H10.1

4K 37 112
                                    

Pangtatlumpu't walong Hagood


Nasalo ni Brett ang natalisod na kapatid. Mabuti na lang at magkapatid sila. Dahil kung ibang tao lang ang isa sa kanila, malamang isa iyon sa nakakakilig na pangyayari sa mga nakasaksi.


"Ayos ka lang ba, Ate?" madaling natanggap ni Brett ang lahat. Wala na itong tanong pa kung paano at bakit nito naging kapatid si Faye. Kumbaga sa isang sale items, hindi na siya nakipagbaliktaktakan pa sa saleslady para tumawad.


Bahagyang namula ang mukha ni Faye ng tanungin siya ng kapatid. "Ayos lang ako, Brett," nakangiti nitong sagot.


"Mabuti pa, sa bahay na lang natin ituloy ang kuwentuhan. Doon na lang natin ipaliwanag ang lahat kay Kuya Brett," naglakad palapit si Pinkie sa kapatid at inakbayan niya ito. Subalit, nakatingkayad ang dalawa nitong paa. "Hindi pala kita abot, Kuya!" natatawang wika nito.


Nagtawanan ang magkakapatid, gayon din si Mr. Mendoza na nakikinig lang sa kanila. Kahit ipinagtapat na nito ang katotohanan kay Faye, naging madali naman ang sitwasyon at hindi nakaapekto ang rebelasyong iyon sa kanilang relasyon. Kaya tuloy ang buhay para sa kanilang dalawa.


"Faye..." mahinang wika ni Mr. Mendoza. "Uuwi na muna ako sa bahay natin. I mean sa bahay. Moment ninyo magkakapatid ito. Ayaw ko namang maging sagabal sa pag-uusap ninyo," anito pagkaharap ng anak.


Napangiti ang dalaga at mahigpit na yumakap sa kanyang Daddy. "Thank you, Dad! See you soon!" wika nito.


"Your always welcome, Honey! Basta tandaan ninyo! Nandirito lang ang Daddy, tutulong at hindi magsasawa na gabayan kayo," sambit ni Mr. Mendoza pagkaalis ng yakap ng anak.


Huminto ang isang taxi sa harap ng Topacio siblings. "Sakay na kayo!" wika ng driver.


"Wait lang, Manong! Excited? Nagpapaalamanan pa kami!" natatawang wika ni Pinkie.


Pagkaalis ni Mr. Mendoza, sumakay na sa taxi ang magkakapatid, pauwi sa kanilang bahay. Nakaupo sa tabi ng driver si Brett, habang ang kanyang tatlong kapatid na babae ay nasa bandang likuran.


"Long time no see, Handsome!" nagulat si Brett no'ng humarap siya sa driver. "Ikaw?!" wika nito.


Malaking ngiti ang bumulas sa mukha ng driver ng taxi. "Mukhang hindi ka pa naliligo, ah? Gusto mo ako ang magpaligo sa iyo?" nakakagat labing sambit ng driver.


Kinilabutan si Brett sa sinabi ng driver. Paglingon nito sa bandang likuran, tulog na ang tatlo niyang kapatid. Hindi ba naman umuusad ang mga sasakyan sa Cubao, ewan ko na lang kung hindi sila mabagot at antukin. Kaya ayon, bagsak sila Faye, Pinkie at Royce habang tumitiyempo ng banat si Manong.


"Umayos ka, Manong! Mga kapatid ko ang aking kasama!" mahinang singhal ni Brett. "Subukan mong gumawa ng hindi maganda, sabog iyang mukha mo sa akin!" dinikit nito ang kanyang kamao sa mukha ng driver.


Hinawakan ng driver ang kamao ni Brett, "Hanggang ngayon ba naman, mainit ka pa rin?" sabay hinagod nito ang kamao sa kanyang pisngi. "Nararamdaman ko ang init ng katawan mo sa akin," wika nito.


Inalis ni Brett ang kanyang kamay sa pisngi ng driver, "Init ng ulo, Manong! Sarap mong... naku! Nakakagigil ka!" inis na inis na sambit nito.


Gusto na sanang bumaba ni Brett at yayain ang mga kapatid. Subalit, mukhang mahimbing ang pagtulog ng tatlo. Kaya tiis na lang ang binata sa malibog na driver.


Biglang napangisi ang binata habang nakatingin sa bintana. "Gagamitin ko ang pagkakataon na ito, para makalibre kami ng pamasahe. Sayang din ang pagpapantasya sa akin ni Manong, kung hindi ko siya mahihingian ng pabor," sabay lingon nito sa driver na kanina pa rin nakatingin sa kanya.


"Nakapag-isip ka na?" tanong ng driver, sabay kindat na may kasamang labas dila.


"Gutom na ako, Manong! Ihinto mo muna sa MCDO!"


---

NOM's note: Nabuhay si Manong Driver! Hahahahaha!

---

Time Published: 9:05pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now