H5

11K 70 66
                                    

Panglabing pitong Hagood

Tunay na Julio


Julio's POV

Hindi pa rin ako makapag-move on sa sinabi ni Mama. Kaya pala ganoon na lang kung pagbigyan ng aking girlfriend ang kanyang boss.

"Pare, magkita tayo bukas sa Cubao Farmers! Magreply ka, kapag natanggap mo itong text ko!"

Binasag ng text na iyon ang katahimikan ko sa loob ng kuwarto namin ni Scarlett. At doon, nalaman kong - iba pala ang cellphone na nasa aking bulsa.

"Oo nga pala, Pare! Isama mo ang babe mo! Kapag hindi mo sinama, makakatikim ka ulit ng bangis ni Brett!"

Kapal talaga ng mukha ng Brett na iyon! Feeling niya naman - nagustuhan ko ang halik niya sa akin. Pero, totoo, nagustuhan ko nga ang halik ng pare ko. At iyong halik niyang iyon. Ang siyang nagpagulo ng aking isipan at pagkatao. Para bang kinuryente ng kanyang mga labi ang buo kong katawan.

"Gusto kita..." sabay bura sa write message. "May aaminin ako sa'yo pare..." bura ulit. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko kay Brett! Nabubwisit ako sa totoo lang! Ayokong magmukhang bakla sa paningin ng marami. Postura ko pa lang, mas mukha na akong lalaki kay Brett. Kaya nga pati ang Mama ni Scarlett ay nagulat sa isinambulat kong sikreto.

"Ma, may sasabihin ako."

Bigla ko tuloy naalala 'yong naging usapan namin ni Mama.

"Julio, may kailangan kang malaman."

Nang bigkasin ni Mama ang salitang iyon. Nakaramdam na agad ako ng lungkot sa aking puso. Oo at mukha akong lalaki. Ngunit, kahit ikaila ko, babae pa rin ang puso ko. At ibang parte ng katawan ko.

"Sige, Ma. Kayo na po ang mauna."

Naramdaman ko ang buntong-hininga ni Mama - bago ito magpatuloy sa pagsasalita.

"Bago ko sabihin ang sasabihin ko, Julio. Nais kong malaman. Mahal mo ba talaga ang anak ko?" mahal ko si Scarlett. Kaya hindi na dapat pang itanong ang bagay na iyon sa akin.

"Oo naman po, Ma."

"Mabuti kung ganoon, Julio."

Animo'y nambibitin pa si Mama.

"Ano po ba iyong sasabihin ninyo, Ma? At bakit parang kinakabahan po ako?"

Hinawakan ni Mama ang mukha ko, "Ang init ng iyong luha, Julio. Ramdam ko ang pagmamahal mo sa anak ko. Ang luhang dumadampi ngayon sa aking mga daliri, luha ng pighati at galit..." kinikilabutan ako sa mga sinasabi ni Mama. "At, ipagkait man sa iyo ni Scarlett ang kanyang katawan. Ang importante, ikaw ang mahal niya."

Mahal? Kung talagang mahal ako ni Scarlett, hindi na niya muling uulitin pa ang nasaksihan ko noon. Kung sabagay, hindi naman siya humingi ng tawad sa akin. At sinabi niyang, kailangan niyang gawin iyon. Ngunit, hindi pa rin tama.

"Ma, diretsahin na po ninyo ako. Ano ang dapat kong malaman?" Tumayo ito at naglakad papunta sa bintana.

"Sigurado akong alam mo kung saan naroon ang anak ko. At alam ko rin na alam mo - kung sino ang kasama niya ngayon..." alam kong ang boss ni Scarlett ang kasama nito. Pero bakit kailangan pa iyon sabihin ni Mama? "Siguro ay nasasaktan ka ngayon. Siguro rin ay iniisip mo, na sana, ikaw ang kasiping ng anak ko."

Konti na lang at malapit na akong magwala. Pero dahil sa malaki ang respeto ko kay Mama, hindi ko magagawang magalit kay Scarlett. Dahil ayokong masaktan ang damdamin ni Mama.

"Ma..."

"Julio. May tanong ako sa'yo."


---

NOM's note: Bitin na naman!

---

Time Published: 12:33pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now