H7.1

6.4K 45 35
                                    

Pangdalawampu't limang Hagood


Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyong tumatawag o pupuntahan na muna namin si Brett at siya na lang ang kakausap sa kapatid nito. Ngunit, nakaka-apat na itong tawag sa cellphone.

"ANO BA KUYA! BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT ANG TAWAG KO!" muntik ko nang mabitawan ang cellphone sa pambungad na salita na iyon ng kapatid ng pare ko.

"Hello po? Si Eiluj po ito. Kaibigan po ni Brett," mahinahon kong sagot sa telepono. Subalit hindi kumalma ang nasa kabilang linya.

"SINO KA? AT BAKIT NASA'YO ANG CELLPHONE NG KUYA KO?" gusto ko man sabihin na relax lang, hindi ko magawa. Nakararamdam ako ng kakaiba sa tono ng pananalita ng kapatid ni Brett. Hindi ko tuloy masabi ang nangyari sa kuya niya.

"A-ano kasi..."

"ANO BA! WALA AKONG PANAHON MAKIPAGBIRUAN! NASAAN SI KUYA BRETT!" Galit na galit na ang nasa kabilang linya. Siguro ay kailangan ko nang sabihin ang tunay na nangyari sa kapatid niya.

"H-hinuli si Brett ng pulis," bigla akong napapikit at napaluha. Para akong nasaktan - pagkatapos kong sabihin iyon. Ngunit, may mas matindi pa palang nangyari bukod sa pagkakahuli sa pare ko.

"BAKIT?! ANO ANG KASALANAN NG KUYA KO?! SAAN SIYA NAKAKULONG?" kalma lang please! Kalma lang! Subalit, hindi ko masabi. "P-PAKISABI NAMAN KAY-" napalitan ng hikbi ang animo'y sumisigaw kani-kanina lang. May kutob ako, kutob na sana ay mali.

"Hello po? Ano po 'yong ipinapakiusap ninyo?" kinakabahan talaga ako. Palakas kasi nang palakas ang hikbi na naririnig ko mula sa kabilang linya. Hanggang sa makarinig ako ng ibang boses.

"HELLO! PAKISABI SA PASAWAY NA KAPATID NAMIN, WALA NA ANG MAGULANG NAMIN! NAAKSIDENTE SILA, KAYA KUNG MAAARI, PAKISABI PUMUNTA AGAD SIYA RITO SA MORGUE!" Nabingi ako sa aking narinig. Bakit ganito? Bakit parang sunud-sunod ang dagok na dumarating sa buhay ng pare ko? Sinasadya ba talaga ng tadhana ang ganito? O nagkataon lang? Bakit sobra akong naaapektuhan? Ano ko ba si Brett? Kaibigan ko lang naman siya.

"Ano po? Naaksidente ang mga magulang ninyo?" nais kong makasigurado. Kahit alam ko sa sarili kong, hindi sila nagbibiro.

"BINGI KA BA? SA TINGIN MO BA'Y MAY ORAS PA KAMING MAGBIRO? ITETEXT NA LANG NAMIN KUNG SAANG MORGUE SIYA PUPUNTA. PAKISABI PUMUNTA SIYA AGAD AT HUWAG NA UNAHIN ANG PAKIKIPAGLANDIAN!" alam kong boses babae ako sa telepono, ngunit, hindi nakikipaglandian ang kapatid nila.

At doon natapos ang usapan namin ng dalawang kapatid ni Brett. No'ng una, hinuli ng pulis. Sumunod, naaksidente ang mga magulang niya. Ano na lang kaya ang mararamdaman ng pare ko, kapag nalaman na nito ang masakit na balita.

"Julio?" dahan-dahan akong lumingon sa tumawag sa akin. "Are you okay, babe?" tanong nito sa akin.

Ngunit, hindi ako makapagsalita. Nakatakip lang sa bibig ko ang dalawang kamay ko - hawak ang cellphone ni Brett.

"Narinig ko, babe." Nanlaki ang aking mata at napayakap ako sa girlfriend ko. "Babe... kung mahal mo siya, magpaparaya ako. This time. Ako naman ang uunawa sa nararamdaman mo. Alam kong naging selfish ako sa naging relasyon natin," paano napasok ang relasyon namin sa nangyayari sa buhay ni Brett? Hindi porque umiiyak ako at nasasaktan, e, mahal ko na iyong tao. Pero, mahal ko na nga talaga ang pare ko.

Kumalas ako at hinawakan sa balikat ang girlfriend ko. "Babe, hindi ko siya mahal! At hindi mo kailangang magparaya, dahil wala talaga! Hindi ka selfish, babe! Hindi! Kaya, ayokong isipin mong, nasasaktan ako sa kung anuman ang nangyayari sa'yo. Tanggap ko kung ano ka. Tanggap ko kung ano ang mayroon ka! Kaya stop connecting me kay Brett!" sabay punas ng aking mga luha na walang humpay sa pag-agos.

"Tara na! Puntahan na natin ang pare ko!" hindi ko na hinintay pa ang sagot ng girlfriend ko at hinigit ko na ang kamay nito. Nasaktan man siya sa biglang hila ko, sorry. Dahil totoong nasasaktan na ako.

"At saan kayo pupunta?" Napahinto kaming dalawa nang biglang may humarang sa aming babae at may mga kasamang security guards.


---

NOM's note: Ano ka ba naman pare! Umamin ka na kasi!

---

Time Published: 2:05am


HAGOOD!Where stories live. Discover now