H9.1

4.1K 39 36
                                    

Pangtatlumpu't apat na Hagood


Pumunta sa bandang gilid sila Daddy at iyong lalaking bigla na lang lumitaw sa gitna ng pag-uusap at tawanan naming dalawa. First time kong nakita iyong lalaki. Kaya wala akong ideya sa kung ano ang business nilang dalawa.


Bigla akong kinutuban ng hindi maganda, nang kawayan ako ni Daddy. Nakalagay sa dibdib ang dalawa kong kamay, habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanila. Ano kaya iyong napag-usapan nila. Maraming tanong ang biglaang nagsisulputan sa utak ko. Hanggang sa makarating na ako sa puwesto nila Daddy.


"Attorney Lopez, this is my daughter, Faye," yumuko ako bilang paggalang at nakipagkamay naman iyong lalaki sa akin. "Sabihin mo sa kanya iyong magandang balita," napatingin ako kay Daddy. Nakangiti siya at animo'y nabunutan ng tinik.


"Hi Miss Faye, I am Atty. Lopez, at naparito ako para sabihin sa iyo ang isang magandang balita..." nambitin pa ang matandang puno ng bigote sa mukha. Hindi na lang ako diretsuhin. "My service is free. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa problema ninyo. Handa akong ipagtanggol ang nasasakdal sa hukuman. Magpepetisyon din ako ng bail, para makalaya pansamantala si Brett Topacio," ano raw? Parang nablanko ako sa sinabing iyon ni Atty. Bigote. Este Atty. Lopez pala.


"A-Ano po iyong sinabi ninyo? Tutulungan ninyo kami?"


"Yes, Ms. Faye! Tinawagan ako ng Dad mo kanina. Humingi siya ng pabor, at dahil sa kababata ko ang Daddy mo, tutulungan ko siya," nakangiti niyang sabi sa akin. "I have to go na. See you on court, Mr. Mendoza and Ms. Faye," muling nakipagkamay si Atty. sa aming dalawa ni Daddy.


Tulala at hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ibig sabihin, wala ring kinalaman ang Daddy ko sa nangyari kay Brett. Saka, bakit kailangan naming tulungan iyong lalaking iyon? Kaano-ano ba namin siya?


"Dad?"


"Yes, Honey?"


Napaismid muna ako, at pumikit. Kanina pa ako ginugulo ng tanong na ito sa isip ko.


"Kamag-anak ba natin si Brett?" nakapikit kong tanong kay Daddy.


Hinawakan niya ang kamay ko, "Heto na siguro ang tamang panahon para malaman mo ang buong katotohanan, Faye," kinakabahan ako sa tono ng boses ng Daddy ko. "You are not my daughter. Hindi kita kaano-ano. Sa kagustuhan kong magkaroon ng anak, kinausap ko ang Mommy mo. Humingi ako ng malaking pabor sa kanya, at ito naman ay pinagbigyan niya," nabitin ako sa paliwanag ng Daddy ko. In the same time, ang sakit sa ulo na intindihin.


Kung hindi ako anak ni Daddy? Sino ang mga magulang ko? Nasaan sila? Sa loob ng mahigit dalawang dekada, ngayon ko lang nalaman na ampon pala ako. Masakit sa masakit, ngunit, kailangan kong tanggapin. Hindi na rin naman ako teenager para tumakbo palayo sa taong nagpalaki sa akin.


"What do you mean, Dad?" naluluha na ako. Parang ang saklap naman ng buhay ko sa mundo.


"Your real Mom is dead. Marahil ay ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Akala ko ay isang kanta lang sa videoke ang narinig ko. Iyon pala ay salpok na ng mga sasakyan. And your Mom is my cousin. And..." napahawak ako sa noo at hindi na napigilan pang bumagsak ang mga luha ko. "Brett Topacio is your little brother. Ikaw ang panganay sa apat na magkakapatid, Faye. Mayroon ka pang dalawang kapatid na babae. Si Pinkie at si Royce. Hindi nila alam ang tungkol sa iyo. Dahil lumaki silang, si Brett ang kinikilalang panganay."


Animo'y guguho ang aking mundo sa mga balitang hindi ko inaasahan. Ibig sabihin, alam na ni Daddy ang tungkol kay Brett. Kaya siguro ganoon na lang niya ito tignan noong kaharap namin ang sinasabi niyang little brother ko.


"Bakit ngayon lang po ninyo sinabi sa akin? Namulat ako na ikaw ang Daddy ko. Ikaw ang kasama ko. Subalit ngayon? Sasabihin ninyo na ampon lang ako? At ang tunay kong mga magulang ay patay na? Hindi ba parang ang unfair naman. Kung kailan namatay iyong mga tunay kong magulang, saka ninyo lang sinabi ang tunay kong pagkatao. Why, Dad?" nauunawaan ko ang paliwanag ng Daddy ko sa akin. Kaya lang, ayaw pa rin mag-sink in sa utak ang lahat ng iyon.


Lumuhod sa harap ko si Daddy at humingi ng tawad. Hindi naman niya kailangang gawin ang lumuhod. Pinatatawad ko na naman siya sa kung ano ang ginawa niya. Saka napalaki naman niya ako ng maayos, iyon nga lang, sobra akong na-spoiled.


"Please, Dad. Do not leave me alone. And please, tulungan natin ang kapatid kong makalaya sa kulungan. Pero bago po iyon, maaari po ba na pumunta muna tayo sa morgue? Gusto ko pong makita ang tunay kong mga magulang."


---

NOM's note: Faye, nakakalungkot ang nangyari sa inyo. Pahingi tissue please?

---

Time Published: 10:05pm

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon