H9.3

3.7K 35 90
                                    

Pangtatlumpu't anim na Hagood


Matinding kaba ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon. Mukhang seryoso nga talaga iyong mga pulis sa gusto nilang gawin sa akin. Aaminin ko, malandi ako, pero hindi naman ako basta na lang papatol kung kani-kanino. Sana ay totoong may superhero.


Lumapit sa akin iyong Chief na sinabi ng anak ng boss ko. "Baka isipin mo, aabusuhin ka namin. Kung gusto mo ng fair na deal. Pag-usapan natin iyan," napalunok ako sa sinabing iyon ng pulis. Gusto kong tumakbo, subalit nakaharang sa daraanan ko iyong dalawa pang pulis.


"A-Anong klaseng deal?" nagagatol kong sagot sa kanya.


"Sumunod ka," nauna siyang pumasok sa isang kuwarto. Pero bago iyon, nagthumbs-up muna siya sa lalaking humarang sa akin. Ibang kaba talaga ang nararamdaman ko. Nasaan na iyong tapang ko? Bakit pakiramdam ko, hindi ko magawang pumalag at sumagot ng pabalang sa kanila. Naninibago ako sa aking sarili.


"Bastos ka!" patulak ako pinasunod no'ng anak ng boss ko. "Huwag ka ng maarte! Gamit ka na rin naman ng Papa ko!" Singhal niya sa akin.


Pagdating ko sa harap ng kuwartong pinasukan ni Chief, inayos ko muna ang aking damit at sarili. Pumikit ako at nagdasal. Wala sanang mangyaring masama sa akin sa loob ng presinto. Gabayan sana ako ng Panginoon.


"Maupo ka, Scarlett Lopez," nakangiting bungad sa akin ni Chief pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. Nagulat ako nang banggitin niya ang buo kong pangalan. Pati apelyido ko ay alam niya. Sino ba siya? Related ba siya sa buhay ko? Nakakatanga ang mag-isip.


Pagkaupo ko, agad na hinawakan ng pulis ang aking kamay. Inamoy-amoy niya ang kaliwang kamay ko. Bakit naninigas ako sa takot? Hindi ko magawang alisin ang kamay ko na nakadikit sa labi niya. Pagkakataon ko na para sungalngalin ang bibig ng pulis na nambabastos sa akin. Ngunit, para akong tubig na nilagay sa freezer.


"A-Ano po ba iyong deal na sasabihin ninyo?" binasag ko na ang kalituhan sa isip ko. Kailangan ko ng malaman iyong deal na iyon, para matapos na at kung ano man iyon, mabuti man o hindi, bahala na.


"Simple lang naman ang deal ko sa iyo," sabay halik na naman niya sa kamay ko. "Ang bango mo, amoy kabit ka nga talaga," wika niya. Sa isip-isip ko, hindi lang pambabastos ang ginagawa niya akin. Niyuyurakan na rin niya ang buo kong pagkatao. Kabit nga ako, pero hindi na para ipaglandakan pa sa akin ang salitang iyon.


Nakiusap ako na sabihin na iyong deal, subalit, patuloy lang ito sa paglantak sa kamay ko. Hanggang sa makahugot na ako ng lakas ng loob na magsalita ng hindi maganda.


Binawi ko na ang kamay ko at nilagay ko sa gitna ng aking mga hita. "Siguro naman ay sapat na ang paglantak ninyo sa kamay ko, Chief! Hindi porque, pinagbibigyan ko kayo, eh, aabusin ninyo ang pagkababae ko! Kahit kabit ako, may dignidad pa naman akong natitira para sa sarili ko!" natawa iyong pulis sa sinabi ko. Nakakaasar iyong lakas ng pagtawa niya.


"Relax ka lang, Letlet! Heto na nga at sasabihin ko na sa iyo ang deal namin," namin? Ano ang ibig niyang sabihin sa namin? "Palalayain namin si Brett Topacio, ngunit, sa isang kondisyon!" nakangising wika niya.


Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko maitanong kung ano ang kondisyon na iyon. Pakiramdam ko kasi, maraming mata ang nakamasid sa amin, at mga tainga na nakikinig sa pag-uusap naming dalawa.


"Sabihin ko na ba?" bakit kailangan pa niya akong bitinin. Hindi na lang niya sabihin ng buo kung anong kondisyon iyon. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.


---

NOM's note: Kinakabahan din ako, Scarlett! Hahahahaha!

---

Time Published: 3:20pm

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon