H8.3

4.5K 36 112
                                    

Pangtatlumpu't isang Hagood


Ngumawa-ngawa iyong babae at tumakbo sa sulok. Doon, umupo iyong babae at humagulgol ng iyak. Naalala ko sa kanya si Mama. Ganoong ganoon siya kapag nasasaktan ng sobra, sa tuwing mag-aaway sila ni Papa.


"Tama na iyan, babe," wow? Nakiki-babe ako sa girlfriend ng pare ko! "Aww! Sorry," agad kong paumanhin sa babae na nasa harap ko.


Ngumiti naman siya. Akala ko ay susungitan niya ako. Mabuti na lang at kahit na madrama ang nangyari kanina, goodvibes pa rin ang nararamdaman ko sa girlfriend ni Eiluj. Ang suwerte niya talaga ng pare ko. Nakahanap siya ng matapang, mabait, maganda at higit pa roon, sexy! Hihihi! Ano ba itong naiimagine ko.


"Hoy!" nawala ang ngiti ko sa pagtawag na iyon ng babae. "Iyong mga ngiti mo, parang pinagnanasaan mo ako, ah? Type mo ba ako?" hinigit niya ang damit ko, at halos magkadikit na ang mukha naming dalawa.


"A-Assuming ka pala," parang kinukuryente ako. Gusto kong gumanti ng paghablot sa kanya. Ngunit paano? Iba ang mahahawakan ko kapag ginawa ko iyon. Ang nipis kasi ng suot niya.


"Assuming pala, ah?" akmang tutuklawin niya ang matamis kong labi. Mabuti na lang at agad akong nakaiwas. Iyong bakal tuloy iyong nahalikan niya. "Talagang, ikaw pa ang umilag?" aniya habang pinupunasan ang kanyang bibig.


"Nakakadiri! Sa kulungan pa talaga kayo nagharutan!" wika ng ama noong babaeng naghahagulgol sa pag-iyak.


Makalabas lang talaga ako sa piitan, babangasin ko talaga iyong mukha ng lalaking iyon. Tatandaan ko ang itsura niya. Kaso, hindi ko ma-xerox. Nakatagilid kasi siya at nakatingin sa kanyang anak. Bakit hindi niya kaya lapitan. Tanga lang?


Lalapit na sana iyong lalaki, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dumukot siya sa bulsa at sinagot iyong tumatawag.


"Napatawag ka? Salamat sa pagtulong sa aking an-" biglang namutla iyong lalaki at napansin kong nanginginig ang kanyang kamay. Pati ang girlfriend ni Eiluj, nakiusisa na rin.


"WHAT?! NO, KUMPADRE! HINDI IYAN TOTOO! HINDI AKO NANINIWALA SA'YO!" binalibag nito ang kanyang cellphone sa pader. Siguro kung iPhone iyong binato niya, manghihinayang siya. Palibhasa kasi, 3210 lang kaya ganoon lang kadali sa kanya ang itapon na lang basta iyon.


Napatingin sa akin ang girlfriend ng pare ko at maski siya ay nagulat sa nangyari. Naisip ko naman, kinakarma na sila dahil sa pagpapakulong nila sa akin.


"It is karma? Karma made you sad?" animo'y pang-aasar ang tanong na iyon ng babe ni Eiluj. Gusto ko mang tumawa, subalit umiiyak na iyong lalaki. Pakiramdam ko'y may namatay sa pamilya niya o hindi kaya ay isang kaibigan.


"Faye, stand-up. Your Mom is dead," napahawak sa kamay ko ang girlfriend ni pare, at nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Imbes na sa masamang balita ako magulat, sa iba ako napatingin. Bigla ba namang may kumapit sa aking magandang babae na may kakaibang alindog.


"Ma, my Mom? Is dead?" hindi makapaniwala iyong babae sa balita ng kanyang ama. Naisip ko na sobrang bilis naman ng karma para sa kanila. Hindi ganoong karma ang gusto kong mangyari. Naaawa ako sa tuwing makakarinig ng ganoon. Kahit nga makapanood, ayoko rin. Nararamdaman ko kasi iyong sakit na nararamdaman ng mga naulila.


Tumayo iyong babae at lumapit sa kanyang ama. Nagyakapan sila ng mahigpit at nag-iyakan. F*cking shitzu talaga! Bakit kailangan sa harap ko pa sila mag-iyakan! Naaalala ko tuloy iyong pinakamamahal kong Lolo. Mabuti na lang at may iba akong nakikita. Natatawa na naman ako.


Pagkatapos nilang mag-iyakan. Lumapit sa akin iyong babae at lumuhod. "I am Faye Mendoza. And I am sorry for what I've done to you. I saw my big brother in your presence after you kissed me. Kaya sobra akong nabahala noong makita ko sa cctv na may dalawang babaeng lumapit sa iyo. Saka..." inalis ko iyong kamay ng girlfriend ni Eiluj sa braso ko at umupo ako.


"It's okay," matipid kong sagot.


Inalalayan kong tumayo iyong babae. "Saka... hindi ko binalak na ipakulong ka. Oo at gusto kong maging akin ka. Kahit maling paraan, gagawin ko. Subalit, napagtanto ko. Hindi ko maaaring makuha ang pag-ibig ng isang lalaki sa marahas at madaliang na pamamaraan. Patawarin mo sana ako, Mr. Brett Topacio."


Pagkatapos magsalita ni Faye. Tinalikuran na niya ako, at umalis na sila ng kanyang ama. Kung hindi siya ang nagpakulong sa akin. Sino? Sino ang may lakas ng loob para ipakulong ang isang poging habulin ng mga babae!


---

NOM's note: Kung hindi si Faye? Sino?

---

Time Published: 10:10pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now