Hagood Special I (Public)

6.8K 42 87
                                    

Espesyal na Hagood I


A few months later


Naglalakad ang mag-babe na sina Brett at Eiluj sa seaside ng Mall of Asia. Aabangan ng dalawa ang paglubog ng araw. Dahil naniniwala ang magkarelasyon na kapag sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw, magiging masaya at matagal ang isang relasyon.


"Masaya ka ba sa akin, babe?" hinawakan ni Brett ang kamay ng kanyang nobya. "Huwag mo na isipin iyong pagbabanta sa iyo ng ex mo. Hindi lang siguro niya matanggap na ikaw ang pinili ko, at hindi siya," nakangiting wika nito.


Pilit ang ngiting ipinakita ni Eiluj sa kanyang nobyo. Animo'y may gusto itong sabihin, subalit nauunahan ng takot sa kung ano ang magiging reaksyon ni Brett.


"Tignan mo iyong isda, babe!" napatingin sa gawing dagat si Brett. "One point!" sigaw ni Eiluj ng makaisang halik sa pisngi ng nobyo. Nagbiro lang pala ang dalaga, dahil gusto nitong magnakaw ng halik sa binata.


"Ikaw ah!" kiniliti ni Brett ang nobya. "Pabawi ako! Pabawi, babe!" pinilipit na maarok ng binata ang labi ni Eiluj, subalit panay ang iwas ng dalaga. Muntikan pa silang mahulog sa batuhan dahil sa paghaharutan. Mabuti na lang at nahawakan ni Brett sa baywang si Eiluj.


"Ano ka ba, babe! Muntik na tuloy tayo madisgras-" napapout si Eiluj nang bigla siyang nakawan ng halik ni Brett sa labi. "Naisahan mo ako doon, ah!" sabay bawi nito sa nobyo.


"Ayoko nang matapos ang araw na ito, babe," sambit ni Eiluj sa isip bago kumawala ang labi ng nobyo sa kanya.


"Masuwerte ako at ako ang iyong first kiss, at sisiguraduhin kong, ako rin ang magiging last kiss mo, babe," usal din ni Brett bago maghiwalay ang kanilang mga labi.


Ilang segundo rin ang itinagal ng paghahalikan ng dalawa. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan sila ng ibang magkarelasyon na nag-aabang din sa paglubog ng araw.


Unti-unti ng lumulubog ang araw. Nakatutuwang pagmasdan ang mga itsura ng mga magkarelasyon sa seaside. Mayroong teary eyes, iyong iba naman, sobrang higpit kung makayakap. Akala mo'y may aagaw sa nobyo nila.


"Ito ang unang araw na magkasama nating napapanood ang sunset," wika ni Brett habang nakayakap sa baywang ng nobya. "Tandaan mo, babe. Ano mang pagsubok ang dumating sa ating relasyon, hindi tayo bibitiw. Magkasama nating haharapin at lalaban ang bawat pagsubok na iyon."


Napatingin si Eiluj sa kanyang nobyo na seryoso ang mukha ng mga oras na iyon. "Naniniwala akong hindi mo ako pababayaan. Naniniwala rin ako na hindi ka basta maniniwala sa kung ano ang maririnig mo sa ibang tao. Nagbago ako para sa iyo, dahil mahal kita," dahan-dahan lumingon pa-kanan ang mukha ng binata. Nakita nito ang nobya na may luha sa mata.


Pinunasan ni Brett ang luhang umagos sa pisngi ni Eiluj. "Ang magandang babae na gaya ng girlfriend ko, hindi dapat umiiyak. Kalimutan mo na iyong bad vibes sa buhay mo. Move on, babe. Isipin mo na lang. Isang masayang alaala ang iyong nakaraan," sabay halik nito sa noo ng nobya.


"Kung alam mo lang ang katotohanan. Sigurado akong kamumunghian mo ako," nakapikit na usal ni Eiluj.


"Kuya, Ate, bili na po kayo ng sampaguita," naudlot ang paglalambingan ng dalawa nang may lumapit sa kanila na dalawang bata.


"Alam ninyo istorbo kayo!" pabirong ginulo ni Brett ang buhok ng dalawang bata. "Magkano ba iyan? Bibilhin ko na lahat!" inilabas ng binata ang kanyang pitaka.


"Tatlong daang piso po, Kuya," sambit ng batang lalaki.


Napakamot sa ulo si Brett. "Naku, sampung piso na lang pala itong pera ko. Mawawalan kami ng pamasahe kapag binili ko ang lahat ng sampaguita ninyo," wika nito na napapailing pa.


Pasimpleng natawa ang nobya ni Brett. "Ate, ikaw na lang po kaya magbayad ng kulang ni Kuya? Tutal, maganda naman po kayo, at guwapo siya," wika ng batang babae.


"Hindi mo na kailangang sabihin iyan sa babe ko. Maganda naman talaga siya, at alam ko naman na guwapo ako. Kaya heto ang sampung piso. Isa lang muna," inabot ni Brett ang bayad nito sa batang lalaki. "Sa susunod na makita ninyo kami rito, papakyawin ko na ang lahat ng tinda ninyo. Promise iyan!" tinaas ni Brett ang kaliwa niyang kamay, bilang patunay ng kanyang pangako.


"Hindi po kami naniniwala sa iyo, Kuya," sabi ng batang babae.


"Bakit naman?" tanong ni Eiluj.


"Eh, kasi po, kaliwang kamay ang itinaas niya. Dapat po kanan," napahalukipkip at sumimangot iyong batang babae. "Oo nga po. Sinabi na rin sa amin iyan. Pero ano po ang nangyari? Walang bumalik kahit isa," wika naman ng batang lalaki.


"Pasensya na kayo mga bata, ah? Short kasi kami ngayon," paghingi ng tawad ni Eiluj sa mga bata.


"Okay lang po, Ate. Basta tandaan po ninyo. Short din ang itatagal ng relasyon ninyo!" sabay takbo ng dalawang bata palayo sa kanila.


---

NOM's note: Ano kayo lovers? Hahahahaha!

---

Time Published: 4:40pm





HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon