Cake

1.8K 93 15
                                    

Windang mode si Car ng dumating sa condo nila Leo. Huminga siya nang malalim pagtapak palang sa elevator paakyat ng unit nito.

Kulang siya sa preparation. Di niya rin alam kung magugustuhan ng Mommy ni Leo ang dala niya. Matcha cake iyon na nabili niya sa bakeshop sa tabi ng condo. Nakakahiya naman kasi kung wala siyang bitbit. Sana lang kasing sarap iyon ng presyo. Isang libo para sa isang maliit na bilog. Mahal. Sobra.

Di bale naman, marami pa naman siyang naitabi ang datung. Ilang linggo ba naman siyang laging libre ni Leo ang pagkain saka pamasahe niya. Keri lang niya

Sinipat niya ang sarili sa reflection sa dingding ng elevator. Wala talaga sa histura niya ang makikipagkita sa magulang ng boyfriend niya ngayon--teka...teka lang, hindi niya boyfriend si Leo. Hindi talaga. Bakit ba siya aligaga?

Tss bahala na nga.

Naka-black siyang Metalica shirt na sleeveless. Orig yon pero ginupit niya yung manggas, padala pa ng kuya niya noong isang taon. Naka-punit punit din siyang jeans saka naka-converse. Pero naman, on fleek ang kilay at eyeliner niya, thanks to Charize. Kaya nga di na siya nagsuot ng salamin at nagcontact lens nalang dahil inayusan siya nito. Sabi nga ng kaibigan niya, Kendall Jenner ang peg. Napangiwi lang siya.

Ayaw. Ew. Poser. No.

Pero kumusta na kaya si Charize? Di nag-text simula pa kanina. Mukhang enjoy na kasama si Eric. Hindi na siya naalala.

Humakbang na siya papalabas ng elevator. Napahawak siya sa dibdib. Para siyang masusuka. Kinakabahan na siya.

"Relax Car, relax." Paalala niya sa sarili.

Marahan ang hakbang niya papunta sa unit ni Leo. Kailangan yata niyang mag-practice para di mabulol. Nakakahiya yun.

"Hello, magandang gabi po Mommy, kumusta po.." err mali yata. Bakit mommy agad? Di naman sila kasal ng anak nito.

"Hello. Magandang Gabi po Mrs. Punungbayan..." tssss, ang formal.

"Hello. Magandang gabi po Tita..." mali, dapat medyo soysal pakinggan.

Tumigil nalang siya sa pagpra-practice nang nasa pintuan na siya ng unit ni Leo. Humugot siya ng hangin bago marahang kumatok.

Walang sumagot.

Isa pa. Wala parin.

Sinubukan niyang buksan ang knob at bumukas naman ito. Marahan niyang itinulak papasok ang pinto.

"Good eve--"

Natigilan siya. Nakarinig nang malakas na sigaw. Lalaki.

"Bastardo! Hanggang ngayon, ganyan ka parin?!"

Napalunok siya. Bakit sabi ni Leo Mommy lang niya ang nandito? Ba't may ibang tao?

Di niya alam kung tutuloy pa siya o ano. Mukhang wrong timing ata ang oras nang pagpunta niya.

"Leopoldo, stop it! Birthday ng anak mo ngayon!"

Birthday? Eh?

Sinong may birthday?

Septmeber 17. Nagreview pa siya ng memorya sa utak niya kung kaninong okasyon nga iyon.

Ay! Oo nga pala. Birthday nga ni Leo ngayon. Napatapik sa noo. Ba't di siya nainform. Kaya pala biglang nagpapunta dito kasama ang mommy.

Naman. Di man lang niya nabati. Wala siyang gift. Buti may dala siyang cake. Pwede na siguro ito.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang biglang may nadinig siyang nabasag at parang natumbang kung ano.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon