H1

64.1K 277 91
                                    

Unang Hagood!

Brett's POV

MALAKAS ang ulan ng gabing iyon. Wala akong payong, wala rin akong dalang kapote. Sinuong ko ang nagngangalit na ulan. Takbo ako nang takbo hanggang sa hindi ko namamalayan, nasa bus station na pala ako ng santolan.

"Phew! Ang layo ng tinakbo ko," sabay naming sambit ng babaeng nasa tabi ko.

Natawa ako no'n at natawa rin 'yong babae. Ngunit nahinto ang tawa ko ng mapansin ang botones na nakakawala sa damit nito. Napayuko ang babae at tinuro pa iyon.

"Gusto mo 'to?" tanong ng babae. Sa isip-isip ko, napaka-flirt naman ng babaeng nasa harap ko. Siguro sinadya niyang tanggalin iyong botones ng damit niya para mapukaw doon ang tingin ng mga lalaki.

Inalis ko ang tingin sa damit niya, "Pasensya ka na, miss. Pero hindi ako interesado," wika ko at pumara na ako ng taxi.

---

Habang ako ay nasa taxi, hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa side mirror ng sasakyan. Kitang-kita ko ang lukot na mukha ng babae. Siguro'y nadismaya siya sa sinabi ko. Pero hindi naman ako nagsisisi. Hindi lahat ng tukso ay dapat patulan. At dapat sunggaban.

"Saan po kayo, sir?" tanong sa akin ng taxi driver.

"Ideretso mo lang," sagot ko.

Natawa ang driver, "Kapag dinire-diretso ko po ito, sir. Mabubunggo po tayo." Wika nito.

"Oo na po. Ang dami rin ninyong alam. Para kayong tatay ko!" Busangot kong sagot sa driver.

"Saan nga tayo, sir?" pag-uulit na tanong nito.

"Gusto mo sa motel tayo? Dalawa tayo, espadahan."

Kumagat labi ang driver, "Baka hindi ninyo alam, sir. Eksperto ako d'yan," aniya na papikit-pikit ang mata.

Kinilabutan ako habang pinagmamasdan ang balbas saradong mukha ng taxi driver. "Bakla po ba kayo?" curious kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya ako sa hita, "Hindi po ba halata, sir?" inilabas nito ang kanyang dila at inihinto ang taxi sa gilid ng farmers cubao. "Ano sir? Game na ba?" tanong nito.


---

NOM's Note: First time ko pong magsusulat ng ganito. Kinakabahan ako sa totoo lang! Promise! Honesto!

---

Time Published: 12:00am


HAGOOD!Where stories live. Discover now