H6.2

8.8K 51 56
                                    

Pangdalawampu't dalawang Hagood


Napahinto sa paglakad si Eiluj nang maalala ang text ng pare niya na isama nito ang kanyang babe. At sa paghinto niyang iyon, nabunggo siya ng tumatakbong si Brett.

Nagsigawan ang mga tao, at ang ilan ay natilian. Napailalim si Eiluj at nasa ibabaw naman si Brett ng mga sandaling iyon. Animo'y huminto ang oras sa paligid at nagkatitigan ang mag-pare.

"Nasaktan ka ba, Eiluj?" mahinang sambit ni Brett na may pag-aalala sa mata nito.

Umiling si Eiluj at inalalayan siyang tumayo ng binata. At sa senaryong iyon, lumakas ang tilian sa paligid at natalo nito ang nangyayaring mall show sa loob ng mall.

"Ang cute n'yong pagmasdan!"

"Bromance p're!"

Umani ng iba't ibang komento ang dalawa mula sa mga nakakita ng pangyayaring iyon. Hiyang-hiya naman si Eiluj at inayos ang kanyang buhok at damit. Ngunit, natanggal ang sumbrerong suot nito at nakita ang mala-black gold sa ganda na buhok ng pare ni Brett.

Napamura ang ilan sa paligid, nanghinayang at tumili. Manghang-mangha ang marami sa ganda ng buhok at mukha ni Eiluj. Kaya isang babae ang lumapit sa kanya at tinulungan siyang mag-ayos.

"Alam mo, sayang ka. Magpakababae ka na lang! Pero, inferness ah? Guwapong babae ka!"

Hindi malaman ni Eiluj kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabing iyon ng babae. Kaya nagpasalamat na lang ito at akmang aalis na para sundan ang kanyang girlfriend. Subalit, sa kanyang pagtalikod, hinigit ni Brett ang kanyang kamay. At dahil doon, lalong namula ang mukha nito, hindi dahil sa sigawan ng mga tao. Kungdi sa kilig na nararamdaman niya mismo sa sarili nito.

"Hindi ko gusto ang tibok ng puso kong ito," usal ni Eiluj.

"Pare..." dahan-dahang hinawakan ni Brett ang mukha ni Eiluj at iniharap niya iyon sa kanya. "Ngayon ko lang napansin, ang ganda mo pala." Nakangiting wika nito.

"Huy, heartbeat! Tumigil ka!" patuloy na usal ni Eiluj habang nakahawak ang kaliwang kamay sa dibdib.

"Sumagot ka, Eiluj. Huwag mo akong titigan, at baka matunaw ako," seryoso man ang mga salita ni Brett, sigurado naman si Eiluj na nagbibiro lang ito.

"Ano ang isasagot ko? Nagtatanong ka ba?" pambabarang sagot ni Eiluj sa binata.

"Oo nga p're! Wala ka namang tinatanong!" Sigaw ng isang lalaking nanonood sa moment nila.

Tinignan ni Brett ng masama ang lalaki, "Manood ka na lang, okay?" wika nito.

"Yabang!" Singhal ng lalaki at umalis na ito. Mabuti na lang at napigilan ni Brett ang kanyang sarili na saktan ang lalaki. Dahil kung nagpaapekto siya, siguradong dadalhin na naman siya sa admin office ng mall.

Palihim na natawa si Eiluj at animo'y nakalimutan nito na matigas siyang babae.

"Pare," nakangiting humarap si Brett. "Baka nakakalimutan mo? Hindi mo ako puwedeng tawagin sa pangalan ko, kung hindi tayo." Sambit ni Eiluj.

Muling naghiyawan ang mga tao sa paligid at ang mga babae ay kilig na kilig sa kanilang mga naririnig. At napukaw na nang hiyawang iyon ang atensyon ni Scarlett na naghihintay ng kanyang order.

Sumimangot si Brett at binitawan nito ang mukha ni Eiluj. "Kailangan bang maging tayo, bago kita irespeto?" anito na may sinsiridad sa kanyang mga mata.

"Ano ba ang nangyayari roon?" tanong ni Scarlett sa hangin.

"Saan po ma'am?" pag-uusisa ng crew.

"Doon," mabilis na sagot ni Scarlett.

"Hindi ko po alam, ma'am. Nandito po kasi ako sa loob. Sayang nga po eh. Mukhang kilig na kilig 'yong mga taong narooon," wika ng crew.

Napataas ng kilay si Scarlett, "Natural! Kaysa naman iwan mo ang tinda n'yo para lang usisain kung ano ang nangyayari roon!" pakiramdam nito ay pamimiloso ang sagot ng crew sa kanya. "Akina nga 'yan!" sabay hablot nito sa shawarma na inorder, kahit hindi pa tapos lagyan ng sauce.

"Pareng Brett! Pasensya ka na, ngunit, hindi kita type," sabay talikod ni Eiluj at sa pagtalikod nito, hinarang siya ng dalawang babae.


---

NOM's note: Daming kinilig sa amin ni Pare! Ang galing talaga ng mga banat ko! RESPETO! That word tho ;)

---

Time published: 12:35 am


HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon