H1.3

38.8K 169 18
                                    

Pang-apat na Hagood!

BABE o PARE?


PAGLINGON ko sa paligid, mga lalaking naka-longsleeves ang nakita ko. Pero iyong narinig ko, boses ng babae.


"Hoy Brett!" kinilabutan na ako nang tawaging muli ang pangalan ko.


Pumikit ako at nagdasal. At habang ako ay nagdarasal, "Hoy kumag!" biglang may bumatok sa akin ng sobrang lakas. Sa lakas ng pagkakabatok na iyon, muntikan ko ng masapak iyong taong iyon.


"Gag... Oh, ikaw pala iyan babe!" binatukan akong muli ng taong tumawag sa akin.


"Babe? Ang kapal ng mukha mo talaga! Puwede ba, Brett! Hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo! Saka puwede rin ba, hindi ako babae! Lalaki ako!" singhal niya sa akin. Ano ba ang magagawa ko? Eh, kahit mukha siyang lalaki. Babae pa rin siya para sa akin.


Nanlisik ang mata ko sa sinabi niyang iyon, "Eh, ano ang tawag mo d'yan? Wala naman kaming ganyan." Nakanguso kong tinuro ang dibdib niya.


"Bastos ka talaga!" Siniko ako sa sikmura, "F*ck! Gutom na iyong tao, siniko mo pa!" nagkunwari akong nasaktan ng sobra kaya napaluhod ako sa kalsada.


"Sorry, Brett! Masakit ba?" nakapikit ang isang mata ko ng tignan ang mukha nito. Mukhang nag-alala siya, kaya ang ginawa ko'y pinagpatuloy ko ang drama.


"Hindi ko alam, ang bigat pala ng kamay mo," sambit ko, habang umiinda ng sakit.


Inalalayan niya ako, "Sigurado bang hindi ka pa kumakain? Eh, nakita kitang bumaba ka sa taxi," seryosong wika niya.


Tumango-tango ako, pero iyong mata ko nakatingin sa dibdib niya.


"Gusto mo bang kumain?" tanong niya.


Tumango-tango ulit ako, pero still, nakatingin pa rin ako sa dibdib niya.


Humakbang kaming dalawa papasok ng 7-eleven. Mabuti na lang at nakita ako ng kaibigan ko. Makakalibre ako ng midnight snack.


Binuksan nito ang pinto, "F*ck!" hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan. "Nasaktan ka ba, Brett?" tanong niya. Pero ang hindi niya alam, kaya ako nauntog ay dahil sa hinaharap niya ako nakatingin.


Pinaupo niya ako sa bangko, "Ano ba ang gusto mong kainin, pare?" tanong nito.


"Kahit ano, basta galing sa iyo," matamis kong sagot sa kanya.


Binatukan na naman ako ni babe, este ni pare. "Binigyan mo na naman ng malisya ang sinabi ko," wika ko.


Tinapik-tapik ako nito sa likod, "Pare, kilala na kita. Hinding-hindi mo ako madadagit sa mga salita mong ganyan. Baka akala mo, hindi ko napansin na kanina ka pa naglalaway sa dibdib ko," natatawang hinawakan nito ang kanyang dibdib, "Muscle ito, pare! Muscle!" sa isip-isip ko, ang suwerte nang kamay. Kung kamay ko iyon? Naku, patay siya!


"Ibig sabihin..." tinakpan nito ang bibig ko. "Tumigil ka! Ikaw itong malisyoso! Hindi porque, hindi kita sinita sa ginawa mo, eh, ibig sabihin, gusto ko na! Fact you ka pare!" buwisit niyang wika.


"Kunwari ka pa," napansin kong namula ang kanyang mukha, "Oh, kitam! Para kang kamatis na may bigote ngayon!" natatawang sabi ko sa kanya.


Lumapit ang security guard sa amin, "Ma'am, Sir, kung maglalandian po kayo rito, puwede po ba sa labas na lang? Kasi kitang-kita sa CCTV ang ginagawa ninyong paghaharutan," sita nito sa amin.


"Manong guard, hindi po ako Ma'am! Lalaki rin po ako," sabay tayo sa bangko at lumapit sa guwardiya. Siya pa talaga ang maangas, gayong kami ang nakakaistorbo sa tindahan. "Saka bibili po kami, okay? Pinag-uusapan lang namin kung ano ang kakainin namin," wika niya, sabay balik sa bangko.


"Palusot ka!" wika ko at nag-apir kaming dalawa.


"Pasensya na po," wika ng sekyu at lumabas na ito para magbantay sa labas.


"Ano ba kasi ang kakainin natin? Bilisan mo na at ako ay inaantok na."


Nag-isip ako ng kakainin. Pero gusto ko, siya ang aking kakainin.


---

NOM's note: May bagong karakter po sa istorya. Sino kaya iyon? Babe o Pare?

---

Time Published: 2:20am


HAGOOD!Where stories live. Discover now