H10.3

4.1K 32 26
                                    

Pang-apatnapung Hagood


Nakasuot ng pulang bestida, mataas na heels at naka-postura ang kanilang nakita. Isang nakabibighaning dalaga ang biglang dumating sa kaarawan ni Brett.


"Sino siya?" tanong ni Pinkie kay Royce na kumakain ng hamburger.


"Hindi ko alam," lumingon si Royce sa gawing pintuan. "Ang ganda niya!" nalaglag ang hamburger na kanyang nginungaya, pagkatapos nitong magsalita.


Dahan-dahang naglakad papasok iyong babae. Direto ang kanyang tingin, animo'y si Brett lang ang nakikita ng kanyang mga mata. "Kung alam mo lang, matagal kong pinag-isipan ang bagay na ito," usal nito habang nakangiting lumalakad.


"Ikaw ba iyan, Pare? Grabe ang ganda mo!" wika ng binata habang hinihintay na makalapit sa kanya iyong magandang babae. "Ikaw ang magandang regalo na matatanggap ko, kapag nagkataon!" napapangising sambit niya.


"Sana ay hindi ko pagsisihan ang pagbabagong ito," nagugulumihanan ang isipan ng babae habang palapit nang palapit sa binata. "Simula nang halikan mo ako, natauhan ako. Ikaw ang dahilan nang lahat ng ito," patuloy na usal ng babae.


"Grabe naman ang nangyayari. Wala talagang nagsasalita? Ano ito? Isang palabas na kaabang-abang?" pabulong na wika ni Faye, habang naghihintay din sa mangyayari.


"Bagay na bagay sila ni Kuya Brett! Pero sana, huwag madala sa panlabas na anyo si Kuya. Dahil may mga taong maganda lang sa panlabas, subalit, pangit ang kalooban," sambit ni Pinkie na napapailing.


"Kung ako ang magdedesisyon para sa magiging girlfriend ni Kuya Brett, mas gusto ko iyong nagsabi sa amin kung ano ang nangyari kay kuya," ani Royce na patuloy lang sa pagkain ng hamburger.


Naghawak kamay ang mag-asawang Topacio ng mga oras na iyon. Animo'y slow motion ang paglalakad ng babae. May mga naiinip, at naaartehan sa nangyayari. Ngunit, mas inaabangan ng karamihan ang magiging reaksyon ng binata kapag nagkalapit na sila.


"Happy birthday!" sabay abot ng babae ng isang maliit na kahon. "Matagal kong pinag-isipan ang ibibigay kong regalo sa iyo, Pare," napayuko si Eiluj, at namula ang kanyang pisngi.


Hinawakan ni Brett ang baba ni Eiluj, "Ang ganda mo ngayon, Pare. Ikaw ba talaga iyan? Baka mamaya ay nagpa-plastic surgery ka, ah?" napapangiting wika nito.


Ngayong magkaharap na ang mukha ng mag-pare. Hindi na napigilan ng ina ng binata ang mapatili at mahampas sa braso ang kanyang asawa, dahil sa kilig.


"Ano ka ba! Para ka namang highschool student!" reklamong sambit ng ama nila Brett.


"Kunwari ka pa! Sa hampas ko nga ikaw na-inlove!" tinignan ng masama ni Brett ang kanilang magulang. "Oo na! Moment ninyo na ito! KJ mo talaga!" sabay irap ng ina sa kanyang anak.


"Mama naman kasi, mamaya na kayo maglambingan ni Papa. Hayaan muna natin kanila kuya ang oras na ito. Kumain na po kaya tayo," usisang wika ni Royce. Kung kailan mauubos na nito iyong mga hamburger, saka naman siya nag-alok.


"O, kain na tayo! Hayaan natin iyong dalawa na mag-usap!" inalok ni Mr. Topacio ang mga bisita at kamag-anak na magkainan na. Habang sila Brett at Eiluj, nagtititigan hanggang sa kung sino ang unang matunaw.


"ANO BA NAMAN KAYO! NADIDISTRACT TULOY ITONG MAGIGING GIRLFRIEND KO!" sabay hablot ni Brett sa kamay ni Eiluj. "SA KUWARTO KO NA LANG KAMI MAG-UUSAP! ANG IINGAY NINYO!" nakadilang wika ng binata.


Walang palag na sumama si Eiluj sa kanyang pare, paakyat sa kuwarto nito. Napakaganda ng kaibigan ni Brett no'ng dumating ito sa espesyal na araw ng binata. Subalit, mayroong tao na ginugulo ng mga tanong sa isip.


"Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang sa mall, kasama niya ang kanyang girlfriend. Pati sa presinto ay kasama rin niya. Pero bakit siya lang ang nagpunta rito sa bahay? Saka bakit parang biglaan ang kanyang pagbabago? May mali, eh!" ani Faye habang nakatingin sa kuwarto ng kapatid na lalaki.


"Ano ang sinasabi mo, Ate Faye? Ano ang mali?" narinig ni Royce ang winika ng kanilang kapatid. Kaya inusisa niya ito at kinulit.


Hinanap ni Faye ang cellphone ni Brett, at ibinigay naman ito sa kanya ng kapatid na si Pinkie. "Ano ang gagawin mo diyan?" tanong ni Royce.


"May tatawagan lang ako," mabilis na sagot ni Faye, at lumabas ito ng bahay.


---

NOM's note: May point si Ate Faye! Saka sino kaya iyong tatawagan niya?

---

Time Published: 12:20am


HAGOOD!Where stories live. Discover now