The Bully and the Beast

13.3K 358 17
                                    

Lumakad siya sa gitna ng hallway. Tulad nang dati, wala siyang pakialam sa mga mga suplyap ng mga tao sa kanya. She was wearing black from head to foot. Black tshirt on a black hoodie matched on a black skinny jeans with a classic black converse. Isama na rin ang makapal na black rimmed glasses nya.

Di naman siya nag luluksa o maitim ang budhi niya. She just like black things. Hindi madumihim. Madali pang isuot. Di nawawala sa uso.

Nagbubulungan ang mga tao sa paligid, napansin niya.

Anong meron?

Gusto sana niyang itanong pero one minute nalang late na siya sa Psychology. Terror pa naman yung prof dun. Parang nangangain nang buhay. Tuloy-tuloy nalang siyang naglakad at ipinagkibit balikat ito.

"Ayan na siya, ayan na siya." Sabi nung isang babae nung papalapit na siya. Nursing ito base sa uniform.

Ano ba talagang meron?

And daming tao sa hallway. May event ba? Bakit hindi ko alam?

Lumakad parin siya pero mas binilisan niya sa pagkakataong ito. Nawiwindang siya sa mga kinikilos ng mga nasa paligid niya.

Nakakaba. May mangyayari alam niya.

Lumiko sya ng makarating sa dulo ng hallway.

And then poof!

Walang naging coco crunch. Sumabog lang naman ang mapuputing pulbos sa paligid niya. Nahulog ito galing sa itaas. Sa kisame.

Someone set up a trap. G*go lang.

Narinig niya ang mga malalakas na halagpakan ng mga nasa paligid niya. Malakas na tawanan ng mga lalaki at matitinis na hagikgik ng mga babae.

Nice.

Sh*t.

"Ayan bagay naman sayo magputi." Sabi nung isang babae. 2nd year. BS Accountancy.

Kilala niya ang mga profile ng karamihan sa mga estudyante dito sa university. Napakelaman na niya ang database nto at alam niya kung sino-sino ang hindi niya pwedeng banggain.

Play safe. Ika nga.

"Yan ang bagay sa freak." Isa pang babae.

Chelsea Williams. Interior Design.

Di nya malaman kung anong year. Wala naman halos itong naiipasa sa subjects niya. Parang andito lang sa campus para mag fashion show.

"Pare whitelady na si black lady," sabay tawa.

Angelo Balaguer. BS Engineering. Varsity. Basketball.

"Galing mo Leo!."

Ang pinakamalakas na tawa sa lahat. Leopoldo Punongbayan. BSIT. Varsity. Basketball.

Isa sa mga untouchables sa school. Ang mga taong kailangan niyang iwasan kahit anong mangyari.

Malamang ito ang may pakana ng lahat. Kilala ito sa mga kalokohan niya sa loob at labas ng school. Alam niyang malakas ang kapit nito sa taas kaya ayan, kahit anong trip napapalampas. Ilan na rin naman ang nabibiktima nito. Lalo na yung mga kawawang freshmen.

Kaso siya? Siya talaga?

Hindi effective ang pagiging tahimik niya. Oo nga't medyo stand out ang pagsusuot niya ang itim, pero isa rin iyon sa dahilan kung bakit di siya madalas lapitan ng mga tao.

Kaya nga bakit ako?

Huminga siya ng malalim.

Di siya natinag sa kinatatayuan. Anong akala nila, maglulupasay siya at mag-iiyak sa pagpapahiya ng mga ito? Para sa isang balot ng cornstarch na tumapon sa kanya?

Hell no.

"What's the meaning of this!" Lumabas si Prof. Psycho sa room na ilang hakbang lang sa kinatatayuan niya. Nagpulasan ang mga iba pang estudyante paalis at siya nalang ang naiwan sa hallway.

"Miss Carmelita Esguerra! Ano ito!" Sigaw nito sa kanya. Dumadagundong ang malakas na boses nito sa tenga niya.

Bagay na bagay talaga ang subject nito sa kanya. Lahat halos ng mga estudyante takot masigawan ng super terror na prof.

Pyscho nga.

"Constarch Sir." Tumingin lang siya dito ng matuwid. Blangko ang ekspresyon. Tinanggal nya ang salamin niya at pinagpag ang mga puting pulbos na dumikit dito. Pinunasan at sinuot uli.

Napatigil ang professor sa kanya. Tiningnan mula ulo hanggang paa.

"You're excuse for fifteen minutes! Be back on my class and be ready for your report!"

Pumasok na si prof sa room. Sumilip siya sa loob at nakita niya ang halo-halong reaksyon ng mga kakaklase niya.

Maliit lang ang bilang ng block nila kaya karamihan dito, alam ang reputasyon niya. Lalo ang best friend nya na si Charize.

Ngumiti siya dito bago siya umalis papuntang CR at kumaway.

Parang nanginig ito sa takot sa gestures niya. Umiiling pa ito na parang alam ang binabalak niya.

Malamang.

They just woke up the beast.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon