H6

9.7K 58 94
                                    

Pangdalawampung Hagood

KONDISYON


3rd person's POV

Huli sa akto ang paghahalikan nina Brett at Faye sa loob ng opisina ng mall.

"Dad?" nanlaki ang mata ni Faye nang makita ang kanyang ama na sorpresang bumisita sa kanilang opisina.

"Who's that guy, Faye? Don't tell me-" pinutol na agad ng babae ang sasabihin ng kanyang ama at mabilis itong lumayo kay Brett.

"He is not my boyfriend, dad. And he is not my type." Wika nito.

Natatawa na lang si Brett sa pag-uusap ng mag-ama.

"O, wait. I think I know him," lumapit ang ama ni Faye sa tumatawang si Brett. "Sinasabi ko na nga ba. Ikaw 'yong lalaki sa bus." Napatingin ang binata at napaatras ng ilang hakbang.

"Really dad? Nakita mo na siya? When? Where? At bakit sa bus?" pag-uusisa ni Faye.

Hinila ng lalaki ang kanyang anak at ipinuwesto sa bandang likuran. "I think you're right, sweetie. Hindi siya ang tipo ng lalaki na dapat magustuhan. Dahil bukod sa mayabang. Mukhang bastardo pa ang pag-uugali n'yan."

"Teka..." nag-ayos ng polo si Brett. "Parang hindi ko po yata nagugustuhan ang tabas ng dila n'yo, sir. Una sa lahat, hindi ako ang unang humalik sa anak n'yo." Nakangising sambit nito.

"Is it true, Faye?" umiling-iling ang babae. "Sumagot ka!" biglang tumakbo papunta sa comfort room ang babae at sinarado nito ang pintuan.

Nagbigay ng babala ang ama ni Faye bago nito sundan ang anak.

"Hindi pa tayo tapos. Dahil kapag may ginawang hindi maganda ang anak ko. Ipapahanap kita! Tandaan mo 'yan!"

"Hihintayin ko po ang araw na 'yon, sir!" Natatawang sabi ni Brett at lumabas na ito ng opisina.

Pagdating ng lalaki sa harap ng comfort room. Narinig nito ang malakas na hikbi ng anak.

"Don't cry baby. I know na hindi mo 'yon magagawa. Kilala kita, Faye." Nag-aalang wika ng lalaki.

"NO DAD! IT'S TRUE! AKO ANG UNANG HUMALIK SA KANYA!" pakiramdam ni Faye ay na-love at first sight siya sa binata.

"Do you love him?" tanong ng lalaki.

Tumango si Faye na nasa loob ng banyo. Subalit, hindi iyon nakikita ng kanyang ama.

"ANSWER ME, FAYE! DO YOU LOVE-"

"YES DAD! I LOVED HIM!"

Napasalampak sa sahig ang lalaki sa sagot na iyon ng kanyang anak. Hindi ito makapaniwala na umiibig na ang kanilang anak.

"Why, Faye? Kakakilala mo pa lang sa kanya d'ba? Saka, ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak natin? Ng mga kumpadre ko? Ng mga kasosyo ko sa negosyo? Lalaitin nila ako anak!"

Binuksan ni Faye ang pinto ng banyo at nakita nito ang ama na nakasandal sa dingding. Kapwa sila may luha sa mga mata.

"Why you're crying, dad? Dapat nga ay maging masaya ka. Dahil sa wakas, nakita ko na ang lalaking nagpatibok ng aking puso. Oo at kakakilala ko pa lang sa kanya. Ngunit, in the first glance. Nabihag niya ang matigas kong puso. Saka nasa tamang edad na po ako, dad."

"Hindi dahilan ang tamang edad, Faye."

"Bakit hindi? Wala na sa kalendaryo ang edad ko, dad! Ilang taon na lang at menopause na ako! Gusto kong magkaroon ng anak. Gusto ko kayong mabigyan ng apo!"

Umupo si Faye at niyakap nito ang kanyang ama.

"Sorry dad. Sana ay mapatawad po ninyo ako. Ang dating matigas kong puso, ngayon ay naging marupok dahil sa kanya. Tulungan n'yo po akong maging akin s'ya."

"Faye, papayag ako sa gusto mo. At gagawin ko ang lahat para maging kayo. Pero sa isang kondisyon."

"Anong kondisyon, dad?"


---

NOM's note: Patay na naman ako! Este si Brett! Hahahahahaha!

---

Time Published: 4:07pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now