H4.1

15K 83 13
                                    

Panglabing tatlong Hagood!

Flappy Bird


Maagang nagising si Brett dahil sa sobrang kasabikan na makita ang kanyang Pare Eiluj. Hindi nito namalayan na mayroong miscall sa telepono. Agad kasi nitong ibinulsa ang telepono pagkadilat na pagkadilat ng kanyang mga mata.

"Mukhang maganda ang araw natin ngayon Kuya Brett, a?" napapangiting litanya ng kapatid nitong babae - pagkalabas nito sa pinto ng kuwarto niya.

"Maghahanap kasi ako ng trabaho," nahihikab na sagot ni Brett sa kapatid. "Saka magkikita kami ni Pare." Patuloy nito.

Naglakad palapit ang kapatid nito sa kanya, "Pare ba talaga kuya? Baka naman-" mabilis na hinawakan ni Brett ang noo ng kapatid, "Kung ano man iyang sasabihin mo, Royce. Ngayon pa lang. Sinasabi ko na sa iyo. Mali iyan." Natatawang wika nito at ginulo ang buhok na kapatid.

Nakangiting naglakad si Brett patungo sa banyo para maligo. At nang makapasok na ito sa banyo, agad niyang hinubad ang pantalon na suot. Pinagmasdan pa nito ang kanyang pagkalalaki na animo'y bato sa tigas ng umagang iyon.

"Mukhang excited ka na pumasok sa babe ni Pare a?" wika nito pagkahubad ng kanyang salawal. Ngising-ngisi ang itsura ni Brett habang nakatingin sa salamin. Naiisip na agad nito ang mangyayari sa kanila nang babe ni Eiluj.

"Lagot ka sa akin mamaya, babe!" sabay himas sa kanyang pagkalalaki. At nang makaramdam ng init ng katawan, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Pinaglaruan niya iyon habang iniisip ang babe ni Eiluj. Nanggigigil itong naglalaro ng mga oras iyon. At sa kalagitnaan ng kanyang paglalaro, biglang kumatok ang isa pa niyang kapatid na babae.

"KUYA BRETT! ANG TAGAL MO NAMAN D'YAN SA BANYO! BILISAN MO AT PAPASOK PA AKO SA ESKUWELA!"

Nataranta si Brett sa sigaw ng kanyang kapatid. Mabilis nitong kinuha ang tabo at nagbuhos ng sunod-sunod.

"Sandali lang, Pinkie! Heto na nga at malapit ng matapos!" Palusot na sigaw ni Brett.

Nabitin ito sa paglalaro. At nang matapos na magsabon, hinanap nito ang tuwalya, ngunit wala naman siyang dala.

"TUWALYA NGA!" Sigaw nito.

"KAHIT KAILAN KA TALAGA KUYA BRETT!" Padabog na naglakad patungo sa kuwarto ng kapatid si Pinkie at kinuha ang tuwalya sa likurang bahagi ng pintuan.

At nang makuha na ang tuwalya, patakbo itong bumalik at kinalabog ang pinto ng banyo, "HETO NA ANG TUWALYA!" Binuksan ng bahagya ni Brett ang pinto at inilawit ang kamay para kuhanin ang tuwalya na pinakuha niya.

Pagkakuha ng tuwalya, "HUWAG KA NA MAG-IMAGINE D'YAN KUYA! HINDI MO IYON MAKUKUHA!" Nabubuwisit na litanya ni Pinkie habang naghihintay sa labas ng banyo.

Isinukbit ni Brett ang tuwalya sa pako sa likod ng pinto at muling nagbuhos ng tubig.

"KUYAAAAAAAA! NANG-AASAR KA BA TALAGA! MALE-LATE NA AKO!"

"May banyo naman sa kuwarto ninyo ni Royce a. Bakit kailangan mo pa akong hintayin?" nilalamig na sambit ni Brett.

"BARADOOOO KUYAAAA!"

Natawa si Brett nang isigaw ng kanyang kapatid na barado ang banyo nila sa kuwarto. At dahil doon, nagpatuloy siya sa pang-aasar sa kapatid hanggang sa masagad na niya talaga ito.

"KUYAAAAAA BREEETTTTT! NATATAEEEEEE NA AKOOOOO!"

Humagalpak sa tawa si Brett at mabilis na kinuha ang tuwalyang isinukbit niya. Mabilis din nitong inilagay ang tuwalya sa katawan, at pagkatapos mag-tapis, dahan-dahan nitong binubuksan ang pintuan. Halatang nang-aasar talaga ito. At nang mapansin ni Pinkie na bahagyang bumukas ang pinto, dali-dali nitong hinila ang hawakan at binuksan ang pintuan.

"AKALA MO KUNG SINONG GUWAPO! SUPOT NAMAN!" Hinila ni Pinkie ang tuwalya - dahilan para mahubaran si Brett ng bahagya. Wala na itong nagawa, kaya lumabas na rin ng kusa itong si Brett.

Pagkalabas ni Brett, agad na pumasok si Pinkie at pabalibag nitong sinarado ang pinto.

"ANG BAHO NG TAE MO, PINKIE!" Natatawang sigaw ni Brett.

"MAS MABAHO ANG HININGA MO!" Balik na sigaw ni Pinkie.

Badtrip na badtrip ang kapatid ni Brett sa kanya, kahit nasa loob na ng banyo ito. Nanggagalaiti pa rin sa inis si Pinkie dahil sa tagal ng kanyang kapatid.

"BILISAN MO D'YAN, PINKIE! MALILIGO NA AKO!" Pang-aasar ni Brett habang kinakalabog ang pintuan ng banyo.

"BUWISIT KA KUYA! UMALIS KA NA D'YAN! NATATAKOT TULOY ANG MGA KAMUKHA MO LUMABAS!" Galit na sigaw ni Pinkie.

Nang maramdaman ni Brett na hindi na nagbibiro ang kapatid, umalis na ito at naglakad - pabalik sa kanyang kuwarto. At sa kanyang pagpasok, isinarado nito ang bintana at ini-lock ang pintuan.


---

NOM's note: Lakas mang-asar ni Brett! Parang ako lang, laging nabibitin!

---

Time Published: 10:30pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now