H8.1

4.7K 39 32
                                    

Pangdalawampu't siyam na Hagood


Kumukulo ang dugo ko dahil sa babaeng nasa aking harapan. Pakiramdam ko'y siya ang may pakana kung bakit ako nasa loob ng kulungan.


"Siguro kayo ng ama mo ang nagpakulong sa akin! Bakit ninyo nagawa sa akin ito! Hindi kita ginahasa! Ni hindi nga kita hinubaran!"


Madiin at nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang matitigas na bakal na pumapagitna sa aming dalawa.


"Oo nga, hindi mo ako nahubaran. Ngunit, hinalikan mo ako! At isa iyong kasalanan!" Hinawakan niya ang aking mukha at nakita kong tumulo ang luha sa kanang mata nito. "Hindi ko pala kayang makita ka na nasa loob ng kulungan. Parang nagdurugo at nadudurog ang puso ko," hinawi ko ang kanyang kamay at tumama iyon sa rehas. Alam kong nasaktan siya, ngunit, dapat lang sa kanya iyon. Dahil wala akong kasalanan sa kanya at sa kanyang ama.


"Dahil lang sa halik na ginawa ko? Pinakulong mo na ako? Ayos ka rin, ah? Para kang birhen na bawal mahawakan ng kahit sinong lalaki! Kahit siguro hinliliit mo, kapag hinawakan ay ipapakulong mo na rin, at sasabihing, ginahasa ka!" kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Oo, maganda siya, subalit, para siyang may sayad sa utak. Nakaka-beastmode!


Habang kaming dalawa ay nagtititigan, biglang dumating ang pare ko at girlfriend nito. Dumating na rin ang taong hinihintay ko. Makakalaya na rin ako.


"Pare!" masigla kong sabi pagkakita ko sa kanila. "Ano pare? Nakausap mo na ba ang mga pulis? Wala akong kasalanan hindi ba? Kaya dapat akong makalaya na rito. Ayoko rito, pare!"


Tumalikod ang pare ko, "Hoy, pare! Saan ka pupunta? Ayoko rito, pare!" para na akong baliw. At talagang mababaliw ako kapag inabot pa ako ng kinabukasan sa loob ng kulungan.


"Brett," lumapit sa akin ang girlfriend ng pare ko. "Nandito kami, para bisitahin ka. Para makita at malaman kung ano ang kalagayan mo. Kumusta ka? Ano sabi ng mga pulis sa'yo?" kung alam lang nila. Na iyong babaeng nasa tabi niya ang may kasalanan kung bakit ako nakapiit sa bilangguan.


"Diniretso agad ako rito sa loob. Hindi na ako inimbestigahan. Ni hindi nga ako tinanong kung totoo bang ginawa ko ang ibinibintang nila sa akin. Ang nakakainis at nakakapang-init pa ng dugo, iyang babaeng iyan ang nagpakulong sa akin!" Tinuro ko ang babaeng katabi ng girlfriend ng pare ko. At nakita kong nagulat siya sa isinambulat ko.


Gulat ang mukha ng babe ng pare ko, mukhang hindi siya makapaniwalang ang babaeng katabi niya ang pasimuno at utak ng nangyari sa akin.


"Totoo ba?" mahinang tanong nito sa babae. "Sabihin mo, nagkukunwari ka lang bang wala kang alam?" paninigurado niyang tanong.


Ayaw magsalita ng babae, iyak lang nang iyak ito at nagmamakaawa na huwag siyang bugbugin. Napansin ko kasing sariwa pa ang pasa niya sa kaliwang labi. Mukhang galing siya sa away.


"Hindi kita sasabunutan at susuntukin, kung sasabihin mo sa akin ang totoo," hinawakan ng girlfriend ng pare ko sa braso iyong babae. "Sumagot ka, o papuputukin ko iyang labi mo? Mamili ka, putok labi, o putok sabi? Papuputukin ko iyang labi mo, o papuputukin mo ang totoo?" Napangiti ako sa pagpapatuloy na tanong ng babe ni Eiluj. Matapang din pala siya. Hindi gaya ng boyfriend niya, medyo duwag.


"OO NA! OO NA!"


---

NOM's note: Ichicheer ko ang babe ng pare ko! Go go go! Hahahahahaha!

---

Time Published: 4:15PM

HAGOOD!Where stories live. Discover now