yung tungkol don, teh?"

Nakitang niyang ngumiwi si Rose sa tanong niya. "Oo matagal na. Sabi ni Bry, bubuuin niya uli yung banda. Wala na rin naman ako pake dahil matagal na ako kumalas. Isa pa, kanya-kanya na kaming lahat. Malamang siya nalang yung original doon."

"Sa tingin mo ba may koneksyon parin kay Buddy yon?" Tanong niya uli. Hindi alam kung may alam pa ang ate niya tungkol kay Buddy. Umalis na kasi ito sa banda noon at pumunta sa Hawaii bago naging sila ng damuhong yon.

Kaya nga siya siguro ang napagdiskitahan. Ang alam ng lahat, ang ate niya ang nililigawan ni Buddy noon bago siya.

"Naku beh, di ko alam, pero malabo yun. Badshot din kay Bry yun," lalong kumusot ang mukha nito. "Saka wag mong mabangit yang si Boobie--"

"Buddy."

"Ewan. Basta. Bakla siya. Kung di lang mahal ang pamasahe pauwi noon, sumugod na ako diyan. Tapos idi-dice ko yung pututuy niya. Lagyan ko ng kamatis--"

"Whoa teh. Kalma." Gagawin pang echiladas yung pututuy. Ew.

"Gagawin ko talaga yun, walang-hiya siya," sabi pa nito. Nag-roll na naman ang eyes. "Ayan beh, pinaalala mo pa kasi."

"Tapos na, yaan mo na." Sabi niya.

Napatingin siya may bintana. Malakas ang ulan. Low pressure lang naman daw sabi ng PAGASA pero mukhang bagyo na yon.

Nawalan nang connection ang internet. Napailing siya. Lagi nalang ganoon yun pag umuulan nang malakas. Sinara na niya ang pc at nahiga na sa kama. Bukas nalang siguro sila mag-uusap ng Ate niya.

Wala rin siyang nakuhang lead. Pero kung totoo nga na si Buddy yung kumuha ng picture sa kanila ni Regado, pwede na itong kasuhan Nakipag-areglo lang naman ang pamilya nito sa kanila na di na magdedemanda basta di na ito lalapitan pa sa kanya forever.

Statutory rape dapat. Yung abogadong Tito niya ang nag-ayos noon. Sixteen siya. Wala pa sa age of consent, idagdag pa yung nalaman nilang gumamit ng drugs ang g*go at tinarakan din siya ng noong panahong yon.

Kakasuhan na sana kaso di nalang nila itinuloy. Malaking eskandalo din kasi. Pulitiko ang pamilya ni Buddy. Muntik na rin nga siyang di makagraduate ng highschool noon, kundi lang napakiusapan sa school nila. Hindi rin siya na-expel. Simula din noon, tuwing may nakikita siyang inaaping schoolmates, tinulungan niya. Kundi man, siya na ang gumaganti sa mga bully para sa mga yon.

Napatingin siya sa orasan. Alas dose na pala. Kailangan pa niyang pumasok ng maaga kinabukasan dahil nangako siyang tutulungan pa niya si Charize.

Tiningnan niya muna ang phone niya bago siya nahiga.

87 msgs. 15 missed calls

Leo. Puro kay Leo.

Did you check it? Msg me kung my questions ka.

Yung sa calculus yun malamang. Sabi ni Eric tama naman daw. Di na chineck, sasakit lang ulo niya. Ipinasa nalang niya basta.

Do you need help? Pwede kitang i tutor.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon