H6.3

8.2K 55 47
                                    

Pangdalawampu't tatlong Hagood


Nagulat si Eiluj nang makita nito ang kanyang pinsan na babae. Kaya binati niya ito agad. Subalit, sa iba nakatuon ang atensyon ng kanyang pinsan.

"Kuya Julio, magkakilala po ba kayo?" tanong ng babae.

"Sino?" sabay turo ni Eiluj kay Brett. "Siya ba?" anito.

Tumango ang babae, "Nakasabay po namin siya kanina sa bus. Kaso ang cold niya po. Nagpapakilala lang naman kami ng kasama ko." Nakabusangot na wika ng pinsan ni Eiluj.

"Gusto mo ipakilala kita? Type mo siguro siya, Ruby?" pang-aasar ni Eiluj.

Namula ang pisngi ni Ruby at kinukurot-kurot nito sa tagiliran ang kanyang pinsan.

"Kuya Julio! Grabe ka sa akin. Type agad? Hindi ba puwedeng..." hindi na nakapagpigil si Ruby at siya na mismo ang humila kay Eiluj palapit kay Brett.

Pagkalapit, "Hi kuya Joshua." Kumakaway na bati ni Ruby na may matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Teka, parang nakita na kita." Nakaturo na sambit ni Brett.

Nagtataka naman si Eiluj sa pangalang narinig. Hindi naman Joshua ang pangalan ni Brett.

"Joshua?" tanong ni Eiluj na animo'y nandidiri ang itsura.

Hinila ni Brett ang kanyang pare at binulungan.

"Sumakay ka na lang. Joshua kasi ang pagpapakilala ko sa kanila kanina," ani Brett habang pangiti-ngiting sumisilip sa pinsan ni Eiluj.

Pasikretong napangiti si Eiluj at hindi mawari kung itatawa ba nito ang ibinulong ng kanyang pare o sasakyan na lang. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang, sundin ang gusto ni Brett.

"Joshua, pinsan ko," sabay turo ni Eiluj kay Ruby.

"Hi!" Yumuko si Brett at hiningi ang kanang kamay ni Ruby na animo'y aalukin ng kasal. "Pleasure to meet you, beautiful," sabay halik sa kamay ni Ruby.

Napadilat ang mata ni Eiluj sa kanyang nakita. Naguguluhan siya kung bakit ganoon kalambing si Brett. Dati-rati, inaangasan nito ang mga babaeng nagpapakilala sa kanya. Ngunit ngayon, kabaligtaran.

"Ikaw ba 'yan, pare?" tumingin si Brett kay Eiluj - sabay kindat. "Kadiri!" Singhal nito.

Natawa ang binata, "Ikaw talaga pare! Hindi ka na nasanay! Lagi naman akong ganito sa'yo di'ba?" sabay akbay nit okay Eiluj.

Kinilig si Ruby at hindi napigilan ang sarili na mapatili. Akala tuloy ng ibang tao, kung napano na siya.

"Kuya Julio, bagay po kayo." Wika ni Ruby na parang kinikiliti sa tuwa.

Tinanggal ni Eiluj ang kamay ng kanyang pare na nasa balikat niya, "Hoy Ruby! Umayos ka! Hindi ako bakla!" animo'y galit na sabi nito. Ngunit nang yumuko siya, napakagat labi ito at napangiti.

"Pare, handa akong maging bakla para sa'yo!" sabay buhat ni Brett kay Eiluj at inikot-ikot niya ito.

Dumadagundong ang sigawan at tilian sa ground floor ng farmers mall.

"Mukhang may ibang palabas sa food court," sabi ng MC sa stage. Pati ito ay na-curious sa nangyayari sa kainan. Kaya ang mga manonood sa kanilang palabas, nagtayuan at nagsitakbuhan papunta sa puwesto, kung saan naroon sina Brett at Eiluj.

"BEH! KINIKILIG AKO SA KANILA!" sambit ng kasama ni Ruby with matching hampas sa balikat nito.

"IKAW LANG BA, BEH? PATI KAYA AKO!" Pasigaw na wika ni Ruby with matching sabunot sa kasama niya. Animo'y gumanti ito sa mga palo sa kanyang balikat.

"Aray ko naman, beh. Ang sakit naman," tinanggal ng babae ang ipit niya at inayos ang kanyang buhok. Mukhang nagtampo ito sa lakas ng pagkakasabunot ni Ruby.

Habang nalilibang ang marami, apat na pulis ang biglang dumating at lumapit kay Brett.

"Ikaw ba si Brett Topacio?"

Ibinaba ng binata ang kanyang pare at humarap sa mga pulis.

"Ako nga po. Bakit po?" kalmadong tanong ni Brett.

Humakbang ng dalawang beses ang isang pulis at inabot sa binata ang puting sobre.

"Hinuhuli ka namin sa pagtangkang panggagahasa," sabay hawak ng dalawang pulis sa braso ni Brett at pinosasan ng isa pang pulis ang kamay ng binata. "Dalhin 'yan sa presinto!"

"Sandali mga sir! Hindi po magagawa ni Brett ang ibinibintang ninyo!" Sigaw ni Eiluj, ngunit wala ring naitulong ang pagsigaw niyang iyon. Tuluyang binitbit ng mga pulis si Brett palabas ng mall.

Naiwang tulala ang boyfriend ni Scarlett, at lumuluha. Hindi ito makapaniwala, na sa kabila ng saya at kilig, ay may mangyayaring hindi nila inaasahan.


---

NOM's note: Bakit ako hinuli? Sino naman ang ginahasa ko? Hahahahahaha! I mean si Brett.

---

Time Published: 5:30pm


HAGOOD!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz