x HAGOOD! x

9.1K 56 67
                                    

Panghuling Hagood


Nakasimangot na pumasok ng bahay ni Faye, sinalubong agad siya ng dalawa nitong kapatid.


"Kumusta, Ate Faye? Nakausap mo po ba iyong tatawagan mo?" tanong ni Royce na may bitbit na french fries. Walang kabusugan talaga itong bunsong kapatid nila Brett.


"Bakit po ganyan ang mukha mo, Ate Faye? May nangyari po ba?" usisa ni Pinkie na halata ang pag-aalala sa kanyang mata.


"Hindi ko siya makontak," mahinang sagot ni Faye sa dalawang kapatid.


Niyakap ng dalawa si Faye, "Okay lang iyan, Ate Faye. Baka po nagkakamali ka lang ng hinala. Kita naman sa mukha ni Kuya Brett na masaya siya sa pagdating ng kaibigan niya," sambit ni Pinkie.


"Oo nga, Ate Faye! Kumain na lang po tayo!" hinila ni Royce ang dalawang kapatid papunta sa lamesa kung saan naroon iyong handa nila para sa birthday boy na si Brett.


Nagugulumihan man ang isipan ni Faye, ayaw naman nito na masira ang unang gabing makakasama ang tunay na pamilya. Kaya isinantabi na muna nito ang agam-agam sa biglaang pagbabago ni Eiluj.


Masayang nagkantahan ang pamilya Topacio at mga bisita. Wala mang alak sa lamesa, masaya naman sila sa dami ng pagkaing iniluto ng kapitbahay nilang si Wortha.


"Maraming salamat, Mr. and Mrs. Topacio sa pagkakataon na maipagluto ko ang mahal ninyong anak na binata. Sa totoo lang, crush ko iyong anak ninyo. Kaya lang, noong dumating iyong magandang babae, parang naetchapuwera yata ang ganda ko," sabay subo ng sugpo ni Wortha. "Ang sharap pala ng luto ko," wika nito.


Natawa ang mag-asawa sa sinabing iyon ni Wortha. Laking pasasalamat din nila dahil sa libreng serbisyo na ibinigay ng kanilang kapitbahay. Hindi man sila ganoong nagkakabatian sa tuwing magkikita, palagay naman ang loob ng pamilya sa dalaga.


"Ate Wortha, ikaw naman po ang kumanta!" sigaw ni Royce.


"Oo nga! Sabi nila, panlaban ang boses mo!"


Iniabot ni Mr. Topacio ang microphone kay Wortha, "Para ito sa lalaking gusto ko. Subalit, mayroon na siyang ibang gusto. Kaya para sa inyo ito! Pusong bato!" sabay birit ni Wortha sa chorus ng kanta.


Malakas na palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa buong bahay ng Topacio Family. Nakatutuwang pagmasdan ang kanilang tawanan, kantahan at kuwentuhan. Kahit sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari. Natagpuan naman ni Faye Mendoza ang kanyang tunay na pamilya, sa tulong mismo ng lalaking nanghiram, nag-alaga at nagpalaki sa kanya ng maayos.


Nagbiro man ng hindi maganda mag-asawang Topacio sa kanilang anak na lalaki. Naging daan naman iyon para lalong tumibay ang relasyon nila sa isa't isa. Naliwagan din si Wortha sa pag-ibig. Dahil ang tunay na pagmamahal, hindi gagawa ng ikapapamahak ng taong nagugustuhan. Kaya masaya na ang dalaga, kapag masaya ang kapitbahay na si Brett.


Bago matapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Brett. Sabay na lumabas ng kuwarto ang dalawa, bandang alas diyes y medya ng gabi. Nagkapalit pa sila ng kasuotan. Kaya nakantiyawan tuloy sila ng mga bisita. Matik na kumbaga.


"Nais kong isigaw sa buong mundo! Girlfriend ko na itong babaeng nasa tabi ko! Si Eiluj Pelaez ay aking girlfriend! Subukan lang na agawin siya sa akin! Makikipagpatayan ako!" sabay tuka ng halik ni Brett sa pisngi ng girlfriend.


"Sa lips dapat!" sigaw ng pinsang lalaki ni Brett.


"Sa lips ba?" tanong ni Brett. "Sa lips daw, Bab-" hindi na nito natapos ang sasabihin, nang biglang halikan siya ni Eiluj sa labi.


"TULOY ANG KASIYAHAN!"


Nagpaputok ng fireworks sa labas ng bahay si Mr. Mendoza. Double celebration ang nangyari nang gabing iyon. Birthday at announcement ng pagiging official mag-on nila Brett at Eiluj.


Subalit, sa gitna ng sobrang kasiyahan. Nakatanggap ng text si Eiluj.


From: Babe

Message: Magkapasaya ka ngayon, Julio! Alam ko na ang sikreto mo! Kaya namnamin mo ang mga araw na kasama mo siya! Hindi matatapos ang taon na ito, lalabas ang baho mo! Maghintay ka lang, at bibiglain kita! At sisiguraduhin ko sa iyo, panandalian lang ang saya mo!

PS: Pakisabi kay Brett, happy birthday! Iyong regalo ko, to be follow na lang. Salamat!


---

NOM's note: HEP HEP! Nabitin ba kayo? Abangan ang special chapters ng HAGOOD! Kung inyong mapapansin, may pagbabanta sa dulo. At sa special chapters na iyon, matatapalan na ang butas!

---

Time Published: 10:10pm



HAGOOD!Where stories live. Discover now