H8

5.3K 41 29
                                    

Pangdalawampu't walong Hagood

Surprise Visitor


Brett's POV

Pagdating namin sa Station 7. Dali-dali akong pinasok sa loob ng kulangan. Ni hindi man lang ako kinausap ng mga pulis o ng imbestigador. Hindi ko man lang naisalaysay at naitanong ang nais kong sabihin. Pakiramdam ko tuloy, natapakan ang pagkatao ko, higit ang pagkalalaki ko.


Maangas at matapang ako! Ngunit, noong posasan ako ng mga pulis, nawala ang yabang ko sa katawan. Animo'y kuting na nagmamakaawa na sana ay huwag akong iligaw. Ganoon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon habang nakahawak sa rehas.


"Kosa, mukhang naisahan ka ah?" Napatingin ako sa nagsalita. Puro siya tattoo sa braso, at sa ulo ay mayroon din. Mabuti at nakayanan ng anit niya ang karayom na naglalakad.


"Sa tingin ko nga, pare," sabay upo sa gilid ng rehas at hinawakan ko ang aking ulo habang ako ay nakasandal sa batong dingding. "Ewan ko ba, pare. Wala naman akong maisip na gagawa sa akin nito. Naghahanap lang naman ako ng trabaho at nakipagkita sa kumpare ko para kuhanin ang cellphone ko." Naluluhang paglalahad ko ng aking saloobin sa lalaking kasama ko sa kulungan.


Humakbang palapit sa rehas ang lalaki at hinawakan nito ng sobrang higpit ang mga bakal. "Ano ba ang kaso mo? At bakit hindi ka man lang pinaupo sa harap ni Inspector Felizidad? Alam mo bang ganyan din ang nangyari sa akin? Inakusahan akong nanggahasa ng isang biyudang babae! Inis na inis ako, kosa! Halos dalawang taon na akong nakapiit sa masikip kulungan na ito!" wika nito na may panggigigil.


Halata sa mukha at paglaki ng butas ng ilong ng lalaki ang sama ng loob. Pakiramdam ko tuloy, mangyayari rin sa akin ang nangyari sa kanya. Huwag naman sana.


"Nanggahasa raw ako," mabilis kong sagot. "Teka, maaari ko bang malaman ang itsura ng babaeng sinasabing ginahasa mo?" pag-uusisa ko sa lalaki.


Malalim na tingin ang isinukli ng lalaki sa akin, "Hindi na, kosa. Baka magulat ka lang." Nakangisi niyang sabi.


Bumalik sa double deck na higaan ang lalaki at patagilid itong humiga.


"Ano ba ang iyong pangalan, pare?" sinabayan ko ng pagtayo ang tanong kong ito.


"Just call me, Justin. Justin Barber," seriously? Ay, si Justin Bieber pala iyong singer. Magkatunog kasi ang kanilang apelyido.


Muntik na akong matawa sa pangalan ng lalaki, mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Dahil kung hindi, siguradong mauupakan ako ng wala sa oras.


Lumipas ang tatlong oras, wala pa rin sila Pareng Eiluj. Imposible namang hindi nila alam itong Station 7. Nagugutom na ako.


"Kosa, kung sino man iyang hinihintay mo. Darating siya in an hour," manghuhula ba siya? O nakikiramdam lang? Saka paano niya nalaman na may hinihintay ako?


Tinignan ko na lang si Justin at muling umupo sa gilid ng rehas. Sa puntong iyon, inihiga ko ang aking ulo sa dalawang tuhod ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng antok. Para bang may nangyari na hindi maganda. Ganoon kasi ang aking naramdaman no'ng nawalay si Lola at Lolo sa amin. Nasa palengke ako no'n at namimili, bigla na lang akong napaupo at nakatulog. Akala ng mga tao, nahimatay ako. Ngunit, ang hindi nila alam. Bigla na lang akong nakatulog. Kaya pagkagising ko, tumawag ang kapatid ko, namatay daw sa aksidente sila Lola at Lolo.


Malakas na ingay ang gumising sa akin. Sunud-sunod ang pagpukpok ng isang pulis sa rehas.


"Brett Topacio, may dalaw ka!"


"IKAW?!" nandilat ang aking mata ng may lumabas na babae na familiar ang itsura sa akin. Nagkita na kami at nagkausap. Ngunit, paano niya nalaman na hinuli ako ng pulis? At bakit alam niya ang buong pangalan ko? Hindi kaya, stalker ko siya?


---

NOM's note: Sino kaya iyong dumating? Stalker?

---

Time Published: 2:40am

HAGOOD!Where stories live. Discover now