H10.4 (R-18 Part)

10.3K 47 105
                                    

Pang-apatnapu't isang Hagood


Nang makapasok na sa loob ng kuwarto sila Brett at Eiluj. Pinaupo ng binata sa kanyang kama ang kaibigan. Doon, nagkatitigan silang muli.


"Sana ay pagbigyan mo ako sa aking gagawin sa iyo, Eiluj," usal ni Brett habang nakatingin sa nakatiklop na labi ng kaibigan.


"Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin, Pare!" usal din ni Eiluj habang nakatingin sa animo'y naglalaway na kaibigan.


Kapwa iisa ang naiisip ng magkaibigan habang sila ay nasa loob ng kuwarto. Maya-maya pa'y nakaramdam na ng init ng katawan ang binata. Hinubad nito ang longsleeves na suot. Tumambad sa harap ni Eiluj ang katawan ni Brett na wala namang abs. Pero kahit na ganoon, malakas pa rin ang sex appeal ng binata, mapa-babae, bakla o tomboy man, nahuhumaling din sa kanya.


"Ang init, Pare!" sabay hagis ni Brett ng longsleeves. "Grabe ang init talaga!" hindi na ito nagpaawat, hinubad na rin niya ang sando na naiwan sa kanyang katawan.


Napapahagikgik naman si Eiluj sa ginagawa ng kaibigan. Animo'y kinikiliti ito ng bonggang-bongga.


"Paanong hindi ka maiinitan, eh, nakapatay iyong electric fan!" natatawang tinuro ni Eiluj iyong naka-unplug na electric fan sa sulok ng kuwarto ng binata.


Napatingin si Brett sa kanyang gamit, "Oo nga! Kaya pala ang init!" napaismid nitong wika.


Tumayo ang binata sa kama at isinaksak ang plug ng electric fan. "O ayan, malamig na!" wika ni Eiluj, pagkasaksak ni Brett.


Napapakamot sa batok ang binata ng bumalik siya sa kama. Parang gusto tuloy nitong isuot ulit iyong hinubad niya. Ngunit pinigilan siya ng kanyang kaibigan.


"Ano ba ang gusto mong mangyari?" seryosong tanong ni Eiluj. "Kung iyon ang makapagpapasaya sa iyo, gawin mo," hinawakan nito sa kamay ang binata at inilagay iyon sa kanyang mukha.


Biglang napatingala at napalunok ng laway si Brett habang hinahagod ng kaibigan ang kanyang kamay sa pisngi nito. Animo'y pusa na naglalambing ng mga sandaling iyon.


"Sigurado ka ba diyan, Pare?" tanong ng binata na nag-aalinlangan pa, kahit na gusto naman iyong sinambit ng kaibigan.


"Hindi ba, action is louder than words? Kailangan ko pa bang idetalye sa iyo ang gagawin natin?" hinahalik-halikan ni Eiluj ang kanang palad ni Brett. Para bang umaamoy ng kapipitas pa lang ng bulaklak ang kaibigan ng binata.


Muling napalunok ng laway si Brett sa sinabing iyon ni Eiluj. Tumatagaktak na ang pawis nito sa mukha, padausdos sa kanyang leeg, hanggang sa katawan nito. Animo'y lechon na pinahiran ng mantika. Kaya tuloy iyong babae, parang nagugutom na.


"A-Ano ba, Brett! Tititig ka na lang ba diyan? Nagugutom na ako, Pare!" hindi na nakapagpigil pa si Eiluj. Hinaltak na nito ang leeg ng kaibigan, at nilantakan agad ang natutuyong labi ng binata. "Namiss ko ito! Tang'na ka, Pare! Iba talaga ang halik mo kay Scarlett! Parang ayoko ng matapos ang gabing ito!" napapaungol na wika ng kaibigan ni Brett.


Hinahayaan lang ni Brett ang kaibigan sa kung ano ang gustong gawin sa kanya. "Sige lang, Pare! Kunwari ka pa noong una, ah? Ngayon lantak ka nang lantak! Para kang asong lobo na gutom sa laman!" wika nito sa kanyang isipan habang napapatirik pa ang kaliwang mata.


"G-Ganito pala ang pakiramdam na makasama sa iisang kama ang lalaki! Lalo na at kaibigan mo pa! Pareee! Hindi kita aawatin! Ituloy mo lang... ang sarap, Brett!" napapaungol na wika ni Eiluj nang dumapi ang mainit na dila ng binata sa kanyang tenga, pababa sa kanyang leeg.


Solong-solo ng dalawa ang maliligayang sandali sa loob ng kuwarto. Kahit na mayroong kumakatok sa pintuan, wala silang pakialam. Basta tuloy lang ang magkaibigan sa paglalaro.


"BREEEEEEEEEEEEEEEETTTTT!"


"EILUUUUUUUUUUJJJJJJJ!"


---

NOM's note: Takip mata! Hahaha!

---

Time Published: 10:00pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now