H7.2

5.5K 43 45
                                    

Pangdalawampu't anim na Hagood!


Nagmamadali kami, hindi ba nila iyon nakita? At sino ba sila? Maraming tanong ang bumalot sa aking isipan habang nakatitig sa amin ng masama iyong maliit na babae na nakapamewang pa.

"Hawakan ninyo sila! Baka makawala pa!"

Kapwa kami nagulat ng girlfriend ko sa sigaw na iyon ng babae. Bakit nila kami kailangang hawakan? Nagnakaw ba kami? May nagawa ba kaming labag sa patakaran ng mall? Gusto lang naman naming sundan iyong mga pulis na humili sa kaibigan ko.

"Ano po ba ang kasalanan namin, ma'am?" mahinahon kong tanong sa babae. Subalit, tumalikod lang ito at nagsisisigaw sa loob ng mall.

"NAKIKITA NINYO BA ANG DALAWANG BABAENG ITO? NAGNAKAW SILA! MAGNANAKAW ANG MGA ITO!" Pumintig ang tenga ko sa narinig namin. Gayon din si Scarlett na kanina pa nagtitimpi.

"HOY! SINO KA BA AT ANO ANG NINAKAW NAMIN?" hindi na nakapagpigil ang girlfriend ko at sinuklian nito ang ginagawang pagwawala ng babae.

Marami kaming narinig na hindi maganda mula sa mga taong nanonood sa amin. Lalo na iyong mga batang nakikiusyoso. Hindi dapat nila naririnig ang hindi magagandang salita. At lalong hindi sila dapat nag-iisa sa mall ng walang kasamang matanda.

Humarap sa amin ang babae at napaismid ito. "Huwag na kayong magmaang-maangan pa. Nakita namin sa cctv ng mall ang ginawa ninyong pagnanakaw. Akala ninyo siguro ay makakatakas kayo? Sorry. Ngunit, makukulong na kayo!" Wika nito.

"Hindi po namin alam ang inyong pinagsasabi, ma'am. Wala po kaming ninanakaw. At lalong hindi po kami masamang tao." Katuwiran kong sagot sa babae. Ngunit, hindi siya naniwala sa akin. Kahit iyon naman talaga ang katotohanan.

Pumikit at tumingala ang babae. Inis na inis siya, hindi ko malaman kung bakit.

"Babe, isa pa. Hindi ako magdadalawang isip na patulan ang babaeng iyan!" Pabulong na salita ng girlfriend ko sa akin.

"Ma'am Faye! Papatulan na raw po kayo ng babaeng ito!" Usisa ng isang sekyu.

"HEY! WHO THE HELL ARE YOU?! AND YOU!" sabay turo ko sa babae. "NASAAN ANG EVIDENCE NINYO NA NAGNAKAW KAMI? DAHIL KAPAG HINDI TOTOO ANG INYONG PARATANG SA AMIN, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA MAGSAMPA NG DEMANDA SA INYO!"

Isa-isa kong tinuro ang mga sekyu, pati ang babaeng humarang sa amin. Ang kapal ng mukha niya para paratangan kaming magnanakaw. FYI, hindi ako sa nagmamayabang. May sarili akong pera at may magandang trabaho. Gayon din ang girlfriend ko.

"Dalhin na ninyo sila sa itaas." Utos ng babae.

Subalit, hindi pumayag ang girlfriend ko. "BAKIT HINDI MO IPAKITA RITO ANG EBIDENSYA? SIGURO AY WALA? NAKAKATAWA KA!" Nagpupumiglas na sigaw ni Scarlett.

Sang-ayon ako sa sinabi ng babe ko. Siguro nga'y walang ebidensya iyong babae. Puro paratang lang ang gusto. Nagpapapansin sa mga tao, para masabing tapat siyang tauhan ng mall. Ang kapal ng mukha!

"Tama na ang usapang ito! Dalhin sila sa opisina, para maimbestigahan!"

Pumalag-palag kaming dalawa ni Scarlett. Subalit, mahigpit ang pagkakahawak sa amin ng mga sekyu. Animo'y kriminal kami na nagkasala ng malaki. Kulang na lang ay posasan kami at agad na ikulong sa kulungan.

Pagdating namin sa opisina nila. Isang lalaking maliit at mataba ang lumapit sa amin.

"Sila ba anak?" salubong na tanong ng lalaki.


---

NOM's note: Ano kaya mangyayari kanila Julio at Scarlett.

---

Time Published: 5:50pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now