H5.1

10.1K 61 48
                                    

Panglabing walong Hagood


Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasabihin ko kay Mama ang pinakatatago kong sikreto.

"Ano po ang tanong ninyo, Ma?"

Muli niyang sinarado ang kurtina at pakapa na naglakad - pabalik sa upuan.

"Lalaki ka bang talaga?" diretsahang tanong ni Mama pagkaupo nito.

"Hindi po," walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanya. Tutal, iyon din naman ang ipagtatapat ko sa nanay ng pinakamamahal kong babae.

"Sinasabi ko na nga ba," matipid na sagot nito.

"Kailan pa po ninyo alam, Ma?" tanong ko.

Napansin kong napangiti siya at hinawakan niya ako sa kamay.

"Matagal ko ng alam, Julio. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka. At tanungin sa bagay na ito."

Pakiramdam ko'y naunahan ako ng pagkakataon. Subalit, wala namang kaso iyon para sa akin. Dahil sasabihin at sasabihin ko rin naman kay Mama ang lahat-lahat.

"Ganoon po ba, Ma? Maiba po ako. Ano po pala iyong sasabihin ninyo sa akin?" hindi na siguro kailangan pang pahabain ang diskusyon patungkol sa katauhan ko. Dahil ang pinaka-highlights sa usapan namin, ay ang sasabihin ni Mama sa akin.

"Ipangako mong sikreto lang ito - hanggang kamatayan." Napatayo ako sa narinig kong iyon. Ganoon ba kabigat ang sikretong ibubunyag ni Mama sa akin? At kailangan pa naming dalhin hanggang sa huli?

"Ma, kinakabahan po ako sa sikretong iyan."

"Bakit ka kakabahan? Dapat nga ay matuwa ka pa sa sasabihin ko."

"Ma, bakit po ako matutuwa? E, sabi ninyo, kailangan nating isikreto ang sasabihin ninyo hanggang-" natigilan ako sa pagsasalita ng takpan iyon ni Mama.

"Huwag ka munang maingay, Julio. Hayaan mo muna akong sabihin sa iyo ang sikretong matagal ko nang itinatago. At sigurado naman akong safe at talagang isasama mo sa kabilang buhay ang ibubunyag ko."

Kinakabahan talaga ako.

"Sandali lang po, Ma. Kukuha po muna ako ng tubig."

Dali-dali akong tumayo at hindi na hinintay pa ang isasagot ni Mama. Para bang natuyuan ang buo kong katawan, kahit na pawis na pawis na ako - dahil sa tensyon na bumabalot sa pagitan naming dalawa.

Pagkarating ko sa kusina, "Ano ba talaga iyong ibubulgar ni Mama? At bakit parang masaya pa siya sa sasabihin niya?" mahinang sambit ko habang nakahawak sa refrigerator.

Pumikit ako at inisip na sana ay isang panaginip na lang pala ang lahat.

"Hanggang ngayon ba, Julio, naguguluhan ka pa rin? O, nagtataka ka kung bakit ako masaya? Alin sa dalawa? Sabihin mo, anak?"


---

NOM's note: Anak ng ina ni Scarlett si Julio? Weh? Hahahahaha! Abangan!

---

Time Published: 11:15pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now