H4.2

14.2K 106 40
                                    

Panglabing-apat na Hagood!

Hey, Wortha!


Hinubad ni Brett ang tuwalya na nasa kanyang katawan. At doon, tumambad ang nakakatakam na katawan nito. Ngunit, hindi ganoon kalakihan ang katawan niya.

Humarap ito sa salamin at pinagmasdan nito ang hubad niyang katawan. "Iba ka talaga, Brett! Kahit hindi ka macho, marami naman ang natatakam sa iyo." Wika nito habang nakaharap sa salamin.

Parang tanga itong nag-pose pose na animo'y nasa isang patimpalak ng palakihan ng katawan. At nang mapagod na sa kalokohan niya, humiga ito sa kama at pinagmasdan ang kanyang katawan.

"Kung nandito lang ang babe ni Pare, sigurado, nasa ibabaw siya nito." Napapangisi nitong sabi. Umiral na naman ang pagkamanyak nitong si Brett. Hanggang sa mga oras na iyon, ang babe pa rin ni Eiluj ang iniisip nito. Mukhang nakalimutan na niya ang telepono na nasa bulsa ng pantalon na hinubad niya.

"Oo nga pala, iyong pantalon ko!" bigla itong tumayo sa kama at tumakbo palabas ng kanyang kuwarto.

"ANO BA 'YAN KUYA! HINDI KA MAN LANG NAGSUOT NG DAMIT!" Nagulat ang kapatid nitong si Royce ng makita siyang nakahubad. Pati ang pagsuot ng damit ay nakalimutan na - dahil sa kamanyakan.

"Sorry!" sabay takip sa kanyang pagkalalaki. Nahihiyang naglakad pabalik ng kuwarto si Brett at nang makapasok, kinuha nito ang tuwalya at itinapis sa kanyang katawan.

Pagkalabas ni Brett, tinawanan siya ni Royce. Tawa na hindi mo alam kung saan nanggagaling.

"Ano ang tinatawa-tawa mo d'yan? Siguro nagustuhan mo ang nakita mo no?" sabay abante nitong lakad palapit sa kapatid na nasa hagdanan ng sandaling iyon. Pero hindi nagpatinag si Royce. Humalakhak pa ito ng tawa.

"HOY KUYA!" Nagulat si Brett nang marinig ang sigaw na iyon ni Pinkie. "ANO NA NAMAN!" Balik na sigaw nito.

"ANG BASTOS MO! PATI KAPATID NATIN, PINAG-IINTERESAN MO! ISUSUMBONG KITA KANILA MAMA AT PAPA!" Natawa si Brett at pumamewang pa. "Bakit, Pinkie? Inaano ko ba si Royce?" tanong ni Brett.

"ANONG INAANO? TIGNAN MO NGA ANG SARILI MO! WALA KANG DAMIT!" Yumuko si Brett at nakita nito na wala ang tuwalya sa katawan niya. At paglingon niya sa pinto ng kanyang kuwarto, nakita niya ang tuwalya na nakaipit sa pintuan. Napamura si Brett at muling tinakpan ang kanyang pagkalalaki.

"Ano ka ba naman, Junior! Ang hilig mong magpakita!" Natatawang wika ni Brett ng pabulong.

Kinuha na ni Brett ang tuwalya, "Heto na at magtatapis na! Kunwari pa kayo, gusto rin naman ninyo ang nakikita ninyo!" litanya nito habang sinusukbit ang tuwalya sa kanyang katawan.

At nang matapos na niyang isukbit ang tuwalya, "ARAY!" sigaw ni Brett.

Ibinato ni Pinkie ang telepono na nasa pantalon ng kanyang kapatid, "KAHIT KAILAN KA TALAGA KUYA! KAHIT LUMANG PICTURES, PINAGPAPANTASYAHAN MO! WALA KANG KASING LIBOG!" Galit na galit ito sa kabalastugan ng kanyang kapatid. Hindi nito maatim na makasama si Brett sa iisang bahay. Kaya dali-dali nitong kinuha ang kanyang telepono at dinayal ang number ng kanilang magulang.

"Sino ang tinatawagan mo? Sila Mama? Baka akala mo, Pinkie, natatakot ako sa gagawin mo! Kahit magsumbong ka sa kanila na lumabas akong nakahubo, hindi sila maniniwala sa iyo! Alam mo kung bakit? Kasi isusumbong din kita sa kanila."

"At ano naman ang isusumbong mo, aber?" ibinaba ni Pinkie ang telepono nito at naglakad paakyat sa itaas kung saan naroon ang kanyang kapatid na si Brett.

"Nakita ko lang naman ang mga pads mo na nakakalat sa banyo! Sino ang sa tingin mo ang nakakahiya sa atin, Pinkie? Kababae mong tao, hindi ka marunong magtapon ng pinagreglahan mo!" sabay dampot ni Brett ng telepono na nasa sahig.

"Sigurado ka bang sa akin iyon? Ha!" Nagsigawan na ang magkapatid na Brett at Pinkie. Habang si Royce naman ay natatawa habang pinanonood sila.

"Ate Pinkie, Kuya Brett, tumigil na kayong dalawa. Saka tama naman si Ate Pinkie. Bakit kasi lumabas ka ng kuwarto mo, Kuya Brett ng walang saplot? Baka akala mo ikaw si Adam. At ikaw naman, Ate Pinkie. Walang masama kung aaminin mong sa iyo ang mga pads na nasa banyo. Imposible naman kasing sa akin iyon. Hindi pa naman ako dinadatnan. At imposible rin na kay Mama iyon. Menopause na siya."

Buwisit na pagmumukha ang mamumutawi sa mukha ng dalawa. Hindi sila nakapagsalita sa mahabang sinabi ng kanilang bunsong kapatid. Kapwa sila open minded. Hindi sila iyong mga taong, kapag nakakita ng hindi kaaya-aya, magsisisigaw o hindi kaya ay magsusumbong sa kanilang magulang. Oo nga at kabastusan ang paglabas ng hubo at babae pa ang nakakita. Pero hindi naman iyon sinasadya ni Brett.

Pagkalipas ng isang oras, nagbihis na ng uniporme si Pinkie at sabay silang lumabas ng kanyang kapatid na si Royce. Ibinilin din ng dalawa sa kanilang Kuya Brett ang bahay.

"Kawawa naman ang cellphone ni Pare, tumama sa matigas kong ulo." Wika ni Brett habang sinisiguro kung may nangyaring masama sa telepono. Mabuti na lang at may silicon case ang cellphone kaya hindi rin ito napuruhan ng bumagsak ito.

Nang masiguradong maayos ang kalagayan ng telepono, nagbihis na si Brett ng longsleeves at slacks na itim with black shoes. Disenteng-disente ang postura ni Brett pagkalabas nito ng kanyang kuwarto.

"Nasa sofa ang susi at kandado ng bahay! Pakiusap lang, Kuya Brett, isarado mong mabuti ang bahay!"

Naalala ni Brett ang pakiusap na iyon ng kanyang kapatid na si Pinkie. Nakangiti pa nga itong naglakad pababa. At nang makuha na ang susi at kandado. Nilibot niya ang kanyang tingin sa bawat sulok ng kanilang bahay.

"Mabuti na lang at nakangiti ako sa graduation picture ko. Hindi katulad ni Pinkie, parang nilukot na pandekot!" Natatawa ito nang isarado at kandaduhan ang pinto ng kanilang bahay.

"Ako ay lilisan muna. Babalik ako, at sisiguraduhin kong may magandang mangyayari sa akin ngayong araw!" Pamamaalam nito sa kanilang tahanan.

"Hoy pogi! Sino ang kausap mo d'yan?" napatingin si Brett si babaeng tumawag sa kanya ng pogi.

"Ako?" nakaturo sa dibdib na tanong ni Brett.

"May ibang pogi pa ba sa paligid?" nakangiting tanong ng babae.

Naglakad patungo sa kabilang bahay si Brett at nilapitan ang babaeng kumausap sa kanya.

"Alam mo ang ganda mo. At higit pa ro'n, para kang anghel na bumagsak sa lupa."

"Grabe ka naman, pogi. Bumagsak talaga?"

Hinawakan ni Brett sa siko ang babae at pinisil-pisil niya iyon.

"Ano ba ang pangalan mo?" interesadong tanong ni Brett.

"Tawagin mo na lang ako sa pangalang Wortha," sabay hawak ni Wortha sa tiyan ni Brett. "Malaman..." napakagat-labi ito - sabay kindat sa lalaki.

Nakaramdaman ng init ng katawan si Brett dahil sa ginawang iyon ni Wortha, "Actually, maghahanap ako ng trabaho. Saka alas-siyete pa lang nang umaga. Kung makapaghihintay ka, ma-" hindi na natapos ni Brett ang kanyang sasabihin nang biglang hawakan ni Wortha at kanyang pagkalalaki.

"Ako ang bahala. May irerekomenda ako sa iyong trabaho." Sambit ni Wortha at inanyayahan nito si Brett na pumasok sa kanyang tirahan.


---

NOM's note: Siguro naman ay mag-eenjoy na po kayo. Mahaba-haba itong part na ito. Dahil sa inyo, #5 na tayo sa ranking! Parang nabawasan ang katamaran ko sa pagta-type! Pero teka, sino kaya si Wortha? May mangyari kaya sa amin? Este kay Brett pala! HAHAHA!

---

Time Published: 10:20pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now