H7.3

5.4K 41 45
                                    

Pangdalawampu't pitong Hagood!


Tumango ang babae at yumakap sa lalaki. "Magnanakaw po sila, dad," sabay hikbi nito. Puro magnanakaw, magnanakaw, magnanakaw! Bakit hindi nila ipakita sa amin ang cctv na magpapatunay sa kasalanang aming ginawa!

"Magandang hapon po sa inyo, sir. Nais po sana naming magpaliwanag. Wala po kaming ninakaw, hindi rin po kami magnanakaw. Nagmamadali po kasi kami dahil-" biglang nagsisisigaw ang babae at nagwala sa loob ng opisina. Hindi man lang siya nahiya sa mga katrabaho niyang nagtatrabaho ng oras na iyon.

"Dalhin ninyo sila sa pulisya. Sabihin ninyo, nagnakaw sila rito sa mall," what? Ganoon na lang? Basta na lang kaming ipapakulong? Hindi makatarungan iyon. Hindi kami makapapayag sa gusto nila. Hinding-hindi!

"Sir, nais ko lang pong makatuwiran. Hindi po tama ang inyong ginagawa. Hindi po makatarungan na ipakulong kami ng walang sapat na ebidensya. At kung maaari po sana, mapanood ang cctv na magpapatunay na nagnakaw nga po kami."

Itinaas ng girlfriend ko ang kamay niya at magkasabay nitong siniko ang dalawang sekyu na humawak sa kanya.

"FOR PETE SAKE! ANAK NINYO PALA IYANG BABAENG IYAN, SIR?! MALI ANG KONSINTIHIN ANG ANAK! LALO NA KUNG ALAM NINYONG MALI! MY GOODNESS! NAGMAMADALI KAMI, KASI HINULI NG PULIS ANG KAIBIGAN NG BOYFRIEND KO! AT IBABALITA RIN NAMIN NA NAMATAY ANG MAGULANG NIYA SA ISANG AKSIDENTE!"

Napatayo ang mga tao sa loob ng administration office. At ang ilan ay napatulala. Galit na galit si Scarlett, dahil sa ginagawang panggigipit sa amin.

"A-a-ano ang sinabi mo? H-h-hinuli ng pulis?"

"BINGI KA BA? AT KAILANGAN KO PANG ULITIN SA'YO?"

Hinawakan ng babae sa braso ang girlfriend ko. "HINDI MO BA AKO NAKIKILALA? AKO SI FAYE! FAYE MENDOZA! ANG BABAENG MAPAPANGASAWA NG KAIBIGAN NG KASAMA MO! AT SIYA ANG TINUTUKOY KONG NINAKAW NINYO!" baliw ba siya? O, sadyang sira lang talaga ang ulo niya. Bakit namin nanakawin ang isang tao? Puwede pa kung kikidnapin. Lakas nilang maka-gago!

"MYYYYYYYYYYY GGGGGOOOOOOOOOOOODDDDDDDDD! ARE YOU DAMN CRAZY?! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! DO WANT ME TO SLAP YOU ST*PID FACE? TELL ME! NANG MATAUHAN KA!" biglang sinampal ng malakas ng babae ang girlfriend ko.

"AKO NA ANG GUMAWA. NATAUHAN KA NA BA?" makawala lang talaga ako sa tatlong sekyu na nakahawak sa akin. Hindi baleng sumunod ako kay Brett sa kulungan. Mapatay ko lang ang mga baliw na nasa harapan namin!

"DAMN!" Hinablot ng babe ko ang buhok ng babae at iwinasiwas niya ito. Sanay sa away at gulo ang girlfriend ko. Kaya laking pagkakamali ng babae na inunahan niya si Scarlett. Napapailing na lang ako.

"PUMALAG KA! TANG'NA KA! DAMI MONG ALAM!" Pinagsisisipa ni Scarlett ang babae. Mabuti na lang at walang pumapagitna sa kanila. Dahil kung may mangingialam. Pipiglas at pipiglas ako para protektahan ang girlfriend ko!

"Tama na, girl! Gusto ko lang naman malaman kung saan siya dinala. Alam mo na, concern lang ako sa taong mahal ko." Baliw nga talaga ang babaeng iyon!

"CONCERN? TALAGA? SIGE ANO ANG PANGALAN NIYA!" biglang pumagitna iyong daddy ng babae at inawat na sila. Baka akala ng anak nito, kaya niya ang girlfriend ko. Tatawanan ko lang sila!

"DALHIN NINYO ANG DALAWANG IYAN SA STATION 7! KASUHAN NINYO NG PHYSICAL INJURIES AT LIBEL!"


---

NOM's note: Nagkandaloko-loko na!

---

Time Published: 6:10pm



HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon