H8.2

4.7K 44 50
                                    

Pangtatlumpung Hagood


Naguguluhan ako. Bakit parang may mali? Bakit, hindi ako kumbinsido sa sagot ng babae na siya nga ang nagpakulong sa akin? Iba ang nararamdaman ko.


Ilang minuto akong nanahimik, hindi ako kumikibo, at pinagmamasdan lang iyong dalawang babae na nasa aking harapan. Kapwa sila hindi rin nagsasalita. Tanging mga mata lang nila ang nag-uusap. Gusto ko malaman, kung siya ba talaga ang may pakana.


"A-anong oo na? So, ikaw nga ang nagpakulong sa kaibigan ng boyfriend ko?" tumalikod saglit ang girlfriend ng pare ko, at humawak ito sa rehas. Animo'y uupakan niya iyong babae. "Babangasin ko ang mukha mo, kapag hindi mo pinalaya itong kaibigan ni Julio!" Nakaduro niyang wika habang nakakuyom naman sa rehas ang isang kamay nito.


Ganoon ba ako kaimportante para kay pare? Pati ang girlfriend niya, tinutulungan ako, pinagtatanggol ako. Pakiramdam ko tuloy, very important person ako sa kanila. At handa silang makipag-away para ako ay makalaya. O, baka nag-iimagine lang ako? Nananaginip lang kaya ako?


Inuntog ko ang ulo ko sa rehas, masakit pala. Mabuti na lang at hindi ko gaanong nilakasan. Dahil kung hindi, putok sigurado. Natawa na lang tuloy ako sa ginawa ko.


"Hindi ka sasagot? Iiyak ka na lang d'yan? Hoy! Huwag kang pabebe! Hindi ka na bata, hoy! Ikaw itong mas matanda sa amin, ikaw pa itong hindi makaunawa! Hindi ka ba nakokonsenya? Pinakulong mo ang isang taong, wala namang ginagawa sa iyong masama? Ako na nagsasabi sa iyo. Pakawalan mo itong kaibigan ng boyfriend ko, o, kakarmahin ka, pati ang pamilya mo!"


Grabe! Pinapahanga talaga ako ng babe ni pare. Kung kagaya lang niya ang magiging girlfriend ko? Hayahay ang buhay.


"Enough na! Sumusobra ka na sa anak ko!" binasag ng sigaw ng lalaki ang masayang panonood ko. "Doon ka!" sabay sagi nito sa girlfriend ni Eiluj.


"Hoy, sir! Hindi naman tama na sagiin mo itong babae," wika ko.


Dinuro ako no'ng lalaki, "Hoy, ikaw! Ikaw ang punu't dulo kung bakit nagkakaganito ang anak ko! Dahil sa'yo, nagkanda-leche leche ang pag-iisip niya!" bulyaw nito sa akin.


"Wow ah? Ako pa talaga? Ano ba ang ginawa ko sa anak mo? Siya itong humalik sa akin! At dahil sa lalaki ako, pinatulan ko-" biglang hinablot ng lalaki ang kuwelyo ng polo ko. "Ang angas! Ang tapang talaga!" sambit ko habang nakatutok sa akin ang galit na kamao niya.


"I warned you! Stay away from my daughter!" hindi ko alam kung tatawa ba ako, o maiinis sa mag-ama na ito. Sila na nga itong nag-akusa sa akin, sila pa ang ganang magbanta. Saka nasa loob ako ng kulungan, paano ko malalapitan ang anak niya? Nakakagago lang!


"Ana-" napaismid ako nang biglang sumingit sa usapan ang girlfriend ng pare ko.


Tinapik-tapik ng babe ni Eiluj ang ama ng babae sa dibdib at inalis niya ang kamay nito sa kuwelyo ng damit ko. "Anak mo ang pagsabihan mo! Siya ang may kasalanan kung bakit nakakulong itong kaibigan ng boyfriend ko!" sabay turo sa akin. Tumama pa nga iyong daliri niya sa ilong ko. "Kapal ng mukha ninyong mag-ama! Kayo na nga itong nagbibintang, kayo pa itong may ganang magbanta sa isang taong inosente!" napansin kong epic ang pagkakasabi niya ng kanyang salita, dahil sa kulangot na sumabit sa dulo ng daliri nito. Pati tuloy ako, palihim na natawa.


"It is true, Faye?" tanong ng lalaki sa kanyang anak.


---

NOM's note: Relax lang, Brett! 'Yong laway, tumutulo! Hahahahaha!

---

Time Published: 10:55pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now